Angkan ni Raymart Santiago, ‘di talaga bot kay Claudine Barretto?!

HINDI NAMAN talaga madaldal na tao si Raymart Santiago kahit nu’ng single pa lang siya na tutok pa lang ang career sa pagiging action star. Kilala siya ng press at inirerespeto sa kanyang kabaitan, na kung interbyuhin ay puro ngiti at konting salita lang ang mapapala mo mula sa kanya. Ang maraming kuwento sa kanilang magkakapatid ay si Randy Santiago, dahil mapagbiro rin siya. Medyo pormal naman si Rowell Santiago na seryosohan lagi ang interbyuhan kapag kinausap mo siya.

Kaya sa mga panahong nababalita na may problema sa pagsasama sina Claudine Barretto at Raymart, napakatipid talagang magsalita ng actor. Ang pamilya rin naman kasi nila ay kilala sa buong showbiz, na hindi mahilig sa mga intriga at iskandalo. Kaya nga, kapag may kung anu-anong isyu na nadadawit ang pangalan ni Claudine ay hiyang-hiya si Raymart sa kanyang mga magulang at kapatid, dahil hindi sila sanay sa balitaktakan at patutsadahan na naglalabasan ng baho tungkol sa mga lihim.

Magalang si Raymart makiusap na huwag siyang kulitin sa mga isyu tungkol sa kanyang sariling pamilya, hanggang sa lumalim na nga ang problema nila ni Claudine. Kaya bilang respeto kay Raymart, walang nagkaroon ng lakas ng loob na itanong sa kanya kung totoong alang-alang lang sa dati niyang kaligayahan, pero ang totoo ay hindi naman daw talaga boto diumano ang kanilang angkan kay Claudine para maging asawa niya!

 

NAGING MALAKING tulong sa personalidad ni Congresswoman Lani Mercado na napunta na rin siya sa larangan ng pulitika habang nag-aartista pa rin siya, ganu’n na rin ang paglalakihan ng kanilang mga anak ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. Kuwento ni Manay Lolit Solis, pinoproblema niya dati nu’ng dakilang misis lang ng tahanan si Lani na nag-aartista nga. Sa kasimplehan daw ni Lani, kapag nasa bahay lang at walang project ay hindi na masyadong nag-aayos ng kanyang sarili.

“Napakasimple kasi ni Lani noon, dahil kapag nasa bahay lang siya ay nakasuot lang siya ng duster, at pamilya lang ang inaasikaso. Hindi pa-class na tao si Lani, na ‘tulad ng ibang misis ng mga pulitiko na pa-bongga ang istilo. Natuwa naman ako ngayon na sobrang busy si Lani, dahil hayan, naka-pustura na siya lagi at hindi na sa bahay lang kapag walang dapat gawin sa labas. Eh, ang ganda-ganda kaya ni Lani, ‘di ba?” wika ni Manay Lolit.

Kung noong maliliit pa ang mga anak nina Cong. Lani at Sen. Bong ay pinakamabigat niyang problema ang pagkakaugnay lagi ng bida sa teleseryeng Indio ng GMA-7 sa kung sino-sinong mga babae, ngayon daw may mga asawa’t binata’t dalaga na ang kanilang mga anak ay sobrang good boy na si Senator. Kapani-paniwala naman ang mga sinasabi ni Bong, na nagbago na nga siya, dahil wala na ngayong nababalita tungkol sa mga babaeng umaaligid at nanunukso sa kanya para makarelasyon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

7 thoughts on “Angkan ni Raymart Santiago, ‘di talaga bot kay Claudine Barretto?!

  1. Napansin ko magkahawig sina Claudine at Marjorie, chubby lang itong huli. Di mo maide-deny na magkapatid sila.

  2. anong di boto angkan ni raymart kay claudine ?bakit noon sabi ni raymart si claudine lang ang girlfriend nyang hinarap ny nanay nya? mga sinungaling naman kayo ,,sa totoo lang kaya nagkamalas malas ang buhay ni claudine ,,after magpakasal sa raymart na yan,,noong single si claudine mas okay buhay nya,,for me ,, better na maghiwalay kasya malasin sya habang buhay!!! kaya CLAUDINE,magpakatatag ka isumpa mo na yong mga taong ayaw sa yo! lalo na yong mga kapatid mo,,yong abnormal na si joaquin at yong may ADD na si gretchen ,,NAKUU!!!ewan ko na lang,grabe ang ginagawa ng pamilya mo sa yo ,,kapatid mo ba talag sila????????

  3. Kawawang Raymart,  he doesn’t deserve this mess and embarrassment caused by his wife and his in-laws.  

    • ANO KAYANG FEELING NYA NGAYON NA ANG DATING PINAGTANGGOL NYA SA NAIA AY HINIWALAYAN NYA NA? LOL

      • Oo nga, tama ka BFF,  siguro litong lito rin siguro itong si Raymart ngayon, may mga anak kasing involved dito sa hiwalayan nila.  

  4. cno b ang tulay s relasyng claudine at raymart db c denis at marjorie nsn mn cla ngaun s pmlya d mnwwla ang gulo kng buhay c rico d cla ang ngkatluyan

Leave a Reply

Your email address will not be published.