Angeline Quinto shares first time experience in America

 

UNTI-UNTI NANG KUMIKINANG ang bituin ni Angeline Quinto maging sa ibang bansa. After emerging as grand champion on ABS-CBN’s Star Power, she recently had a show in the United States. Angeline was part of Megastar Sharon Cuneta’s concert tour in San Diego and Reno, Nevada. Since it was her first time going to the US, sinabi niyang hinding-hindi raw niya makaka-limutan iyong pagbaba niya ng eroplano sa airport.

Super excited siya sa kanyang unang biyahe sa Amerika. “Kung alam ninyo lang po kung gaano ako kasaya ngayon. Nagpapasalamat ako talaga sa Panginoon dahil binigyan Niya po ako ng pagkakataon na makakanta sa mga Kapamilya natin dito sa US,” sabi niya during her performance.

Although she was nervous, excited din si Angeline while performing in-front of the Filipino-American crowd. Kuwento niya, “Hindi na ako makatawa dahil kinakabahan na ako. Sanay ako [na] sa Pilipinas lang ako kumakanta.”

Mainit ang naging pagtanggap sa kanya ng mga Kapamilya nating nanood ng kanilang show roon. Natutuwa siya dahil maging sa Ame-rika ay may mga Angeliners. At abot hanggang langit ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta sa kanya sa kanilang concert.

Nagkaroon daw sila ng special bonding ni Sharon while they were in the US. “Sobrang saya lalung-lalo na nga po na ito iyong unang punta ko sa US [at] si Ma’am Sharon pa po ang kasama. Everytime po na matatapos iyong show namin talaga pong pinapupunta niya ako sa kuwarto niya. Tapos doon po kami nagpa-party. Doon po kami kumakain. Sobrang dami ng pagkain talaga.’ Di ko nga po inasahan na ganoon ang pagkain sa Amerika kasi astig talaga. Doon lang ako nakakita ng ganoong kalambot na baka. ‘Di ko makalimutan ang baka ng Amerika.”

Naka-schedule na muling bumalik ng Amerika si Angeline this November. “Natutuwa ako kasi ang dami ko pong naba-balitaan [na] may mga shows nga po na kumuha sa akin ulit kahit na medyo hindi nila si-guro maintindihan iyong English ko eh, pinagtiyagaan nila ako (laughs). Magkakaroon din po kasi ako ng sariling concert sa November. Bale birthday ko po iyon. Magandang pa-birthday po iyan sa akin.”

Angeline’s journey to stardom has started and if she wants to make it big in this business, she has to play her cards right and make the right moves. Mahalin niya ang kanyang trabaho so it will love her in return. And most importantly, she needs to pray hard.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

5 thoughts on “Angeline Quinto shares first time experience in America

  1. Napansin na rin siya sa PEP at binigyan ng article kabi-kabilaan ang mga write-ups sa kanya siguro ito na nga yung ginagawa ng ABS para i build -up pa siya lalo. So ano na plano ngayon ng VIVA ke sarah?

  2. I like this girl. So unaffected, mabait, mapagpakumbaba Ang ganda ng boses niya. Nakakatuwa na maski na kauumpisa lang, marami na siyang fan base. Good luck Angeline.

Leave a Reply

Your email address will not be published.