Angeline Quinto, umiiwas na sa mga barkadang tomboy?!

MAHIRAP TALAGA sa sitwasyon nga-yon ni Angeline Quinto, na porke’t sikat na sikat siya bilang singer ay isinabak naman siya sa larangan ng pag-arte. Kung papaano kasing kinagigiliwan siya sa galing ng kanyang boses, kabaligtaran naman sa istilo ng kanyang pag-arte na laging pinupuna ngayon sa napapanood niyang pagganap sa isang teleserye ng ABS-CBN.  Hilaw na hilaw naman kasi ang atake niya ng pag-arte, kaya talagang marami ang nadidismaya.

Napapansin din, na sa tuwing pag-uusapan ang tungkol sa lovelife ni Angeline, parang lagi na lang niyang dinadaan sa biro ang pagkakaroon ng boyfriend. Kung sino ang nakakapareha niya ngayon sa showbiz, katulad ni Coco Martin, ay hanggang doon lang naman. Pagkatapos ng pinagsamahang trabaho ay wala na rin talagang iba pa na puwedeng pag-usapan, dahil kanya-kanya na ulit. Si Angeline pa naman, lahat ay dinadaan na lang sa biro, kaya madalas nagmumukha siyang eklayera.

Pero marami ang natutuwa, dahil malaki na raw ang ipinagbago ni Angeline ngayon. Dati-rati raw kasi, nu’ng baguhan pa lang si Angeline na nagha-hanap ng magbibigay sa kanya ng break, kapag may lakad siya at pumupunta sa iba’t ibang kumpanya, ang mga kasama raw ng magaling na singer ay mga tomboy. Baka raw mayroong nagbawal kay Angeline, lalo na ngayong nasa ABS-CBN na siya, na kung gusto niyang magkaroon ng magandang image sa showbiz ay umiwas siya sa mga kadramahang ang barkada ay mga tomboyita.

DAPAT LANG naman talagang pahalagahan ang Superstar na si Nora Aunor, dahil ang kanyang kalibre ay maihahalintulad mo sa mga namayapang sina Direk Lino Brocka, Nida Blanca, Charito Solis at sa Comedy King na si Mang Dolphy.  Napag-uusapan ito sa maraming umpukan sa showbiz, dahil lagi na lang nagkakasakit ang mommy ni Ian de Leon. Huwag na lang din sanang iturong dahilan ang diumano’y hindi pa rin maawat na bisyo ni Ate Guy, lalo na ang paninigarilyo. Kundi, tumutok na lang sa isyu na kailangan talaga niya na mayroong nag-aalaga sa kanyang kalusugan.

Nakakaawa kasi ang Superstar, dahil siya ‘yung tipo ng tao na ayaw mang-abala, ayaw magpaintindi sa ibang tao. Kapag inasikaso mo si Nora at nahalata niya na makaaabala siya, lagi niyang sasabihin ay: “Okey lang po ako. Huwag na po kayong mag-abala. Okey lang po talaga ako.” Paano nga, sa matagal na panahong pamamalagi ni Ate Guy sa ibang bansa ay nakasanayan niya talaga na kahit mahirapan, nakakaya niyang kumilos nang mag-isa at hindi umaasa na may ibang tao na gagawa ng maraming bagay para sa kanya.

Ang dami-daming tao sa showbiz na gustong magmalasakit kay Nora, lalo na tungkol sa kanyang kalusugan. Pero siyempre, masarap lang iyong pakinggan para kay Ate Guy. Ang problema, para talagang hindi na kumpor-table ngayon ang Superstar kapag maraming tao sa kanyang paligid na madiwara at pinangunguna-han siya. Kilala kasi ang aktres sa kanyang ugali na ayaw niyang dinidiktahan siya ng ibang tao.

 ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

27 thoughts on “Angeline Quinto, umiiwas na sa mga barkadang tomboy?!

  1. Guys, i’ve been her schoolmate when she was in HS..yep, tomboy sya noon. Tapes her b**bs pa nga and sends love letters to my classmates. But maybe she changed narin diba? Give her a break. Kung tomboy noon, dpat ba tomboy forever? Just sayin..

  2. Just an observation on Angeline’s attitude. Act naturally girl, give some kind of respect toward your senior hosts on ASAP….. especially Piolo, Sam etc. coz you have not reached  their level yet. Slowly but shortly girl. If Sarah can maintain her unassuming attitude considering her success for 10yrs,,,, am sure you can do it too!!!!!

  3. Angeline Quinto is beautiful in her own way. Hindi porke marami kang kaibigang tomboy, tomboy ka na rin. Si Kris Aquino, maraming kaibigang bakla. She’s very comfortable with them regardless of their preferences. Kung minsan, tapat maging kaibigan ang mga katulad nila. Don’t be too judgemental people. Kahit Konting Pagtingin is doing great in the ratings game. I love watching her.

