Anna Leah Javier, Still Angry With John Apacible’s Killer!

HINDI ITINAGO NI Anna Leah Javier, dating Viva Hotbabes at long time live-in partner ng namayapang aktor na si John Apacible ang labis na galit sa pumatay kay John at ang panghihinayang sa biglaang pagkamatay nito. Kuwento ni Anna, shocked at hindi kaagad siya nakahuma nang tawagan siya ng ina ni John nung madaling araw na nabaril ang kinakasama.

Tumakbo agad siya sa ospital, pero hindi na niya naabutang buhay si John sanhi ng dalawang tama ng bala sa dibdib nito. Gumuho ang lahat sa dating bold starlet dahil bago ‘yun, ang dami daw plano ni John para sa sarili at sa kanilang pagsasama.

“Nagkaroon kami ng konting misunderstanding ilang days na, kaya umuwi muna siya dito sa bahay nila. Medyo nagselos siya na wala naman talagang dapat ipagselos. Nagso-show kasi ako abroad at nakukuwento ko lang sa kanya na may mga nami-meet ako na mga guys, pero hanggang do’n lang.

“Kahit andito siya sa kanila, nagtatawagan kami, at nung gabing nangyari nga ‘yung trahedya, nalaman kong masaya siya, kasi, nakikipag-inuman siya sa tiyuhin niya’t mga pinsan. Plano ko sanang pumunta, pero naisip kong okey naman siya kaya nagpadala na lang ako ng pagkain.
“Sayang, kasi buo na ang mga plano niya, eh…namin. Eight years na rin kaming nagsasama at kasal na lang ang kulang para masabing kami na talaga, na mag-asawa na kami. Desisyon ko na huwag kaming mag-anak hangga’t hindi kami kasal at inaayos niya ‘yon. May sarili na rin siyang business at nagsisimula na ‘yun, kasi, nga usapan namin na dapat stable na ang lahat ng aspeto sa buhay namin bago kami magpakasal.

“May naipundar na kami together, ‘yung bahay namin sa Ortigas, nung una bare talaga ‘yun hanggang sa unti-unti, nagkakaroon na ng gamit, at masasabi naming amin talaga ‘yun, kaming dalawa ang nagpuno sa bahay na ‘yun.

“Para akong naputulan ng paa ngayong wala na siya. Parang biglang naglaho ang lahat…ang mga plano…ang mga pangarap namin. Mahal na mahal ko ang taong ito at sobrang mahal na mahal din siya ng pamilya ko. Hindi ko alam kung paano magsisimula muli ngayong wala na siya. Parang tumigil ang ikot ng mundo ko. Hindi ako makagalaw, hindi makakilos at hindi ko alam ang una kong gagawin ngayong wala na ang pinakamamahal kong lalaki.

“Siguro ‘yun na lang acceptance, para gumaan ang pakiramdam ko. Pero ewan ko rin kung paano kong makakaya kasi nga kulang na, wala na siya,” diretso at maluha-luhang pahayag pa rin ni Anna.

Ngayong araw, Biyernes ang huling gabi ng burol ni John sa kanilang tahanan sa Cainta, Rizal at bukas ay gagawin na ang cremation para sa namayapang aktor. May you rest in peace John.
INATAKE PALA NG vertigo si Philip Salvador kaya for a time ay medyo nagpahinga siya’t hindi muna tumanggap ng projects sa pelikula at telebisyon. Ngayon ay okey na ulit siya’t visible na naman sa TV at kasama siya sa cast ng Mga Nagbabagang Bulaklak ng TV5. Super-sipag nga ang aktor sa pagpo-promote nito at halos lahat ng talk show at radio program ng TV5 ay iniikot niya.

Sa panayam kay Kuya Ipe, naikuwento niyang nung na-ospital nga siya dahil sa sakit, isang araw na natutulog siya’y naramdaman niyang may humihimas sa mga paa niya. Nagmulat siya’t nakita niya si Sen. Bong Revilla pala iyon.
Naiyak raw siya nung makita si Bong pero inalo naman daw siya kaagad nito. Sinabi pa ng mabait na Senador na huwag mag-alaala dahil hindi siya iiwan at pababayaan. Magpagaling lang daw at marami pa silang gagawing pelikula.
Sey ni kuya Ipe para kay Bong, ito raw ang klase ng kaibigang  iingatan  mo hanggang sa kabilang buhay. Napakabuti raw nitong kaibi-gan at kahit saang laban ay hindi ka iiwan. Kaya nga nasabi nitong kahit anong oras na kaila-nganin din siya nito ay walang dalawang-isip na tatakbo siya upang makasama ang butihing Senador sa kahit saan pang lugar at panahon.
Isa rin sa pinaka-espesyal na kaibigan ni kuya Ipe na hindi siya iniiwan ay si Willie Revillame. May mabuting puso raw ang komedyante-TV host kaya naman patuloy itong pinagpapala at buhos ang suwerteng dumarating dahil ang parati daw nasa isip nito’y matulungan ang mga kapuspalad at makatikim ng konting ginhawa sa buhay. Gaya ng mga taong ‘yun, umabot din si Willie sa tag-gutom kaya naman una sa kanya ang mga taong salat sa lahat ng bagay. Napakasuwerte raw niya sa mga kaibigang tulad nina Bong at Willie na mayroong malalaking puso!

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

loading...

2 thoughts on “Anna Leah Javier, Still Angry With John Apacible’s Killer!

  1. AKALA KO BA HIWALAY NA TONG 2 TO EH BAKIT AKALA MO ASAWA NAWALA SA KANYA EH MAG XDYOWA LANG NAMAN???????? NAKU NAGPAPANSIN LANG TONG STARLET NA TO NEED PA MAG PA INTERVIEW AT PAKUHA NG CAMERA??????????? ANU YAN WAY NYA PARA MAPAGUSAPAN????????? SA LAHAT NAMAN NG NAGDADALAMHATI ETO PA NEED MAGPAINTERVIEW AT PAKUHA NG CAMRE IHA LAOS KA ANANG BOLD STAR NO ONE CARES..

Leave a Reply

Your email address will not be published.