Angelu de Leon, nagmukhang unprofessional sa ‘kabastusan’ ng magkapatid na Kobe at Andre Paras

Angelu-de-Leon Andre-Paras-Kobe-ParasKUNG HINDI ba naman bastos itong si Jake Vargas, inggit din pala itong alaga ni German Moreno.
Nagrason pa na hindi daw niya binastos ang baguhan na si Ken Chan (isa rin sa mga alaga ni Kuya Germs) ng mag-promote ng kanyang music CD si Bea Binene na sinasabing ex-girlfriend ni Jake, ayon sa isinulat ng kaibigang John Fontanilla sa kanyang column dito sa Pinoy Parazzi.
Ang rason ni Jake, kaya siya pumunta sa mall show ni Bea ay gusto niya itong suportahan. Kung hindi ba naman gunggong na utak-galunggong itong si Jake, ang pinromote ng recording company at ng GMA Artists Center ay ang bagong tambalang Bea-Ken.
Ang malala pa ay nakipag-duet pa itong si Jake with Bea na very uncalled for dahil promo ito ng dalawa (Bea and Ken). In short, ASKAL ang papel ni Jake na dahil sa utak-galunggong nga ay naging super “EPAL”.

Tapos na ang role niya sa tambalan nila ni Bea at binubuwag na. Ano pa ang ginagawa niya na hahara-hara at nagkakalat pa sa promo nina Bea at Ken.
Kung anong meron man sila ngayon ni Bea at kung nagkabalikan man sila huwag na siyang magkalat. Itago na lang nila sa loob ng kotse o sa kuwarto dahil may sinasagasaan siya. Itong si Bea na isa ring pasaway, hindi rin mapigilan.

Wala itong ipinag-iba in the 90’s na may pinu-promote na  pelikula sina Megastar Sharon Cuneta at Robin Padilla na kahit nasaan si Binoe noon ay bumubuntot si Vina Morales noon sa action star dahil magkarelasyon ang dalawa.
Sa pagkapikon ni Mega at nasisira ang promo ng pelikula nila ni Robin, kung hindi ako nagkakamali ay napagsalitaan niya si Vina noon.
‘Asan ba si Kuya Germs na tila hindi niya masuway at maawat ang ginagawa ng alaga niyang jologs na askal na epal pa.

angelu-de-LeonKUWENTONG KABASTUSAN pa rin na ke-bago-bago nila sa showbiz (kung gusto nilang sumikat at makilala) ay ganu’n ang ginawa ng magkapatid na sina Kobe at Andre Paras sa mga kasamahan nilang mga artista na naghintay sa kanila sa taping ng Celerity Bluff ng Kapuso Network na nangyari last week.
Ayon sa post ni Angelu de Leon sa kanyang Instagram and Facebook account, si Bobby ang pinakauna na dumating sa mga guests.
To quote Angelu: “After the Paras Brothers came in 2 hours late and no apologies from them, na sad talaga ako. Kasi i needed to go back sa taping ng Pyra after Celebrity Bluff kaya ako na-late sa taping ko.”
Sina Kobe at Andre Paras ay anak ng sikat na basketbolista na si Benjie Paras sa dating artista na si Jackie Forster.
Pero dahil sa ginawa ng magkapatid, tuloy si Angelu ang na-late sa isa niyang commitment na siya ngayon ang nagmukhang unprofessional dahil sa kagagawan ng mga pasaway na magkapatid.

HAPPY KAMI sa kaibigang Ogie Diaz sa pagkapanalo niya last Sunday Night sa nakaraang 27th PMPC Star Awards for Television as Best Male Showbiz Oriented Talk Show Host  for Showbiz Inside Report.
Tama ang sabi ni Ogie sa amin na thankful siya at hall of famer na si Kuya Boy Abunda sa Star Awards dahil kung hindi malamang nakanganga pa rin sila ng mga kasamahan niyang mga nominated sa kategolrya na for so many years si Kuya Boy ang nag-uuwi palagi ng tropeo.
Hopefully, suwerte sa kaibigang Ogie ang pagkapanalo niya lalo pa’t today, Miyerkules ay ipalalabas ang pelikula nila nina Pokwang, Enchong Dee at Jessy Mendiola na Call Center Girl sa direksyon ni Don Cuaresma.

TOTOO BA na only last month, nagpatalo ng almost 120 million pesos sa casino ang komedyante na si Willie Revillame?
Ok, it’s not our money. Pera n’ya ‘yun na pinaghirapan niya. Pero parang abuso na sa panahon ng kahirapan, sa loob ng 30 days, iwawaldas niya ang kung ilang million sa casino?
Maging ang Wil’s Event Place also owned by him sa Sgt. Esguerra ay naibenta na rin daw niya sa halagang 200 million at bayad na rin daw ng nakabili sa komedyante-host ang property?
Just asking lang naman. Sayang naman ‘yong pinaghirapan ni Willie kong tutoo man ito.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

24 thoughts on “Angelu de Leon, nagmukhang unprofessional sa ‘kabastusan’ ng magkapatid na Kobe at Andre Paras

  1. you can tell hindi pinalaki ng maayos ni paras at ni stepmother yun 2 ank ni jackie, bastos walang galang humihingi na ng sorry ang nagkasalang ina, ayaw pa rin kaya yan bastos din ibang tao feeling sikat naaaak OMG

    • You can tell na kung si Jackie ang nagpalaki sa mga yan, malamang pariwara na ang mga yan. Kung di nagdrugs eh nag-callboy! Hakhakhak! Pasalamat na lang si Jackie dahil matino ang dati niyang asawa kaya yung mga anak niya, WORLD CHAMPION yung isa at yung isa naman, UP STUDENT! Hakhakhak!

