Annabelle Rama, idinemanda ng Child Abuse ni Nadia Montenegro!

ON THE WAR path na naman ang butihing ina ng mga Gutierrez na si tita Annabelle Rama.

Natulikap lang namin ang isang balita na diumano, isang talent nito ang may reklamo sa kanya. At ang isyu pa eh, may kinalaman sa child abuse.

Ang isyu kasi, diumano eh, pinagta-trabaho ng butihing manager ang mga ito nang higit sa 40 oras kada linggo, kaya naman napapabayaan na ng mga ito ang kanilang pag-aaral.

Ang nagrereklamo ay ang dati ring artistang si Nadia Montenegro, na nagsumite ng kanyang reklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office noong Biyernes, para sa kanyang dalawang anak na may edad na kinse at disi-siete.

Isinaad naman diumano nito sa kanyang reklamo na matagal na niyang kaibigan si Tita Annabelle. Kung saan nga lumagda siya ng limang taong kontrata para sa kanyang mga anak sa kanilang trabaho sa telebisyon.

Child abuse at oral defamation ang mga reklamo ni Nadia sa nasabing manager. Diumano, dahil sa pagkakalat nito ng ‘nasty rumors’ sa kanyang mga anak.

Saad pa ni Nadia, tutol naman daw siya na mag-artista ang kanyang mga anak. Kaya nga siya na rin ang lumagda sa mga kontrata ng mga ito with Tita Annabelle. At nu’ng una nga raw eh, para sa tatlong taon lang sana ang nasabing agreement o kontrata. Pero naging limang taon ito.

At ang hindi nga raw nagustuhan ni Nadia eh, ang oras na sumosobra na sa dapat lang na gugulin ng mga bagets sa harap ng kamera dahil nakakasagabal nga sa kanilang pag-aaral. At sumosobra nga raw ‘yun sa ordinansa sa ilalim ng RA (Republic Act) 7610 o mas kilala sa tawag na Anti-Child Abuse Act. Dagdag pa rito ang memorandum din ng Department of Labor na hindi pinahihintulutan ang mga employer – gaya ng mga nasa TV networks at maging sa pelikula na mag-trabaho ang mga bata during school hours.

Ayon kay Nadia, nag-fail si Tita Annabelle na maprotektahan ang interes ng kanyang mga anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa kanila kahit na may mga pasok ang mga ito. At nabahala na raw siya nang magbabaan na ang mga grado ng mga ito. At dagdag pa roon ang nakuha niyang impresyon sa ni-require ng network kung saan sila may trabaho na ‘take it, or leave it’.

Isa pang reklamo ng dating aktres na pinagsusuot daw ng mga ‘mature at sexually suggestive’ na mga damit ang mga ito. At pinag-a-attend ng mga social events ‘to circumstances that were prejudicial to their morals’.

Sabi naman ng dalawang bagets, may pagkakataon na pinagtatrabaho sila mula alas-sais ng umaga hanggang alas-kuwatro ng umaga the next day.

Isa pang sinasabi ni Nadia ay ‘yung kinakausap ni Tita Annabelle ang kanyang mga anak without her knowledge at diumano lumalabas na kinukumbinsi nito ang mga bata na mas bigyan ng prayoridad ang showbiz over their studies. At karugtong naman noon ang pagsasaad din ni Nadia ng tungkol sa mga tsismis diumano na ang nasabing manager mismo ang nagkakalat. Para raw masira ang reputasyon ng mga ito at mawalan ng interes sa mga bata ang istasyon kung saan sila nagtatrabaho.

Sa ganitong kaso, kailangan din sigurong makuha ang panig ng inirereklamo.

Sana, mapag-usapan nilang mabuti ang mga kasunduang silang dalawa ang gumawa at sa panig ng isa’t isa nila makuha ang mga kalinawan.

Siyempre, kung edukasyon ng mga bagets ang maaapektuhan, kahit sinong magulang naman eh, siguradong mag-aalala. At ang mga ganitong klase ng isyu ang dapat na binibigyang-pansin.

May mga nag-aartistang talagang wala nang pakialam sa kanilang pag-aaral. Kaya nga ‘yun ang pinili nila. May mga nag-aartista naman na hindi iwinawaglit ang may kinalaman sa kanilang pag-aaral basta magagawan ito ng tamang schedule at may mga nakakagawa naman nito at nakakatapos pa nga kahit paunti-unti.

Kaya, usap ang kailangan ng mag-family friends naman na sina Nadia at Tita Annabelle.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

18 thoughts on “Annabelle Rama, idinemanda ng Child Abuse ni Nadia Montenegro!

  1. NAKO! isusukah ng pating yang si ALFIE L!!! di masisikmura yan ng mga pating! hayaan na lang maagnas ang bkalbong aklang balahurang yan sa dagat!

