Nadia Montenegro, masyadong palaban Annabelle Rama, Nakahanap ng Katapat!

TALAGANG DAPAT na paghandaan ni Tita Annabelle Rama ang mga hakbang na kanyang gagawin kontra kay Nadia Montenegro na ngayon ay humantong na sa demandahan, at nagsanga-sanga na ang isyu tungkol sa kanilang naging alitan, dahil ang dami-dami na nilang pagbabatuhan ng mga salita na ipinupukol sa isa’t isa. Ang buong showbiz ay nag-aabang kung hanggang saan makararating ang banggaan nina Annabelle at Nadia.

Parang sa pagkakataon daw na ito ay nakatagpo si Tita Annabelle ng kanyang katapat. Palaban daw masyado kasi ngayon si Nadia, at kung ang mommy raw ni Ruffa Gutierrez ay maraming pagtataray na ginagawa laban sa dating aktres, mayroon din daw nakatakdang pasabugin si Nadia laban sa wife ni Tito Eddie Gutierrez, at ito ay tumutukoy sa pera o malaking pagkakautang diumano na si Rama ang sangkot sa isyu, kaya dapat daw pakaabangan kung itutuloy ni Montenegro ang malaki niyang panggulat.

Parehong may kakaibang istilo ng pakikisama sina Tita Annabelle at Nadia sa mga taong nakakasalamuha nila sa showbiz. Kailangang daanin ni Tita Annabelle sa pakiramdam kung totoo sa kanya ang mga taong nakakaharap at nakakausap niya. Mayroon din daw kasing mga tao sa showbiz na mga galit sa Mommy ni Richard Gutierrez, na kay Nadia naman kumakampi ngayon, kaya raw si Nadia ay parang lalong nagkakaroon ng lakas ng loob na banggain ang kontrobersiyal na talent manager.

 

BLIND ITEM: Nakawiwindang ang tsismis na ito na nagsimulang sumingaw sa umpukan ng mga manunulat sa showbiz. Pinagkukuwentuhan kasi nila kung kumusta na kaya at nasaan na ang mga sumikat na aktor noon, na ngayon ay mga hindi na aktibo, pero pupuwede pa naman daw bumalik sa limelight, dahil kahit may edad na sila ay mga guwapo pa rin sila. Nabanggit ang isang dating matinee idol na nagkaroon din ng Playboy image. Itago natin siya sa pangalang Vhenee Romero.

“Nasaan na ba ngayon si Vhenee? Napakaguwapo pa rin niya. Kahit tatay o lolo sa mga teleserye ay pupuwede siya. Napakaguwapo kaya niya nu’ng kanyang kasikatan. ‘Kita n’yo naman, mga sikat at pagkagagandang aktres ang kanyang mga nakarelasyon,” tanong ng isang beteranang manunulat.

“Sumikat naman siyang talaga. Kaya siguro hindi na niya feel na magbalik-showbiz. Nakakapanghinayang nga, ‘di ba? Ang balita ko ay namamalagi na lang siya sa kanyang probinsiya, dahil may mga lupain sila roon, tsaka naroon ang kanyang mga kaanak. Kaya lang, hindi maganda ang huli kong nabalita tungkol sa kanya,” wika ng isa pang beteranang manunulat na kaibigan ng dating matinee idol.

“Ano’ng balita ‘yon?” tanungan naming lahat.

“Susmaryosep! Ang huli kong balita, na nanggaling sa kanilang probinsiya at sa kalapit probinsiya pa nila, na si Vhenee Romero daw ay humahada na. Nanlalalaki na. Kumokopas na ng ka-notahan. Ganu’n daw ‘yon, eh. Kapag ang isang lalaki na naging babaero, kapag daw nagkakaedad na ay medyo lumalamya ang mga kilos at nagiging bading. Lalaki na rin ang gusto,” dugtong pa ng beteranang writer.

Talagang sumikat si Vhenee Romero, kaya mag-iingat tayo ng pagkikilanlan na dapat n’yong hulaan. Naging parte ng kanyang lovelife ang isang beteranang aktres, nakarelasyon ang isang aktres na hanggang ngayon ay sikat na sikat pa rin, at naka-live in ang isang dating napakaganda, flawless at boobsie na sexy actress. Hanggang d’yan na lang po ang pahulaan.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

12 thoughts on “Nadia Montenegro, masyadong palaban Annabelle Rama, Nakahanap ng Katapat!

  1. @RUFFA GUTIERREZ, IP, THE INTERNATIONAL PROSTI, oh my gosh, you used to live in Alaska? We used to live in Alaska too, first in Palmer and then we moved to Wasilla. What a small world.
    I’ve been to Eagle River many times cause my husband used to work there. We’ve also been to Seward too. Oo nga Eye of the Tiger, sino yong AA? ang alam ko lang AA ang initial is Alona Alegre or Amy Austria or sino pa ba?

  2. @Eye of the Tiger, who is the third person mentioned na dating napakaganda, flawless , boobsie sexy actress na naka live-in. Do you know ?

  3. Si Vilma at si Romeo yun sinasabi nilang meron silang betamax SEX SCANDAL hahaha!!!!…. Tumpak na tumpak dyan sa B..I. 

  4. @Maria. Tama ka sa ibang hula. Amalia Fuentes, Vilma Santos at Annabelle Ama. Lol. Alangan naman na si Ai Ai. Nasa Pilipinas na ba si Romeo Vasquez ? Buhay pa pala. Dumayo kami sa Alyeska Ski Resort sa Alaska noong bata pa ako. So my memory could have failed me. Andoon daw sa Seward si Romeo Vasquez, nag lilinis ng Salmon sa isang fish factory. Not sure kung tutoo ‘yon. Besides, wala akong paki noon.

  5. @kerry, sino itong mga initials? Hindi ko makuha?
    Beteranang aktres -AF (Amalia Fuentes?)
    Aktres na sikat pa -VS (Vilma Santos?)
    Boobsie Aktres -AA (Sino ito?)

  6. walang kwentang bisayang wlang breeding,, mas maganda at may mapa2la ka kng magdonate ka sa nasalanta ng bagyo sa mindanao at sa mga kabs mo sa bisayas.. pareho lang kau puro pera ang nasa utak pati mga bata naga2mit magkapera lang. manang mana talaga ang mga anak ni bisaya sa knya ang international prostitute nyang anak na ruffa,mga bakletang kambal naki2saw2 sa isyu puede nman suportahan nyo ina nyo na naka silent lang hindi ung sa media nyo pa ba2natan c tabangching eh ang ina nyo tabanching din pati kapatid nyong long legs na botox queen na mukha nang bakla sa ka2 surgery..

  7. So Lolit Solis sinabi mo sa itaas na AND i QUOTE = ” Ganu’n daw ‘yon, eh. Kapag ang isang lalaki na naging babaero, kapag daw nagkakaedad na ay medyo lumalamya ang mga kilos at nagiging bading. Lalaki na rin ang gusto,” dugtong pa ng beteranang writer.”

    So kung totoo man ito Lolit, ang mga close na showbiz inaanak mong si Bong, Manny at Willie magiging malalamya din ang mga keeps nila in the future at magiging bading din sila???????? HAHAHAHAHAHAHA, what a joke!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.