Angelu de Leon, ipinagmamalaking number one fan niya ang kanyang husband

Angelu-de-Leon-Wowie-RiveraMABIBILANG MO lang talaga sa showbiz ang mga artista na marunong magpasalamat. Pakiwari siguro nila, porke’t nakauusap mo sila sa mga presscon at mga kaganapan kung saan may naiimbtahan na mga press to cover the event and interview them, iisipin nila, oks na ‘yun. Trabaho ‘yun ng mga writer at mga reporter.

Noong panahon ni Tito Dougs (Douglas Quijano – manager nina Richard Gomez, John Estrada, Joey Marquez, Aiko Melendez, at iba pa) noon, kung hindi man nakapagpapasalamat ang mga alaga niya na naisusulat mo nang maganda, siya mismo ang nagpaparating sa iyo ng kanyang thank you on behalf of his mga alaga.

Kaya nga nice to learn na ang aktres na si Angelu de Leon (bunga siya ng showbiz in the early 90’s) noong Saturday, August 22, nag-celebrate siya ng kanyang ika-36 na kaarawan sa bagong bukas na Spice and Cleaver resto-bar sa Estancia Mall, Capitol Commons, Pasig na part-owner sila ng mister niyang si Wowie Rivera na isang negosyante.

It’s a thanksgiving party. Limitado lang ang mg inimbitahan niya sa press na naging bahagi ng kanyang paninimula noon sa showbiz.

Kung tama ang pagkakaalala ko, sa early days ng career niya, naisalang na siya sa amin ng dating manager niya na si Vianna Araneta Fores (dating manager nina Donna Cruz, Ivy Violan, at recently si Maricel Soriano) for an interview and the succeeding days, weeks, months, and years is history na.

“With all my years, not just in showbiz, dahil hindi naman ako lumaki sa mundo ng hashtags, ng social media, sabi ko, kayo ang kinalakhan ko kasi. Kaya, I want to give honor, kaya kayo ang nandito, more than anyone, kasi ang kinalakhan ko talaga ay kayo — nu’ng panahon ng mga magazine. Ang dami ring pinaghirapan n’yo, lalo na ngayon na ang laki ng kalaban n’yo — ang kalaban n’yo ay technology,” proud niyang ikinukuwento sa amin habang kaharap ang mga reporter na nakamulatan niya sa kanyang paninimula sa showbiz.

Ang saya ng party ni Angelu. Mga friends niya at relatives ang nandodoon. Naikuwento nga mommy niya sa amin na dati-rati’y ipinagluluto kami kapag dumadalaw kami sa haybols nila sa may bandang Cubao, ang mga happy days sa showbiz noong nagsisimula pa lang ang anak niya.

Happy kami kay Angelu dahil sa kabila ng katotohanan na ang dami nang mga baguhan sa showbiz na nakikipagsapalaran, nand’yan pa rin siya.

Hindi man bida sa mga pelikula (na naranasan naman niya sa mga pelikula niya sa Viva Films noon), hindi pa rin siya tuluyang nawawala. Sa katunayan, Kapuso Network, nabibigyan pa rin siya ng pagkakataon na gumawa ng teleserye tulad ng Buena Familia with her former screen sweetheart na si Bobby Andrews.

Pagmamalaki ni Angge, ang mister na si Wowie ang numero unong fan niya. Aniya, “I think, ang pinakagusto ko sa relationship ko with my husband is because he’s also my number one fan. It boosts my confidence, kasi parang na-appreciate niya ang talent ko. Hindi niya ako hinadlangan, kasi siya, gusto rin niya akong mapanood. Like noong isang araw, sinurprise nila ako sa taping ng Buena Familia, tapos nakita niya ‘yung malalaking ilaw. Sabi niya, ‘Nakaka-taping ka nang ganu’n kainit?’ Kasi ‘yun ‘yung ilang pangyayari na nakikita niya ang paghihirap ko, kaya naiintindihan niya ako,” kuwento niya with pride about her husband.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleGov. Vilma Santos, bilib na bilib kay Direk Joyce Bernal
Next articleDerek Ramsay, at home sa muling paggawa ng pelikula sa Star Cinema

No posts to display