Annabelle Rama, dapat ding matutong mamili ng giyera!

HINIHINGI ANG aming opinyon tungkol sa pagsusumbong ni Ruffa Gutierrez sa twitter kaugnay ng feeling niya’y binastos siya ng staff ng kanyang show na Paparazzi dahil birthday na birthday niya ay kahalayan ang itinatanong sa kanya.

Hindi agad kami nakasagot hanggang sa me nag-tweet ng link sa amin kung saan mapapanood ang naturang birthday presentation ni Ruffa last Saturday.

Nagsumbong si Ruffa sa kanyang twitter followers na binastos siya ng Paparazzi, eh birthday niya pa man din at nanonood ang kanyang dalawang anak. ‘Yun daw ba ang regalo sa kanya ng show, ang hindi siya irespeto?

Ang The Buzz daw ay hinding-hindi siya gaganu’nin.

Alam naming out of galit, kaya itong si Ruffa ay nag-tweet nang gano’n. Sana lang, huminahon muna siya, huminga nang malalim, nag-isip nang ilambeses, ikinonsulta niya sana sa mga kaibigan niya ang kanyang feelings kung tama bago siya nag-tweet nang gano’n.

Since nai-deliver naman ni Ruffa during live ang kanyang iritasyon at hindi naman masyadong nahalata, sana, sinakyan na lang niya. At pagkatapos ng show, doon na lang niya kinausap o kinumpronta ‘yung writer sa kanyang concern.

 

ANG NANGYARI pa, si Tita Annabelle Rama ay nilitanyahan ang management ng TV5 at ang headwriter ng Paparazzi. Nalaman pa tuloy ng publiko kung ano ang ikinagalit ni Ruffa. At ito nga ay ang “comparing notes”.

Kung sino sa mga aktor na binanggit ang may pinakamalaking nota.

Hindi naman natin ‘yon malalaman kung hindi binanggit ni Tita Annabelle sa twitter followers niya, ‘di ba? Ayun, sari-saring opinyon na ang lumipad. At natanggap namin.

Kesyo me point namang magalit si Tita Annabelle dahil binastos ‘yung anak niya sa sarili nitong show.

Some were saying “bulu-ngan” ‘yon at wala namang idea ang mga manonood kung ano ‘yung ibi-nulong na tanong kay Ruffa, baket kailangang OA mag-react si Ruffa?

Hindi bale raw sana kung hindi ibinulong kundi isinigaw, doon daw siya mag-react. Kesyo ang arte naman daw ni Ruffa sa eksenang ‘yon. ‘Yung isa namang nag-tweet sa amin, ang sabi, akala raw niya hindi pikon si Ruffa at game na game ito at kahit ano ay kayang i-handle with dignity, pero na-turn-off na raw siya.

 

HINDI NAMAN namin hinuhusgahan si Ruffa Gutierrez o si Tita Annabelle Rama. Meron silang gustong ipaglaban at baguhin, kaya siguro ganyan silang makipag-away nang walang kinatatakutan.

Pero sabi nga namin, wala namang bagay na hindi naaayos sa magandang usapan. Sana, iniupo na lang nila ang problemang ito nang hindi na dinadaan pa sa twitter, dahil malaki ang chance na maayos.

Kasi, ang susunod na katanu-ngan diyan: ngayong nagdeklara na si Ruffa na hindi na siya tutuntong sa Paparazzi,  paano kung hindi siya habulin ng management? Paano kung balewalain ang kontrata, dahil siya naman ang umalis?

Ang ipinangangamba lang namin since love namin si Tita Annabelle, baka matakot na ang mga network na kunin ang mga alaga nila para lang maiwasan ang away balang-araw sa pagitan ng management o ng executive producer at ng pamilya ni Tita Annabelle.

Talented pa naman ang mga hina-handle na talents ni Tita Annabelle, tapos, magkaroon ng silent ban. Knock-on-wood. ‘Wag naman sana.

Kilala naman naming isang palabang nanay at manager si Tita Annabelle na kahit saang laban, ipagtatanggol at poprotektahan ang mga anak at iba pang alaga.

Diyan kami bilib kay Tita Annabelle. At alam din naming hindi si Tita Annabelle ang laging nag-uumpisa ng away at sumasa-got lang siya.

