Annabelle Rama, pinaaaresto!

AKO NGAYON ang kinukulit sa isyung break-up daw nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Tinanong lang naman ako kung tingin ko ba magtatagal ang relasyon ng dalawa. Kung meron. Kasi wala namang may umamin sa kanila, ‘di ba?

Kung sakaling nag-break nga, paano naman nila aminin ‘yan?

Kaya nu’ng tinanong ako ni Ricky Lo tungkol diyan, sinagot ko lang na tingin ko hindi talaga magtatagal dahil napakabata pa ni Pauleen at may pagka-bratty pa ‘yan. Kaya mahirap talagang magkasundo sila. Pero bakit naman daw sina Dolphy at Zsa Zsa Padilla? Siyempre, ibang case naman ‘yan, na ewan ko kung puwedeng i-apply ‘yan kina Vic at Pauleen.

Tingnan na lang natin, at magkakaalaman din ‘yan.

Mabuti nga at busy ngayon si Pauleen dahil bukod sa Eat Bulaga, may My Daddy Dearest ito na nagti-taping siya every week.

Nag-aaral pa siya ng Culinary Arts, kaya busy siya. Lalo na’t pinaghahandaan din nito ang paglipat nila ng bahay.

 

NAKU, DAY! Hindi pa rin matapus-tapos itong kaso nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro.

Wala naman kasi rito si Bisaya, dahil nanood daw ito ng laban ni Pacman sa Amerika.

Meron pala itong arraignment sa kasong Libel na isinampa ni Nadia laban sa kanya, pero hindi nga ito nakasipot. Kaya nagalit daw ang judge, naglabas ito ng warrant of arrest laban kay Annabelle.

Pero may piyansa naman ‘yan kaya puwede namang mag-post ng bail pagdating niya.

Sunud-sunod na nga ang mga hearing nila, dahil pagkatapos du’n sa Libel ni Nadia sa QC-RTC, kinahapunan sa Caloocan City naman sila tumuloy para naman sa Libel case na isinampa ni Boy Asistio laban sa kanya.

Preliminary hearing naman ‘yun na siyempre wala rin doon si Bisaya at abogado lang nito ang sumipot. Hindi pa raw kasi sila nakakuha ng kopya ng complaint affidavit, at doon pa lang nakuha ng abogado niya. Kaya binigyan ito ng isa pang pagkakataon na makapag-submit ng counter-affidavit.

Napagkasunduan nilang sa June 25 nila ito ipasa na kailangang daluhan ni Annabelle para sumpaan niya ito. Nakailang hearing na raw kasi sila na hindi sinisipot ni Bisaya kaya tingin nila, hindi niya ito siniseryoso.

Sabi naman ni Annabelle, matagal pa ang tatakbuhin ng kaso na ‘to kaya dito malalaman kung kaya nilang i-maintain ito.

Mukha ngang magtatagal pa ito, kaya lang sa dami ng mga kasong ito nakakaloka rin. Marami namang abogado si Bisaya kaya kakayanin naman niya ito.

Pero nakakapagod pa rin, kaya bahala na kung sino ang magtatagal dito. Kahit nga ang mga cameraman namin at reporters ay nagsawa na rin sa kasusubaybay. Malalaman din natin kung hanggang kailan ito.

Hay, naku! Good luck na lang!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

17 thoughts on “Annabelle Rama, pinaaaresto!

  1. ano kaya ang nararamdaman ng mga anak ni anabelyas tungkol sa mga pinag-gagawa niya. hindi ko talaga lubos maisip.

    • siguro na-brain wash na ni anabelyas ang buong pamilya niya na hindi sila sisikat kung hindi sa kanya kaya tanggap na nila ang pinag-gagagawa niya. sana naman magising ang pamilya niya na hindi naman dapat mag-resort si anabelyas sa pagiging walanghiya at makapal ang mukha para sila sumikat.

  2. nakita ko ‘yung video ni anabelyas na nagsisi-sigaw siya ng “nadia magnanakaw . . . etc. etc.” palinkerang palikera ang dating. hindi ko talaga lubos maisip kung paano natatagalan ni idde ang ganitong klaseng asawa. kunsabagay, naiintindihan ko naman na wala ng magpapakain sa kanya kung sakali man at iwanan niya si anabelyas. palagay ko pa nga takot siya na iwanan siya ni anabelyas dahil sino nga naman ang magpapalamon sa kanya.

  3. naku si Nadya lang ang mga nag-susulat nang mga iyan laban kay Anabelle..palikhasa wala nang makain kaya lahat nang anak niya ay pinapag-artista niya…pulubi na si asistio..papaano nila babayaran ang mga abogado nila? kaya lang naman pumatol iyan kay Asistio dahil may pera siya noon . Siya pa nga gumastos noon mag eighteen birthday si Dambu “Nadia” Noon. Ikaw Nadya ang galing mong artista..parang totoo ang mga pinag-sasabi mo.. talagang kitang kita ang pag-arte mo . bakit hindi ka na lang kaya mag-artista..para kumita ka nang patas..kung anu ano pang dimanda ang alam mo…GAGA… 

  4. dapat talaga makulong yan…walang breeding kasi…dating pokpok yan…pambayad sa mga hapon nung artista pa yan…no wonder na sa brunei naman niya ipinagamit yung anak nya…kahit anu gagawin ng babaeng yan magkapera lang…nagbenta nga ng apo yan eh…

  5. si anabelle rama na siguro ang pinaka walang kwentang tao at pinakamasamang tao sa showbiz.. alam ng marami sa showbiz yan.

  6. SOBRANG YABANG TALAGA NG ANNABELLE N ITO SARAP TALAGANG MAKITANG PINOPOSASAN CY PAG BABA NG AIRPLANE, sana makulong ng magtanda sobrang yabang eh akala mo pinanganak cy may gintong kutsara s bibig kaya kong makapag alipusta ng tao ganon ganon nlang, nakalimutan n annabelle kong paano cila naglako ng mga kaldero, at iyong tsismis n pumunta cilang mag ina s brunai, naalala ko mayroon din itong alaga yong mia nolasco ata ang name non pumalag din yon n binubugaw daw cy tapos binweltahan p n annabelle ng masasakit n salita. sana mabulok s kulungan ang babaeng ito

  7. Last interview kay Vic Sotto, hindi raw niya alam kung saan nanggagaling ang hiwalayan tsismis. Tanungin daw si Ricky Lo kung saan nakuha ang tsismis dahil wala naman raw katotohanan. Inamin naman ni Lolit na galing sa kanya, hindi ba ? Credible source ba siya ?

  8. NAKU, PINAYAYAMAN LANG NILA ANG MGA ABOGADO, HAHA! KAKASAWA NA ITO, WALA BANG IBANG TSISMIS KAY ANNABELLE? 

    • Agree, parang lahat na lang yata ng balita sa pamilya Gutyeres ay mga parang puro awayan, scandal at kasukasuhan. Sino pa ba ang nakainteres sa awayan nila, palagi na lang awayan. Wala kasing mga breeding.

      • ang aga namang nagsawa sa puday ni pauleen si vic! siguradong si solenn naman ang puntirya nito! kung nagkataon ay tatlon babaeng binarutot ni vic ang magkakasama sa eat bulaga!!! ang laswa!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.