Angelu at Bobby, nagkabalikan?

Kung nagdalaga ka nu’ng mid-1990s, malamang kinilig ka rin sa tambalang Peachy at Wacks, at for sure, meron din sa school n’yo ng mala-TGIS na barkadahan. At kung sinubaybayan n’yo ang kanilang nakakikilig na tambalan, malamang, nalungkot din kayo nang maghiwalay ang magka-loveteam at nagkanya-kanya na ng career at love paths.

Ipinanganak si Maria Luisa Angela Martinez de Leon o Angelu de Leon noong August 22, 1979 at apo sa tuhod lang naman ng LVN matriarch na si Donya Narcisa de Leon. Nasa dugo na yata niya ang pag-aartista dahil 10 taong gulang pa lang siya, umapir na siya sa isang commercial kahit hindi alam ng kanyang tatay. Ayaw raw ng erpat ni Angelu na mag-artista siya kaya nga sinuhulan pa raw siya na dodoblehin ang kinikita niya ‘wag lang niyang ituloy ang kanyang plano.

Pero siyempre, hindi naman nangyari ‘yun dahil nga nung 1992, pasok na siya sa Ang TV at naging contract star ng Viva at GMA Network. Nang buuin ang TGIS (Thank God It’s Sabado), nakilala niya si Bobby Andrews at nabigyan sila ng break para maipakita ang kanilang husay sa pag-arte.

Nagsimula si Bobby Andrews bilang isang modelo bago mapasama sa cast ng TGIS. Sumikat ang tambalan nila ni Angelu hanggang masundan ito ng mga pelikulang TGIS The Movie, Laging Naroon ka, Wala Na Bang Pag-ibig, at Ikaw na Sana na naging teleserye rin muna bago naging pelikula.

Pero sa kasagsagan ng kasikatan ng dalawa, biglang nadyontis si Angelu ng matinee idol din na si Joko Diaz at kinailangang iwan niya pansamantala ang showbiz para mairaos niya ang kanyang pagbubuntis. Nag-solo si Bobby at nang bumalik sa showbiz si Angelu, mas daring at mature na ang mga ginampanang roles. Pero iba yata talaga ang sapak ng tadhana para kay Angelu dahil nang umaangat nang muli ang karir n’ya, nabuntis naman siya ng isang businessman. Ito namang si Bobby, eh, nakapag-asawa na rin.

Samantala, muling nagsama ang dalawa sa Super Inggo 1.5: Ang Bagong Banis. Huling napanood si Angelu sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang at marami ang nagsabing panalo ang paggiging kontrabida niya roon. Ito namang si Bobby, napapanood naman natin gabi-gabi sa Zorro.

O, ‘eto ang ilang sweet moments nila kahit hindi naman sila. Wala naman yatang malisya ‘yun, eh!

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.