Annabelle Rama, ilalabas ang lahat ng baho ni Nadia Montenegro?!

GALIT NA GALIT si Annabelle Rama nang makausap ng Pinoy Parazzi kahapon nang umaga sa QCRTC, kung saan  sinabi nitong hindi siya natatakot sa demandang inihain sa kanya ni Nadia Montenegro. Dalawa ang kasong isinampa ni Nadia laban ka Annabelle at ito ay Child Abuse at ang mga Libelo.

Masyado raw nakakasirang puri ang mga binitiwang linya ni Annabelle sa Twitter account nito. “Bakit totoo naman ang lahat ang mga sinabi ko. Totoo namang marami siyang lalaki, ‘di ba? Tsaka, ‘Dong, tigilan niya ako dahil hindi ako ang nakiusap sa kanya na i-manage ko ang mga anak niya. Siya ang nakiusap sa akin, tapos ganito ang gagawin niya?”

Hindi raw natatakot si Annabelle sa demanda ni Nadia. “Ang katakutan niya ay ang galit ko, ‘Dong, dahil kilala ko ang pagkatao niya, at alam ko kung ano ang baho niya. Huwag siyang magmalinis sa akin dahil hindi ko siya uurungan at kahit anong laban pa, sige payag ako kung gusto niyang magsampalan pa kami at magsabunutan dahil hindi ko siya uurungan.”

Ayon kay Annabelle, hindi raw siya ang dapat na idemanda ng Child Abuse, dahil kung meron mang dapat idemanda ay si Nadia iyon. “Siya ang dapat na idemanda ng kanyang mga anak dahil hindi siya naging mabuting ina. Pabaya siya at hindi siya marunong magpaka-ina. ‘Yan lang ang masasabi ko sa kanya kaya tigil-tigilan ako ng babaeng iyon.”

Tinanong ng Pinoy Parazzi kung ang sinasabing baho ni Annabelle ay ang “baho” na unang pinaputok noon ni Cristy Fermin kaugnay sa diumano ay pagkakaroon ng ugnayan ni Baron Geisler kay Nadia. “Mas matindi pa du’n ang hawak kong baho at may ebidensiya ako. Kaya kung ako sa kanya, tigil-tigilan niya ako dahil hindi ko siya uurungan.”

Tanging mensahe ni Tita Annabelle kay Nadia: “Kung ako sa ‘yo, ‘Day, pag-isipan mong mabuti ang iyong ginagawa dahil bandang huli, sa iyo lahat babalik ang mga sinasabi mo. Kilala mo akong magalit at hindi ako natatakot sa isang tulad mo lang,” pagwawakas ng ma-taray na ina.

 

NAGKAGULO ANG MARAMING media sa Parañaque Municipal Trial Court kahapon ng hapon. First hearing kasi iyon para sa kontrobersiyal na kaso ni Ramgen Revilla kaugnay sa pagpaslang dito na ang sinasabing ang salarin ay ang mga sariling kapatid na sina Ramon Joseph Bautista at si Mara Ramona Bautista.

Nakausap natin ang kanyang lola na si Mommy Lyn, ina ni Genelyn Magsaysay, at sinabi nitong napaka-unfair para sa kanilang pamilya ang nangyayari. “Hindi kriminal si RJ, napakabait ng batang iyan. Bakit nila ipinakulong? Hindi ako naniniwalang kayang ipapatay ni RJ ang kanyang kapatid, alam kong inosente siya.”

Ayon kay Mommy Lyn, hindi rin daw siya kumbinsido na may malaking kinalaman si Mara sa nangyaring pagpaslang kay Ram. “Hindi puwedeng gawin iyon ng aking mga apo. Totoong kung minsan ay nagkakapikunan sila, pero parte lang iyon ng buhay ng magkakapatid.”

May pakiusap si Mommy Lyn sa kanyang apo na si Ramona. “Ramona, anak, bumalik ka na rito sa Pilipinas at harapin mo ‘yung akusasyon, laban sa iyo para malinis ang pangalan mo. Huwag mong hayaang mabahiran ng dumi ang maganda mong pangalan,” umiiyak pang sabi nito.

 

WALA PANG NAGAGANAP na birthday party kay Vilma Santos dahil hanggang sa mga sandaling ito, ang Star for All Seasons ay nasa ibang bansa pa kasama ang asawang si Ralph Recto. “Medyo namahinga si Vi, kasi masyado siyang napagod at babalik siya next week. Hindi ko lang alam, Morly, kung balak niyang magkaroon ng party.” Pahayag ni Ate Emily Santos.