  2. ang talagang ikinagalit yata ni Nadia tabaching ching eh iyong kinakalat daw ni Anevil  na may STD iyong dawter niya at saka iyong isa daw parang molested by a relative. baka nga may-i-sell nga si anevil kaya nag-ka std(kung totoo man) ang mga bagets.  bakit kasi nag-lalalapit kayo diyan sa pamilyang iyan eh, pinagkukuhanan lang kayo ng kontribusyon niyan pag may party siya para sa mga press. layuan ninyo ang pamilya ni Anevil kundi mapapahamak lang kayo.  di bale matagal ng naghihintay si taning sa kanya.  tingin ko siya ang gagawing reyna doon sa mainit na apoy.

  3. totoo iyan maria may karma talaga at sana bago mahuli ang lahat at magsisi sila magbago na sila lalo na si ruffa walang takot maliliit pa ang mga anak hindi habang panahon puwede kayong manapak ng kapwa ninyo dahil nasa itaas kayo.mas maganda kung marami kayong blessings pero wala kayong natatapakan

  4. Sa mundo ng demandahan, most of the time mananalo itong si Anna-de-bel. Influential people are useful and everybody listens when money talks eka nga. May karma. Maski sinong may mali dito, hindi ko pa rin trip itong familia ni debel. Peraperahan lang yan. Siguradong mag fiesta itong si fearmean sa isyong ito dahil na kick out siya dahil kay Nady. At oo nga pala, isama na si Baklang Alfie at yong raymunding, mo, ruffingfing, lolit at fearmean.

  5. Pareho lng dalawang yan, dapat sa kanila ay ipakain sa buwaya! Tapos isunod si Cristy Fermin, Lolit Solis, ang pangit na si DJ MO, si Ruffa at si Raymond!!! 

  6. mas malaki ang kasalanan dito ni nadia, siya na ang nagsabing tutol siya sa pag aartista ng kanya anak pero pumirma pa rin ng kontrata, naging suwapang lang siguro sa pera kaya biglang nagreklamo dating laos na artista si nadia kaya alam niya ang takbo sa showbiz kaya dapat siguro ang tutukan ni nadia ay ang pag aaral ng kanyang mga anak, dapat si nadia kasuhan rin ng child abuse

  7. HANGA AKO SA PAMILYA NI GARRY V KAHIT NILAIT LAIT SI ANGELI PINASA DIYOS NA LANG NILA.HINDI NATUTULOG ANG DIYOS SA MGA NAGING BIKTIMA NG PANG AAPI NA ITO.IPAGDASAL NA LANG NINYO. ANG PAGSISIMBA ARAW ARAW KUNG MARAMI KA NAMANG PINAIIYAK AT TINATAPAKAN.ISIPIN MO NA LANG ANG MGA BLESSINGS NG BUO MONG PAMILYA BE THANKFUL. HABANG MAY ORAS PA.TIGILAN NA IYANG PANANAKIT NG KAPWA ANG MASAMA TULONG TULONG PA KAYO KAHIT ALAM NINYO NASA SIDE KAYO NG MASAMA

  8. ANG MASASABI KO LANG NANINIWALA AKO SA KARMA PAG MAY GINAWA KANG MASAMA SA KAPWA MO.ANG BALIK SA IYO MATINDI.ANG PERA AY NAGIGING UGAT NG KASAMAAN.SANA ANG MGA TAONG MAPANG API AT MAPANG AWAY AY MAGBAGO NA BAGO MAHULI ANG LAHAT MADAMI KAYONG BLESSINGS BAGA SA ISANG IGLAP MAWALA SA INYO LAHAT.HINDI SA LAHAT NG PANAHON NASA ITAAS KAYO.

  9. On this issue, di ko alam kung sino ang tama o mali. PEro in general, pareho lang sila lagi may kaaway. Kahit marami sila pera, parang di pa sila tutuong masaya. Pag marami kagalit, something is wrong. 

  10. WRONG NADIA!!!! ikaw mismo ang nagpa-artista sa mga anak mo at sinabi mo na ikaw mismo ang pumirma sa kontrata! gagah ka dyan! IKAW ang dapat sisihin! tignan ko lang at sermonan ka ng judge sa mga kaeklayan mo!

    of course anabil should take the hit, too. yun lang :P

  11. Hello??! Kung maapektuhan din pla pag aaral nila in the first place dapat hindi na pnag artista ni nadia nga anak nia??? C nadia mukha pera mga anak pa nia pag tratrabahuhin nia!! Not a good provider!! And besides buti tinanggap pa ni anabelle cla eh d nman ganu kagandahan cla!!! Waahhh…

  12. Sana makulong si Annabel para matauhan mukhang pera kasi ayan palibhasa wala masyadong pinag aralan kaya di alam ang tama at mali basta kung saan may pera dun sya kahit may mali tsk tsk tsk!

Leave a Reply

Your email address will not be published.