Angeline Quinto, todo-deny na nagkaroon siya ng boyfriend na bading

Angeline Quinto

Angeline Quinto

Aminado si Angeline Quinto na napaliligiran ng mga bading ang kapaligiran at buhay niya. Mula sa kanyang pamilya, kaibigan, at lalung-lalo na sa kanyang trabaho. Malaki raw ang paghanga niya sa mga ito.
Maging ang kanyang buhay-pag-ibig ay minsan nang natsismis na nagkaroon daw siya ng boyfriend na member ng Ikatlong Lahi. Pero siyempre, dinenay ito ng singer-actress.
Sa kanyang bagong pelikula sa Regal Films na “That Thing Called Tanga Na”, sobrang naka-relate si Angeline dahil ang kuwento nito ay umiikot sa pakikipagsapalaran sa buhay, pagkakaibigan, at lovelife ng mga kabadingan.
Dahil nga malapit siya sa mga gay at alam niya ang mga problema ng mga ito, hindi nahirapan ang dalaga sa kanyang role na kaibigan ng mga gumaganap na bading sa pelikula na sina Billy Crawford, Martin Escudero, Kean Cipriano, at Eric Quizon. Ang sabi nga niya, sobrang nag-enjoy raw siya habang ginagawa ang pelikula at nagpapasalamat siya sa mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde sa muling pag-revive ng kanyang acting career.
Isa pa sa super like niya sa kanyang papel sa pelikula ay ang pagiging tanga ng kanyang karakter lalo na sa buhay-pag-ibig nito. Inamin kasi niya na nagpakatanga rin siya sa pag-ibig.
“Kapag nagmamahal ako, minsan hindi ko na naiisip ‘yung sarili ko. Pero kung naging tanga man ako sa pag-ibig noon, marami rin naman akong natutuhan at hindi ko na babalikan, mature na ako.”
Ang “That Thing Called Tanga Na” ay ipalalabas na sa August 10 sa mga sinehan. Mula ito sa direksiyon ni Joel Lamangan. Ito ang pelikulang punung-puno ng kasiyahan at katatawanan.

Rodel Fernando
by Rod’s Nest

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.