Ayon kay Ate Emily, sinamantala ni Ate Vi ang kanyang bakasyon dahil sa mga susunod na buwan ay magiging masyadong abala ang Star for All Seasons dahil sisimulan na nito ang project na pagsasamahan nila ni Kim Chiu.

“Hindi ko alam kung ano ang plano ni Ate Vi sa kanyang pagbabalik, pero for sure, uunahin niya ang trabaho niya sa Batangas.”

Sa kabilang banda, usap-usapan na posibleng maulit ang pelikulang T-Bird at Ako nina Vilma at Nora Aunor under Regal Films. Balak kasi ni Mother Lily Monteverde na pagsamahin ang dalawang higanteng aktres ng bansa sa isang pelikula. Tsuk!

More Luck
by Morly Alinio

loading...

20 thoughts on “Annabelle Rama, ilalabas ang lahat ng baho ni Nadia Montenegro?!

  1. ALAM MO ANNABELLE,,LAHAT NA LANG NG TAO SAYO MAY BAHO ,MAY BAHO NA ILALABAS MO,,,MATANONG KA NGA NAMIN ,IKAW BAY WALANG BAHO????????IKAW BAY MALINIS NA TAO?????????IKAW ANG WAG MAGMALINIS,TITIGAN MO NGA YANG MGA ANAK MO,LALO NA SI LUFFA,,IKUMPARA NYO NGA SA MGA ANAK NI NADIA,,,,KITANG-KITA NMN NA MAS DISENTENG TINGNAN ANG MGA ANAK NI NADIA KAYSA MGA ANAK MO ANNABELLE,,,IKAW ANG TUNAY NA MAY BAHO, NAPAKARAMING BAHOOOOOOOOOOO,KAYA BAWAS-BAWASAN MO ANG PAGTIRA SA MGA TAO LALO NA SA MGA NAKAKAAWAY MO,,ANG TAO HABANG TUMATANDA DAPAT BINABAWASAN ANG KAAWAY,KASI NALALAPIT KA NA SA HUKAY,,SOBRA NANG ALANGAN SAYO, AT HINDI NA KINAKAGAT NG TAO ANG PINAGMAMALAKI MONG PAGKABISAYA,IKAW LANG ANG NAG-IISANG BISAYANG GANYAN,,HINDI NA BAGAY,MANAHIMIK KA NA.DAPAT SAYO MAGSULSI NA LANG SA BAHAY PARA NAIIWASAN MO ANG MGA DEMANDA,KAHIT NMN NOON PA LAGI KA NAMANG NADEDEMANDA EH,,THIS TIME SANA MAKULONG KA NA AT NANG MADALA KA.

  2. GANON, ANNABELLE MAY MAS BABAHO PA PALA SAYO???????DI KO ALAM UN AH,,,ANG ALAM KO KASI MAS MABANGO SAYO SI NADIA

  3. NUMBER 1 DYAN SA WALANG LIGUAN FOR SURE ANG MGA KAPANGITYA………..HAHAHAHA………..GMA PINAKA-MABANGO……….HAHAHAHAHA

  4. BASTA MGA FANS NG KAPANGITYA NETWORK PURO MABAHO, AMOY IMBURAL AT WAKALI AS IN WAKALIGO!!!!!!!!!!!!!!!!………….MABUHAY SI MARIAN THE NO. 1!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  5. Hoy anabelle! kung hindi ka natatakot sa mga kaso na nadia filed, eh bakit ka nananakot sa kany na kesyo ilalabas mo yung mga baho nya and na may proof ka? kasi takot ka! para ka ngang nang ba-blackmail di ba?

    YUNG WRITER NG STORY NA TO AND NUNG ARTICLE KAY RUFFA, IPABASA MO LAHAT NG MGA COMMENTS DITO SA MGA GUTIERREZ HA! PATI NA DON SA PEP.PH PARA ALAM NILA NA ANG MGA TAO, ALAM NA MGA BAHO NILA AND HINDI SILA PINAPANIWALAAN NG GURANG NA NYANG ANAK. BRUNEIYUKI!