Pero puwede naman siguro siyang magpahaba ng pisi ng pasensiya, magpatawad at magparaya paminsan-minsan.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

19 thoughts on “Annabelle Rama, dapat ding matutong mamili ng giyera!

  1. Korek ka dyan Ogie. Masyadon na yang si annabelle. ang dami na nyang kaaway! hindi ba nya nare realize na baka sya ang may diperensya????

    • BAKA MAMAYA PATI PRESIDENTE NG PINAS AWAYIN NA NIYANG ANNABELLE NA YAN… PARA SIYANG WALANG PINAG-ARALAN

  2. Sipsip talaga ang punto ng article mo Ogie. In fairness to Ruffa ipinagsigawan pa nung co-host na bakla kung sinu ang may pinakamalaking…..saka niya lang binulong kung anu yung tinutukoy ng  question nya. Tanga na l ang viewer na di makaka-guess kung anung ang pinakamalaki na sinasabi nung baklang host. Evident yun sa reaction ni Ruffa after the bulong. And that was not the first time they ask the question on the same segment of the show. At ang recipient ng question na eto eh dalawang bakla at kung sino pa. Do you think the likes of Ruffa will go down to the level of those bakla? In a way tama rin yang si Annabel na kababuyan talaga ang utak ng  mga nasa show na yan. Ibinababa nila ang estado ng mga bakla na katulad nila. Respect yourselves to be respected. Wala kayung pinagka-iba sa baboy. At least mas mataas pa ang baboy kasi walang baklang baboy… 

    • korek… ganyan nmn si Ogie.. masatsat pro babawi sa huli.. tingnan mo ginawa kay Charice? nilait nya db? eh nag react mga fans ni charice…. so ano sya ngaun?? mega sorry??.. another case…. ung away nila ni Mo Twister.. panay ang batikos kay Mo… nun sinabe ni Mo na nanghihingi si Ogie ng pera pr sa kampanya nya pro un pl balak lng nya ibulsa… edi tumahimik ulit si Ogie….. Isa itong bakla na ito sa writer na doble -kara… aatake sya sa taong inaatake ng lahat…. pro kung sya ang atakihin…… bulagta na.

  3. Dapat kasi Kay vilma itinatanong Kung sino ang pinakamalaking uten na natikman Nya in any season…Kay direk temyong marquez ba? Edgar mortis? Kay Romeo Vazquez ba? Kay edu? Kay gabby? Kay aga? O Kay senator?

  4. I think hindi sya malaking kawalan sa Paparazzi…Damit lng naman niya ang nirarampa nya dun eh instead of showbiz news…Kumbaga,pang display lang sya sa show kasi nga beauty queen.

  5. Gusto lang yan magpataas ng TF. Hindi pakikipag away ang tawag doon BREEDING. Just imagine if really ran for congress….

  6. HINDI P LANG NAKAKAKUHA NG TUNAY N KATAPAT C ANNABELLE N GEGERA DIN S KANYA NG HUSTO PERO PAG NAKAKUHA CY NG TUNAY N KATAPAT EWAN KONG SAAN CY DAMPUTIN, ito nman c ruffang wag ng mag aarte kc tandang tanda ko non nagwalk out cy s the buzz walang kabagay bagay iyong tanong n kris aquino s kanya bigla cyang nagalit at nag aarte, kaya dapat tumigil nc ruffa kc may history n cy ng ganyan walk out nyan. at dapat k annabelle MATUTONG UMAPAK S LUPA hindi porke naglalakihan mga brillante ny pwede n cyang manglait ng tao.

    • hayy naku wala ng pagbabago ang mag-inang ito.. uhaw pa rin sa publicity, bad or good ! tama ka @angel, hindi pa nakahahanap ng katapat itong dalawang ‘bold stars’ na ito kaya ang tatapang kung umasta. Ay mero na pala silang katapat, si Amalia Fuentes na isa ring palaban.. Ubos kong ubos ang kadatungan mapag-usapan lang sila !! hay naku, dedma na lang ako…

  7. Ogie, takot ka ba sa mga Gutierrez ? Medyo may pagka sipsip ang write up mo. Ingat na ingat. . .

  8. bakit yang si Bisaya… di nagagalit sa mga nagsasabing baklita si raymunda gutienez??? dahil ba totoo?

Leave a Reply

Your email address will not be published.