Annabelle Rama, patung-patong na asunto ang hinaharap!

HINDI NA matapus-tapos ‘yang mga demandahan na ‘yan sa showbiz, huh!

Ayaw ring paawat ni Amalia Fuentes at panibagong Libel case na naman ang isinampa niya nu’ng kamakalawa ng hapon.

Hindi pa nga matapus-tapos itong demanda ni Nadia Montenegro kay Annabelle, sumabay naman itong si Amalia.

Libel case ang isinampa niya laban kay Annabelle at pati si Bianca Gonzalez ay dinamay niya rin dahil sa sinulat daw nito sa column niya. Naku! Hindi ko nga alam kung saan nagsulat itong si Bianca.

Pero ayaw talaga nilang tigilan si Bisaya na tahimik muna ngayon kasi ang alam ko nasa Amerika pa ito.

Hindi ko knows kung ano naman ang balak nina Nadia dahil may warrant of arrest na nga sila na inisyu ng judge sa QC-RTC sa ‘di pagsipot sa arraignment ng Libel case na isinampa sa kanya ni Nadia. Hindi kaya inaabangan nila sa airport pagbalik para ipaaresto nila ito?

Kaya halatang irita si Bisaya sa  kanyang inilabas sa kanyang Twitter account na hindi naman daw siya kriminal para ganunin siya.

Sabi sa Twitter nito: “Ikaw ngayon tuturuan ko ng leksyon sa pagkasinungaling mo! Puro imbento ang mga sinasabi mo. Napakatanga mo dai!

“Malinis ang konsensya ko. Di ako criminal, at di ako pumapatay ng lechonin na baboy masama yun.”

Nakakaloka! Abangan na lang natin kung ano naman ang isasagot ni Annabelle dito naman kay Amalia.

 

TULUY-TULOY RIN itong kasuhan nina Mon Tulfo at ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Nu’ng kamakalawa rin ay nagkaroon ng preliminary hearing ng kasong Physical Injuries at Grave Coercion na isinampa ni Mon laban sa mag-asawang Santiago.

Ang sabi raw ng abogado nila, pinapa-elevate na raw nila ang kasong Physical Injuries sa Attempted Homicide.

Tingnan na lang natin kung ano ang desisyon ng fiscal dito.

Abangan ‘nyo ‘yan sa Startalk bukas dahil may kuwento kami tungkol diyan.

Ang sabi pa ni Mon, gusto raw niyang ipakulong sina Raymart at Claudine dahil sa pananakit at kahihiyang inabot niya sa gulong ‘yun.

Hindi pa nagsasalita ang mag-asawa tungkol dito, pero tuluy-tuloy pa rin ang kaso nila, at tiyak na meron din silang pinaghahandaan laban kay Mon at pati sa mga kapatid nito.

Hay, naku! Ang gulo na, huh!

 

TOUCHED NAMAN ako sa mag-asawang Mayor Strike Revilla at Chaye Cabal-Revilla dahil sa amin sila sumama nu’ng nakaraang Martes na kung saan sinelebreyt nila ang kanilang first wedding anniversary.

Sa mga ‘di pa nakaaalam, si Chaye ang First Vice President ng PLDT at siya ang pinakamalapit na assistant ni Manny V. Pangilinan.

Siyempre ang dami naming napag-usapan nu’ng nagpa-lunch sa amin sa Anabel’s Restaurant pero hindi pa puwedeng ikuwento o isulat dahil alam n’yo naman ang mainit na isyung pinag-uusapan ngayon.

Isa na nga rito ang isyung bilihan ng TV5 sa GMA-7, na wala pang nagkumpirma. May mga nakakarating na kuwento pero wala pa talagang kumpirmasyon kaya abangan na lang natin bago matapos ang taong ito.

Mas pinag-usapan na lang namin doon ang nalalapit na plebisito ng Bacoor sa June 23 para makuha ang cityhood nito.

Pinaghahandaan na rin ni Mayor Strike kasama si Congresswoman Lani Mercado siyempre ang Bakood Festival na gagawin nila sa Bacoor sa September.

‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

18 thoughts on “Annabelle Rama, patung-patong na asunto ang hinaharap!

  1. Tantanan niyo na si annabel, inggit lang ang kiampo si nadia, amalia etc dahil biglang yaman at magaling na manager si Annabel. crab…tama na ang inggit 

  2. anong pinaghahandaan lolita solis ? yang mgasawa! pnittahimik na sila kasi bawat buka ng bibig ibinabaon sa sariling mantika!  mabuti sana kung si matrona ang lupaypay sa bugbugan!  baka talagang pinaniwalaan pa siya kaso mo tinalo niya laht ng action star!  get mo!

  3. Mayaman naman sila! GO lang ng GO! sige gastosng gastos sa mga abugado! Di ba mataas naman ang TF ng 3 niyang anak– keep spending your kids hard earned money! Wa ka namang paki eh!

  4. A.R mataba ka rin naman ah at tsaka pare pareho lang kayo ng mga ugali ng mga taong nagdedemanda sa yo.publicity hungry”bigtime”kaya kayong mga nagdedemanda kay A.Rama,pakiusap, idemanda ng idemanda ninyo si A.R,huwag na ninyo ipaadvertised,kasi pareho din naman kayo ni Rama,kayong lahat esp,nadia ,amelia,daisy,divina valencia{though I like Danita paner,but i dont like your adopted mother sorry}May takot ba kayo Dios?

  5. Tinolerate kasi ng tao si Annabel Rama kaya lumaki ang ulo.. Kung sa US pa sila nakatira, ewan ko kung uubra ang style niya laluna yung pagwawala nya sa korte.

  6. MATABA DIN NAMAN SI TITA ANNABEL BAKIT LAGI NIYANG TINATAWAG NA BABOY SI NADIA.MASAMA IYAN TITA ANNABEL RAMA SA PANINGIN NG LUMIKHA.KAKASAKIT NG DAMDAMIN.

  7. NAWALAN NG SALA SI RICHARD.PINAWALANG SALA NG HUKUMAN NI GLORIA .SANA BINIGAY NA LANG DOON SA BIYUDA KAYSA IBINAYAD PARA MAWALANG SAYSAY ANG KASO.(KUNG GANOON NGA NANGYARI) MAY MGA TAO KASI NA LIKAS NA ANG KASAMAAN,MINSAN BUONG PAMILYA NAGHAHARI ANG KADILIMAN.SA MGA NASASAKTAN NG MGA TAONG ITO.PATAWARIN NA LANG NINYO SILA IPAGDASAL NA DI NA ULIT SILA MAKAKASAKIT NG DAMDAMIN.

  8. Kalurky, mga balita ni Annabel, Ruffa at Retsard ay puro mga scandal. Maski ano pang mga mahahalin na damit, bag, alahas at good project ang binigay sa kanila, nawalan na talaga sila ng ningning sa mga tao dahil sa pagkaeskandalosa nila at hilig sa gimmik. Sayang.

    • Oo nga, ano na ba ang nangyayari doon sa kaso ni Retsard sa pamilya ng Pardo? Di ba nagsampa ng kaso ang asawa ni Pardo?

  9. buti nga sa annabel mangkukulam na yan! sana nga makulong na talaga ng malaman nya na hindi sya Diyos! hindi ako kumakampi kay nadia o amalia fuentes pero sobra sobra na ugali ng bruhang to na akala nya walang kayang kumalaban sa kanya. makapal muka ng impaktang to at ng pamilya nya lalo na ang fame whore bruneiyuki ba mukang transvestite ruffing!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.