Annabelle Rama forces Ruffa Gutierrez to leave family house

Mismong si Tita Anabelle Rama ang nagkuwento sa amin na lumayas sa bahay nila sa Dasmariñas Village ang anak niyang si Ruffa Gutierrez nu’ng nakaraang Sabado ng umaga. Nagkaroon daw sila ng matinding away dahil kay John Lloyd Cruz.

Dapat, guest sa Startalk si Tita Anabelle para pasabugin ang bagong balitang ito, pero biglang nagbago ang desisyon at ang dinig ko sa Showbiz Central na siya natuloy kasama si Richard Gutierrez. Hindi ko na hinintay kung ano ang mga binitiwan niyang pahayag, pero naramdaman kong kontra rito ang mga anak niya siyempre pati si Tito Eddie. Pero mapipigilan ba nila si Bisaya? Hindi!

Nakikita na naman natin ang pagiging monster mom nito, dahil lagi naman niyang sinasabi sa amin na wala naman silang pinag-aawayan ni Ruffa kundi lalaki. Pagkatapos nitong mapahiwalay kay Yilmaz Bektas, nakikialam pa rin si Tita Anabelle sa lovelife ng anak niya dahil ayaw na raw niyang magkamali pa ito uli.

Hindi ko na nahintay ang mga pahayag ni Ruffa tungkol dito, na nu’ng nakausap ko ang mga taga-The Buzz, magsasalita nga raw ito.

Dahil sa gulong ito, nakumpirma tuloy na meron ngang namagitan kina Ruffa at John Lloyd. Hindi lang natin tiyak kung si Ruffa nga ba ang dahilan ng break-up nina John Lloyd at ang non-showbiz girlfriend nitong si Liz Uy.

Matindi ang mga binitiwang pahayag ni Tita Anabelle laban kay John Lloyd kaya hintayin na lang natin kung mananaig ba ang panliligaw ni John Lloyd kay Ruffa o si Tita Anabelle pa rin ang wagi. Abangan na lang!

Kasama si Katrina Halili sa mga taga-NBI na humarap sa media nu’ng nakaraang Biyernes. Doon ipinahayag ni NBI director Atty. Nestor Mantaring na inerekomenda na nila sa Department of Justice ang pagsampa ng kasong Rep. Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children laban kay Dr. Hayden Kho kasama ang mga kaibigan nitong si Eric Johnston Chua at Dr. Bistek Rosario.

Mukhang damay pa si Dra. Vicki Belo dahil sa affidavit ni Eric Chua, na kay Dra. Belo lang ang master copy ng sex videos at wala raw siyang kopya nito para i-upload sa internet.

Masaya si Katrina sa kinalabasan ng reklamong inihain laban sa NBI kaya malaki ang pasasalamat nito lalo na kay Sen. Bong Revilla na siyang nagbukas ng usaping ito sa Senado.

Sisimulan ngayon ng DOJ ang imbestigasyon ng kasong ito at kung makikita nga nilang may probable cause, maaring iaakyat na ang naturang kaso.

Nagdadasal na si Katrina na sana mapabilis ang desisyon nito at sana nga raw maaksyunan agad ang pagpapatanggal ng lisensya ni Dr. Hayden.

Inimbitahan ng NBI si Sen. Bong na sumama sa presscon na ‘yun nu’ng Biyernes, pero tumanggi ito. Ang mahalaga, naaksyunan na raw ito ng NBI at sana nga maiakyat na raw ang kaso sa DOJ.

Medyo disappointed naman si Sen. Bong sa PRC o Professional Regulation Commission at ng PMA o Philippine Medical Association dahil medyo mabagal daw ang pagdesisyon nila kung tatanggalan ba ng lisensya si Hayden o hindi. Ang matanggalan si Hayden ng lisensya ng pagka-doktor ang isa sa hinihiling ni Katrina para mabigyan naman daw ng hustisya ang pambababoy na ginawa sa kanya ng naturang doktor.

Pagkagaling ni Katrina sa NBI, tumuloy ito ng Gabriela para naman makipag-sharing sa iba pang mga babaeng nabiktima rin ng sex video. Dahil kay Katrina, nagkaroon daw sila ng lakas ng loob na lumabas para kasuhan din ang mga lalaking nambiktima sa kanila sa sex video.

Naging advocacy na ito ngayon ng seksing aktres, at sana nga raw, lumantad na rin ang iba para mabigyan ng hustisya ang kababuyang ginawa sa kanila. Sana lumabas na rin daw ang iba pang mga babaeng nabiktima ni Dr. Hayden, dahil para rin sa kanila itong ipinaglalaban ni Katrina.

By Gorgy’s Park

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

3 thoughts on “Annabelle Rama forces Ruffa Gutierrez to leave family house

  1. Gusto bang pabagsakin ni Bisaya si JLC para mas maging sikat si Richard? Wala namang masama if ever magustuhan ni JLC si Ruffa. Bakit si Ruffa nga ang may 2 anak na eh. Pero JLC is broadminded enough to let it pass. So what’s the issue? Bakit siya pa ang nag labas ng story?

Leave a Reply

Your email address will not be published.