Annabelle Rama at Wilma Galvante, nag-isnaban na naman!

OLA CHIKKA! Ngayon ay unang araw ng linggo kaya naman hahatiran ko kayo ng maiinit na chika to the maximum level of authority of chismis! Oh NO! Oh YES!! Oh kamusta naman ang weekend n’yo? Kung ako ang tatanungin n’yo? Hmm… nakasama ko lang naman ang mga bigating tao sa ating industriya, bhuket?! Dahil noong Sabado ng gabi, inimbitahan ako ng pinakamamahal kong kumare na si Imelda Papin sa kanyang concert, One Special Celebration, with Mommy Dionisia na ginanap sa Aliw Theater, Pasay City. Ito ay karugtong ng kanyang birthday celebration noong January 26 at isang benefit concert parasa kanyang mga kababayan sa Bicol. Magandang Pangitain!

At dahil aware ang inyong Tita Swards, hindi nakaligtas sa akin ang mga chismis na lumilipad-lipad sa loob ng theatre. Standing ovation ang drama ng mga audience at talaga namang ikinatuwa ng marami ang successful concert nitong si Manay Papin na hindi naman na natin kailangang kuwestiyunin dahil ilang taon na ba siyang umaawit! Ang ikinagulat ng marami ay ang performance nitong si Mommy D na talaga namang performance level at ang boses niya ah may SAY sa duet nila. Mas magandang kumanta na lang siya kesa magballroom, ehem! Tinkyu berymats!

Enough of this Mommy D isyu na nga…  Ayun nga! At dahil bigatin itong si Manay Papin ay dapat lang naman na bigatin din ang kanyang mga guest. Ilan sa kanila ay si Daisy Romualdez, Sec. Angelo Reyes ng Department of Energy, Annabelle Rama, at ang senior vice-president ng GMA network na si Wilma Galvante ay naroon din. Naunang dumating si Wilma kung saan late naman itong si Annabelle na nagsisimula na ang concert nang dumating siya.

Matapos ang show ay tinawag ni Manay Papin sa stage ang kanyang mga guest upang i-blow ang cake sa kanyang post birthday celebration. At ang chika?! Hindi umakyat sa stage si Wilma ngunit mas nakakaloka ang pag-walkout nitong si Anabelle! Ano’ng say nyo? Ako?! Wa akong comment kung hindi… YUCK!

Siyempre deadma lang ang b-day celebrator. Ano ba naman ang kinalaman niya sa dalawa? What matters is… what matters daw, oh! Siyempre bigatin na tayo kaya kailangang mag-English! What matters is masaya ang birthday celebrator at ang kanyang mga kababayan sa Bicol para sa success ng kanyang concert for a cause. Talaga namang mula sa puso ang pagtulong nitong si Manay Papin, tulad ni ‘tol! ‘Tol Mike Defensor. ‘Yun na!

TEKA, TEKA! AKALA n’yo ba ‘yun lang? At dahil d’yan may nagtext!.. Tooot! Fresh na fresh na chikka mula sa aking parazzi girl from The Fort, Taguig last night ay naispatan itong hard denial na sila Ronald Singson at Lovi Poe na magkasama sa birthday party ni Tim Yap sa Encore bar, approved without cuts! Bakit sila magkasama?! Hmmm… Ma at Pa! Kikiligin ba ‘ko sa kanila? Kung buti tulad sila ng love na love kong si Sen. Bong Revilla na andu’n din kagabi, wala lang! Aylabsyu Papa Bong! ‘Yun na!

PITIK BULAG! SINO siya?! Sige nga tingnan natin kung mahulaan n’yo itong baon ko na chikkang fresh na fresh from Timog mula na naman sa aking ever reliable na parazzi girl. Last Friday night ay na ispatan at naka-chikkahan n’ya ang isang AWARD WINNING ACTRESS na walang humpay ang pag-inom ng alak at paghithit ng sigarilyo sa bar kasama ng
kanyang non-showbiz boyfriend.

In fernezz naman sa merlat (girl) na ito ay labs ko naman siya tulad ng pagkalabs niya sa ‘kin ngunit walang love love pagdating sa chikka! Nang makausap ng parazzi girl ko itong actress na ito ay hard sayaw na halos makita na ang dibdib sa sobrang kalasingan at puro “press release” lang ang mga pinagsasasabi.

Isang fashion show ang kaganapan sa bar na ‘yun that night, kung saan assuming ang actress na ito na kaya raw siya naroon ay guest siya, taray ‘di ba? Pero ng tanungin ni parazzi girl ang director ng fashion show… wit! As in wit na kasali siya sa show, kasinungalingan!

Dahil ba ito sa pagkawala ng mga shows mo sa isang network kaya kahit sa maliliit na event ay nagsasaling-pusa ka na? Eeeewww!! Gusto n’yo ng clue? Pumunta ka sa ENCANTADIA, pero take care! Baka mapaso ka! ‘Yun na!

Para sa maiinit na chika at kakaibang balitaktakan, catch me sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8-9 A.M at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30-3:30 P.M. This is your Tita Swarding saying God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

2 thoughts on “Annabelle Rama at Wilma Galvante, nag-isnaban na naman!

Leave a Reply

Your email address will not be published.