Anita Linda, trabaho lang nang trabaho para hindi pumurol

Anita-LindaPAGKATAPOS NG announcement at introduction sa buong cast ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa isang presscon ay humangos na ang mga reporter para interbyuhin sina Bea Alonzo, Paulo Avelino, Albert Martinez, Dina Bonnevie at iba pa.
Napansin naming walang umiinterbyu kay Ms. Anita Linda sa kanyang kinauupuan sa harap kaya kami na ang kumausap.
Juice ko, 90 years old na pala si Lola Anita na siyang gaganap na yaya ni Bea sa naturang teleserye.
“Matalas pa naman ang memorya ko, kaya gusto ko, trabaho lang nang trabaho para hindi ako pumurol.”
Sabi pa ng napakahusay na beteranang aktres, ‘pag siya’y nagteteyping ay hatid-sundo siya sa bahay at alam naman daw ng production na siya’y hindi naman na bata kaya nirerespeto naman daw ng mga ito ang kanyang limitasyon, lalo na sa cut-off time ng trabaho.
“Sana, malaman din ng iba na ako’y active pa at kaya ko pa para bigyan nila ako ng trabaho.”
Juice ko, kung hindi kami nagkakamali, si Ms. Anita Linda na ang pinakamatandang artista sa movie industry kaya sabi nga namin sa kanya, “Mahal na mahal ka ng Diyos, tita, ‘no? Sobra-sobrang bonus ang ibinibigay sa ‘yo.”
“Basta mabait ka sa kapwa at ikaw ay madasalin, God will always provide!”

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.