  4. In-fairness to Angeline maganda ang acting nya sa teleserye ah! tong bakalng writer na to BOBO na Tanga pa umintindi sa kwento at tema ng teleserye ni AQ! Light comedy drama yun hindi need ng heavy acting at oa na kadramahan TANGA! kaya swak na swak sa sa character nya subtle at very normal acting lang dahil comedy naman yung teleserya nya!!! BAT BA MAY NGA WRITER NA ATRIBIDA AT BOBO!!! DAPAT SA WRITER NA TO MAGTINDA NALANG SA PALENGKE DAHIL BOBO MAGSULAT!

    • ang bobo ng writer na to! eto ang title “Angeline Quinto, umiiwas na sa mga barkadang tomboy?!” napunta kay nora aunor ang kwento.. ahahahaahaha bobo talaga! pati mga kaibigan ni AQ pinapakealaman! Please, buhay mo muna unahin mo!

  5. magaling naman si Angeline in fairness to her..underacting and very light, ang style that makes her more fun to watch…magaling…sa tomboy issue…ok lang kahit ano pa siya…

    • Yan ganitong comment nagsisimula ng away..pwede naman sabihin na magaling si angeline tapos may parinig sa iba..kapag ganito utak ng tao walang mararating..kaya hindi tayo umuusad eh..imbes magtulungan umangat nagsisiraan kaya ang labas pare pareho tayong lagpak..

  6. kc tomboy din si angeline kya puro tomboy friend nya. malamang pinag sbhin sya abs-cbn na wag umamin na tomboy sya kc makakasira sa career nya. 

      • Hindi namin inaasahan ganyan pala sya. nasa loob din kami noon ng resto (Friday, June 21, 2013 at 7:00p,m) Sayang naman siya

  7. Enjoy kaming panoorin ang teleserye ni Angeline kahit baguhan palang sya sa pag arte AY kinagigiliwan na namin sya ng husto. May sarili syang estilo ng pag arte lalo nat pag papatawa na click sa masa. Tungkol sa love life wag naman nating madaliin dahil dadating din yan masyado syang busy sa ngayon. Eh ano naman Kung mga kaibigan nya AY tomboy may masama ba dun?

    • ano ba yan Angeline… ewwwwwwwwwwww mga tomboy? 
      kadiri hhahahaha
      at saka paghusayan mo ang pag kanta dahil marami marami na rin ang sablay mo
      panira ka ng show… Am i telling you ano ba yan… Poor diction at lately lang Power of love pakindat kindat ka na lang… kung gusto mong magtagal always give your 100% at hindi according to your mood. para kang hindi CHAMPION… mas deserving sayo si KRISSEL… PRACTICE ka ng todo okay???????

      • e ano naman kung mga tibers? kelangan bang manghusga? hahaha. ikumpara ba kay krissel? e nasan ang krissel mo ngayon bitterang to. hahahhah :P

      • ewwwww mga tomboy ba?.. baka mas ewwwwwwwwwwww ang muka mo.. try mo magsalamin.. makapagmalinis lang? tignan natin kung ikayaman mo yan!

      • hahaha. OO nga nakita namin Angeline kasama nya “special someone” around tomas morato. so sweet… (inside noodle haus) di namin inaasahan yun nasa loob din kami ng noodle haus last friday June 21, 2013 at 7:00pm

        haizt…. sayang naman

  8. I like Angeline. There’s nothing wrong with her acting. Magaling nga ang mga facial expressions niya. Her show, Kahit Konting Pagtingin, is doing wonderfully in the ratings. Talo pa ang teleserye nina Anne, Binoe and Kris. Wiling wili kami sa show niya. We want to watch it over and over again tulad ng Be Careful With My Heart. Nakakatuwa nga ‘yong pagdaan daan niya sa biro ng love life niya. At least hindi siya ilusyonada. What you see is what you get. Walang kaere ere.

  9. KAWAWA NGA SI ATE GUY. PALAGING BINABATO SA KANYA ANG DRUG, GAMBLING AND ALCOHOL ISSUES KAHIT NA SUPERSTAR SYA. AND YET, SINA FPJ NA PURO PANGANAY ANG ANAK, SI DOLPHY NA NANGOLEKTA NG MGA ANAK SA IBAT IBANG BABAE, SI ERAP NA NANGOLEKTA DIN NG  MGA ANAK AT NA-CONVICT PA SA PULITIKA EH NASA PEDESTAL PA RIN AT BULAG ANG MADLA SA MGA BAHO NILA.  WAWA NAMAN.

Leave a Reply

Your email address will not be published.