Annabelle Rama at Nadia Montenegro, malabo nang magkasundo

WHAT A way to start the first day of March.

Bukas, sa San Juan Justice Hall ay nakatakdang maghain si Nadia Montenegro ng kanyang reply affidavit after Annabelle Rama submitted her counter-affifdavit noong Huwebes, February 24 kaugnay ng kinakaharap nitong “three in one” (yes, parang instant coffee lang) case, one component of which is the attempted murder.

And speaking of instant, the progress in this particular case, so far, takes place exactly a month after Nadia lodged the complaint bunsod ng January 30 incident.

Bilang proseso, pagkatapos bukas ay itatakda ng hukuman kung kailan magsusumite naman  si  Annabelle ng kanyang rejoinder affidavit. Maaaring sa araw ring ‘yon ipag-utos ng piskalya (remember that the trial proper has not commenced yet) ang re-solusyon sa kaso (and this applies to all cases filed separately  by  Annabelle and Nadia) to determine if there is probable cause para malitis na ang kaso.

Lest we forget, there is also the mediation process kung saan may mga mamamagitan sa dalawang panig sa pag-asang magkakaroon ng pag-aayos. However, we see no sign of reconciliation between the two feisty women.

 

BLIND ITEM: Pasintabi muna sa aming mga mambabasa, sasad-yain naming hindi banggitin ang gender o kasarian ng mga tauhan sa kuwentong ito.

Pinagsabihan ng isang TV host ang isang PM (production manager) ng kanyang programa na kung maaari’y sabihin nito sa isang grupo ng mga artistang ba-gets na tigilan na ang panunukso sa isa nilang kasamahan. By tukso, we mean na tila nahahalata na rin daw ng teen group na may kung anong espesyal na kaugnayan sa pagitan ng TV host at ng bagets na tampulan ng mga biro.

Ayon sa TV host, nako-cons-cious na raw ang bagets. At aminado rin ang TV host na maging siya’y nako-conscious na rin.

Nang makarating ito sa ilang mga kaistasyon ng TV host, it’s his turn now to be the butt of practical jokes among the bagets-no-more station talents. “Ang  f…hng TV host, nagsusumixteen!” ang chorus nilang sabi.

Sorry po, walang clue.

 

WAGI ANG beking si Arcie dahil mas pinili siya ni Dudoy kesa sa kanyang girlalung live-in dyowa na si Apple. Maging ang madir ni Dudoy ay boto kay Arcie kesa sa kanyang ex-manugang na hilaw. Ito ang kuwentong Rampadora Nanggagalaiti… Pagbalik Niya Sa Bahay, Lover At Ang Baby Niya Ina-angkin Na Ni Housewife Na Beki na mapapanood ngayong  Miyer-kules sa Face To Face.

Pinagtulungan naman nina Annalyn at Arlene ang kanilang maramot na kapatid na si Isabel sa episode bukas, Huwebes, sa episode na pinamagatang Kapatid Na Nuknukan Nang Dupang, Pati Kape Itinatago Sa Magulang! Depensa naman ni Isabel, gustuhin man daw niyang tumulong sa kanyang pamilya ay nahihiya siya sa pamilya ng kanyang asawa, na breadwinner pa mandin. Hindi rin daw sapat ang kinikita ni Isabel para suportahan ang ina’t mga kapatid.

 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

3 thoughts on “Annabelle Rama at Nadia Montenegro, malabo nang magkasundo

  1. nakakasawa ng pag usapan pa itong si bisaya at kirat. bakit. may umaaasa pa pala na magkakabati itong makikitid ang utak? bakit walang mag-suggest na ilagay na lang itong dalawa sa octagon mma at magpatayan na lang. kay kirat ako :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.