Angelu de Leon, pinag-iingat si Lovi Poe kay Ronald Singson! – Joey Sarmiento

TALAGANG MARAMI NA palang naipong kadatungan ang actor-politician na dati-rati, e, namumulot lang ng basura sa tabi-tabi.

Kung noon, namigay siya ng laptop at nag-treat ng trip to America with matching pocket money sa kanyang mga kapanalig na konsehal, ngayon naman daw ay nagyayaya ang actor-politician na ito na magpunta sa Las Vegas at mag-watch ng boxing ni Manny Pacquiao.

Hmmm… mukhang hindi lang sa Tondo kundi malayo na talaga ang narating ng bida natin ngayon. Pero kung sa kalokohan niya nakuha ang kanyang datung, sigurado, hindi siya patutulugin ng kanyang tatay-tatayan sa showbiz na ayaw talagang magpatulog kapag gabi… getz?

TALK OF THE town ngayon ang pagkaka-link ni Lovi Poe kay Ronald Singson, ang ex-boyfriend ni Angelu de Leon.  Approximately, four years na naging mag-on noon sina Angge at Ronald kaya hindi siya tinantanan ng press people na kunan ng reaksiyon sa premiere night ng kanyang pelikulang Hell Phone, tungkol sa Lovi-Ronald link up.

“Kung sila na talaga ni Ronald, e, masaya ako for both of them. Mabait si Ronald at sa tingin ko naman, e, minahal niya ako noon. Ang maia-advice ko lang kay Lovi, e, please take care of your heart,” ang medyo may laman na say sa amin ni Angelu.

Hmmm… why kaya? Magiging mala-hellphone ba ang buhay ni Lovi kay Ronald kaya pinag-iingat niya ito nang husto? Whatdayathink Direk Joven Tan?

HINDI PA PALA tumitigil ang mga taong nanloko kay Allysa Alano ng Startalk. Kung matatandaan, naharbatan recently ng P50 thousand pesoses worth of department store gift cheques ang sexy TV host ng isang taong nagpanggap na siya si Ricky Lo.

Nu’ng isang araw naman, may kumatok sa kanilang bahay sa Cainta at nagpupumilit na makapasok sa loob dahil may ipagagawa raw silang cabinet. Mukhang may plano na naman ang taong ‘yon dahil wala naman silang tinatawag na karpintero para gumawa sa loob ng kanilang bahay.

Mabuti na lang, hindi nila pinapasok sa loob ng bahay ang taong ‘yon dahil kung nagkataon, siguradong mabibiktima na naman ulit si Allysa.

ACCORDING TO DENNIS Evangelista, grade “A” raw ang ibinigay ng Cinema Evaluation Board sa pelikulang “Dukut” ni Direk Joel Lamangan, na merong advanced screening sa November 17 sa UP Cine Adarna Theater.

Kasama sa pelikulang ito ang award winning actor na si Allen Dizon, Iza Calzado at si Snooky Serna.

Teka. Hindi ba’t sa pelikulang ito inaway ni Direk Joel si Kukay? Bati na kaya sila o hindi pa… hmmm!

PAKI NI TINTIN Bersola-Babao… magbubukas na ang kanyang Pre X-mas Bazaar sa World Trade Center Halls B and C sa November 20, 21 and 22 kaya para sa mga interested pumunta at makita ang mga merchandise nina Tintin, kitakits na lang, okidoki?

For reactions, please e mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

4 thoughts on “Angelu de Leon, pinag-iingat si Lovi Poe kay Ronald Singson! – Joey Sarmiento

  1. Pinagsawaan na iyan ni German Moreno. Suwerte lang si Isko at nagagawa niyang malinis ang kanyang pangalan kahit ala Arroyo ang gawa niyan sa kaban ng Manila. eh sino nga ba naman ang pulitiko na malinis? Kung ang nasa itaas ay nuknukan din ng kaswapangan..yun pa kayang nasa ibaba ang magmamalinis?

Leave a Reply

Your email address will not be published.