  6. KAPAL MO ANABIL! pwede ba? palibhasa mga BAHO ng buong pamilya mo UMAALINGASAW NA AT DI NA KAILANGAN ISABOG PA! ang baklang matrona mong anak na ibinugaw mo sa Brunei dati… laspag at tuyot na…naghahabol pa! ang baklang baboy mong anak na si GAYmond, amoy burat na ang hininga! mga iba mo pang anak na walang talents kaya di sumikat-sikat. papogi effect lang! kahiya ka day! makahanap ka rin ng katapat mo…kaso imposible yata dahil walang ibang nanay na siya mismo ang magbubugaw sa nag iisa niyang anak na babaeng bakla sa Brunei! IKAW at IKAW lang ang makakagawa nya, hinayupak kang ina! ibugaw ang anak kapalit ng datung o ginto?! ipakasal ang baklang babaeng anak sa U.S para lang maging US citizen…. ipakasala ang ropa na tranny sa isang turkish na bahagi pala ng drug syndicate?! ngayon naman ay naghahabol sa isa daw na “lasinggero?” Juice ni eddi g?! tuyot nah! sa mga kalokohang pinag gagawa nyong mag ina! mga bastos! mag amuyan na lang kayo ng mga almuranas nyong pwet!

  7. Mrs. Bugaw. Kung ako ikaw Nadia, ilabas mo na rin ang nalalaman mo tugkol sa ginawa ni Annabelle na pagbugaw kay Ruffa sa Brunei, scam ng Famas, pag post ni Annabelle ng nude. etc. . .I’m sure maraming baho ito na puwedeng gawing sensational ulit.

  8. bago ka magsabog ng baho ng iba, isabog mo muna ang baho ng mga anak mo at sa iyo.   noon sinulat lang ni evil Cristy na tumatalbog ang mga tseke mo, dinemanda mo siya at nakakuha ka pa ng 1 milyon sa kanya. tapos ikaw kung makapagsalita ka sa kapuwa mo akala mo wala silang damdamin. pero dont worry anevil, matagal ng naghihintay sa iyo si taning.  di ba totoo namang bogaoisan ka. dati ka sa mga lobby daw kayo ng hotel naghahanap ng dawter mong frosty da snowman. as in everyday kayong naghihintay ng suki. 
    at saka para namang di rin lilitsunin ang buong pamilya mo. kung di nga kay Belo mas babsy pa si frosty ropa. para lang frog si ropa na may mahabang piking binti.

  9. Ang middle name ni Annabele ay Butangera..hahaha

    Di kasi nag-aral sa Paris kaya ayan, kulang sa breeding..Wahahaha

  10. Si Annabel naglalabas na ng mga baho ni Nadia. Si ruffa naman ilalabas din ang mga baho ni SHAINA pati na lahat ng mga text ni shaina na “putang ina” kung mag mura pati ang iniingatan na image ni John Lloyd damay rin dahil sa mga nilalabas na issue ni ruffa na saksakan siya sa pagkalasenggo … Ang gugulo talaga ng mga issue ngayon kundi patayan labasan ng mga baho-baho…. tsk..tsk..tsk….

  11. Ok LNG yan annabel
    Basta lahat Ng nilabas mo my prove ka
    Dahil kong puro yakyak ka Lang tulad Ng anak mo si ruffa 
    Ay kangkongan ang Bagsak mo 
    Sama kayo ni ruffa
    Hahanap kau Ng kakampi kaya ayusin ninyong mang Ina lol 

  12. Hoy Annabel tutukan mo na lang yang anak mong si Ruffa, parang mabahong nabulok na isda na iyan sa mga eskandalong left and right na kinasangkutan nyan. Nawalan tuloy ng respeto ang madlang tao sa pamilya nyo. Halos lahat na lang yata ng mga balita sa pamilya niyo ay hindi kagandahan at puro mga eskandal. Maski ano pang pagpaganda ng anak mo, wala nang wow factor dahil sa mga kinasangkutan nya. Naging kiss and tell pa, hahahaha, parang hindi naman naging first princess, Parang wasted na ang tingin ng daming tao sa anak mo base sa mga below the belt at negative comments sa kanya dito at sa ibang mga pinoy websites. Tsuk, tsuk, tsuk. Para na ring she is digging her own grave site eka nga.

  13. lahat naman ng nakakaalitan ni annabelle sinasabihan nya na ilalabas ang mga baho (ng kanyang nakaaway). anong bago sa mga away issues ni annabelle? ang cheap ha.

Leave a Reply

Your email address will not be published.