  2. yung kay Jake Vargas issue, super late naman itong kwento na ito. nagsorry na po si Jake kay Ken Chan. okay na sila. at yung pagsorry na yun, sus, ilang linggo na po ang nakakaraan. oki?! yung kay Angelu, ngayon ko lang ito nalaman. well, hindi nako nagtataka sa inasal ng Paras brothers. alam nating lahat na hindi nila mapatawad-patawad ang biological mother nila hanggang ngayon. ginawa na nang lahat ng ina nila para mapatawad nila siya pero wa epek pa rin. ibig sabihin, hindi talaga maganda ugali ng mga yan dahil hindi marunong tumanaw ng UTANG NA LOOB sa ina nila. kahit ano pa man ang sabihin nila, iisa lang ang ina nila at MALAKI ang utang na loob nila sa kanya. ang tinatamasa nila ngayon sa buhay nila ay hindi nila mararanasan kung inabort sila ng ina nila. KAYA, wag nang magtaka kung BASTOS ang mga yan!

    • Sikat na talaga acheng. ikaw ba naman maging isang world champion sa isang basketball contest. Di tulad nung mga chekwang Binondo na Teng Brothers na trying hard maging starlet sa Ignacia, ayan tuloy LAOS kaagad. Hakhakhak!

      • SUS, CHAMPION NGA, SUMIKAT BA??? HAHAHAH! PWEDE BA SHENA, WAG MO NANG IPAGTAGGOL ANG MGA WALANG WENTANG KAPUPO STARLETS NA YAN, MGA STARLETS NA NGA, MASASAMA PA UGALI AT BASTOS? HAHAHAHAHA! AT LEAST ANG TENG BROTHERS MAS SIKAT NOH! BAKIT, KELAN BA NAG-TREND ANG PARAS BROTHERS? ABER???? HAHAHAHAHA!

      • Sikat daw?? Hakhakhak! Eh matunog lang sila noong UAAP finals! Never sisikat ang mga yan sa showbiz dahil mukhang mga tindero sa Binondo at Quiapo, not to mention no talent whatsoever in acting! Hakhakhak!

    • nyahahahahha baka naman may truma pa,,kasi naman eh,,,sa murang idad, makikita mo ang Mother mo na ibat ibang lalaki ang kasama sa kwarto,,,,hindi ang kanilang father,,,,medyo snub lang siguro….magbabago rin yan,,,he he, sabi ng kaklase nila sa la salle mabait naman,,,hindi naman mayabang pag nasa School,,,hahahah,,,mas grabee naman diyan dati yung Gonzaga sisters,,,hahahaha nung unang magkasama sila sa Abs cbn,,,ang dami nilang nakaaway,,,hahahha kala nilang dalawa, sila ang sikat sa Abs cbn ng mga panahon na yun,ha ha,,magbabago rin yan,,,,,bakit naman si Karla at Mudra divine kala mo sila ang sikat, hindi naman mga Junakis nila,,,lalo na si Mudra Divine mapang mata sa kapwa,,he he

  3. kailangang gumawa ng kontobersiya ni punggok para mapag-usapan. sabi dati ni kuya germs king of mallshow daw to. anyare. nauna pa sya kay daniel padilla pero ngayon nilampaso na sya ng husto pagdating sa popularity.

  4. I don’t think Angelu ‘s comment was unprofessional. Truth hurts. Hindi man lang nag apologize. Somebody has to stand up and say something. You know you are a celebrity and you won’t have your privacy anymore, so act professional. Be at your call place on time. You can’t put other people’s schedules on hold just because it isn’t convenient with yours. Benjie their dad is in showbiz and should have taught these brats showbiz ethics as well. Kababago pa lang sa showbiz and they are already showing their true colors, ano pa kaya kung sumikat na ito! I can only imagine. It seems like these kids are not brought up wrll byBenjie and wifey.

  5. Ikaw gungong ee hindi si Jake Vargas. Wala kang alam sa ngyari sa Mall Show. Nandun ka ba? Narinig mu ba ang mga taong nandun. Nakita mu ba kung san nakapwesto si Jake? Ang may kasalanan nun yung production kasi pinayagan nila si Jake. Bakit nga ba nila pinayagan kasi hinihiling ng taong bayan tas pag hindi napagbigyan sasabihan ng suplado si Jake Vargas? Affected much kay Ken? Siguro jowa mu yun nu. Hahahaa.

    • Asus, eh ginalang ba ni Jackie ang mga anak niya? Nagbakasyon yung mag-iina sa Boracay supposed to be for a family bonding tapos nahuli nung mga bata ang mudra nila na may kasex. Hakhakhak!

      • nagsorry ng todo to the max si Jackie. sino ba yang mga paras brothers na yan at hindi sila marunong magpatawad? Diyos ba sila?? hindi sila mga guwapo sa ichura nila kung hindi dahil sa lahi ng ina nila. hindi ko ipinagtatanggol si jackie . nagkamali siya ng matindi. pero nagpakumbaba na siya nang mahabang panahon at humingi na siya ng tawad paulit-ulit. hindi na siya ang may problema ngayon. ang mga anak na niya!

      • Ateng, sinabi ba nila sayo na di nila napatawad ang nanay nila?? malamang napatawad na nila pero ayaw na nilang magpauto doon. Hakhakhak!

    • paano sila magsori eh ni hindi nila alam ang ibig sabihin ng sori kaya hayun kahit siguro halikan ng ina nila ang kanilang paa para mapatawd ay dedma lang sila. Hindi sila sisikat dahil ang mga maldito sa magulang hindi pinagpapala.

Leave a Reply

Your email address will not be published.