Annabelle Rama, hinamong mag-resign si Wilma Galvante by Gorgy Rula

HINDI PA RIN napigilan ang pagrepeke ng bibig ni Anabelle Rama nang magsalita ito sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado. Mainit na ang ulo nito nang ibinaba ang desisyon ng Asst. Prosecutor’s Office ng QC-RTC na kung saan ibinasura ang kasong Slander/Grave Oral Defamation na isinampa nito laban kay Ma’m Wilma Galvante.

Ani Tita Anabelle, malakas daw ang kasong isinampa niya, kaya lang alam daw niyang Asst. Prosecutor doon ang asawa ng abugado ni Ma’m Wilma na si Atty. Freddie Villamor kaya tiyak na nagapang daw iyun kaya na-dismiss ito.

Hindi naman daw siya titigil dahil magpa-file daw siya ng Motion for Reconsideration dahil naniniwala raw siyang aakyat ang kaso nito.

Sinagot naman ito ng abugado ni Ma’m Wilma na sana huwag naman daw idamay ang asawa niya dahil hindi naman daw sa division niya bumagsak ang kaso. Lalo namang hindi raw ito pinakialaman ng asawa niya.

Dagdag na pahayag ni Atty. Villamor, “Sana huwag hindi ako pini-personal ni Annabelle dahil nag-abugado lang ako. Wala namang may nag-utos sa kanya na magdemanda siya at doon siya sa Quezon City mag-file.

“Mas mabuti siguro, basahin na lang nila ang Resolution at doon na lang nila husgahan kung meritorious ang kaso o hindi.” Kung mag-file daw ng Motion for Reconsideration si Tita Annabelle, haharapin naman daw nila ito at tiyak naman daw na ma-resolve pa rin ito.

Hindi matanggap ni Bisaya ang mga pinagsasabi ng abugado ni Ma’am Wilma kaya inalipusta raw niya ito nang husto. Hindi raw siya bilib sa naturang abugado dahil ito rin nga raw ang abugado ni Mr. Atong Ang at nakulong ito. Kaya ang ending daw nito makukulong din si Ma’m Wilma.

Sagot naman ni Atty. Villamor, unfair naman ito kay Atong Ang na dinamay din siya sa isyung ito.

“Napaka-complicated ng kaso  ni Mr. Ang, pero nakalaya na siya at hindi naman siya ngayon nakakulong. Hindi ko na i-dignify ang iba pa niyang sinabi,” pahayag nito.

HINAHAMON DIN NI Tita Annabelle na mag-resign na si Ma’m Wilma dahil nakakahiya na raw itong nangyayaring nagdedemandahan silang dalawa. Conflict of interest daw ito at kahihiyan daw itong ginagawa ni Ma’m Wilma na gusto pa nitong sulutin ang alaga niyang si JC de Vera.

Marami pang matinding pahayag si Tita Annabelle laban kay Ma’m Wilma at ang abugado nito. Pero ayaw na nila itong patulan. Sagot din ni Ma’m Wilma, wala namang bago sa mga sinabi ni Tita Annabelle. Iyun pa rin daw ang mga sinabi nito.  Basta ang sinusunod lang daw niya ay ang desisyon ng korte dahil iyun ang legal.

Ang pagsalita ni Tita Annabelle ay nagpapatunay na fair lang sila. Hinayaan daw itong magsalita sa programa nila at wala raw siyang balak na harangin ito.

Basta tuloy lang daw ang trabaho nila at may magagandang plano pa raw sila sa career ni Richard Gutierrez. Wala raw itong kinalaman sa away nila ni Tita Annabelle.

Nagpapasalamat lang daw sila dahil maganda raw ang takbo ng ratings ng mga programa ng GMA 7 lalo na ang Darna na patuloy na namamayagpag sa ratings.

Ang huling rating ng Darna nu’ng nakaraang Huwebes ay 46.7% at mukhang ma-maintain pa ito o mas tataaas pa dahil lalo namang gumaganda ang takbo ng kuwento.

Kaya siguro i-enjoy na lang ang mga magagandang programang napapanood sa GMA-7 at hayaan na lang ang korte na mag-decide sa personal na gulo nina Tita Annabelle at Ma’m Wilma.

By Gorgy’s Park

loading...

7 thoughts on “Annabelle Rama, hinamong mag-resign si Wilma Galvante by Gorgy Rula

  1. CNO PA BA YAN E C ABU TILAMSIK NG LAWAY E BAYARAN YAN ANO…………MARAMI CLA PAILALIM NGA YANG MGA YAN KUNG TUMIRA ANO B GINAWA NILA NON KAY ANGEL!!!!!!!!!!!

  2. sana makulong na ng habambuhay o mabitay na ang utak ng mapanirang press releases at dayaan sa ratings na si wilma galvante. hindi talaga kagalang galang itsura niyan. mukhang demonyo talaga ang pagmumukha! at sino ba writer nito? mukhang palamunin ng diyablong si wilma dahil mam pa ang tawag niya dito. sigurado ako mukhang halimaw din tong writer nito katulad ng mam niya

  3. gusto kc ni wilma yung manok na nya ang umariba ng husto sa gma feeling ata nya sya na ang mayari ng gma pailalim kaya yan pag tumira magamasid lang kayo kung paano nya tinatrabaho…………….d pig

  4. Ayoko sana sabihin to pero sana ikaw na lang kasama ng anak mo na wreckless driver na nmatay kesa c nomar pardo. dapat mga ka2lad mo eh d na nabubuhay sa mundo!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.