Angeline Quinto, may trauma sa pag-ibig

Angeline-QuintoNU’NG LINGO pa lang nailabas ang episode ni Angeline Quinto kung saan naging usap-usapan ang pag-iyak ng singer nang kumustahin ni Vice Ganda kung malungkot pa rin ba ito hanggang sa ngayon.

Napag-usapan kasi ang tungkol sa isang pag-ibig na hindi na babalik sa kanya, hindi napigilan ni Angge ang umiyak nang mapag-usapan ito. At umamin na hanggang sa ngayon ay masakit pa rin ito sa kanya.

May ilang nag-aakala na si Coco Martin ang lalaking rason daw ng pag-iyak ni Angeline na minsang naugnay sa kanya. Nang tanuning namin siya tungkol dito, klinaro niya sa amin na non-showbiz guy ito na dati niyang boyfriend  bago pa man siya nag-showbiz at nagkahiwalay sila dahil sa ilang ‘di pinagkaunawaan. Inamin din sa amin na ito ang rason kung bakit parang takot pa rin siyang pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon.

Marami ang nagtatanong sa amin kung totoo ba ang tungkol sa kanila ni Erik Santos. Ang alam namin ay malapit na magkaibigan  ang dalawa bukod pa sa magkapatid sila sa Cornerstone na parehong may hawak na kanilang career.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

3 thoughts on “Angeline Quinto, may trauma sa pag-ibig

  1. Grabe naman feelingera kaagad, bakit may kagandahan taglay din naman si angeline both inside and out. Atleast sya totoong tao sya di sya nahihiya ipagsigawan sa buong mundo ang totoo nyang nararamdaman. Ibig sabihin hindi sya plastic at lalong hindi sya mapagpanggap. Hindi nya kasalanan na maging ganun sya di kagaya ng iba kahit gusto na ung tao pakeme pa din puro denial. So what naman kung ipinaayos nya ang mata nya care nyo? pera ba nyo ang ginamit nya? Sa nature ng trabaho nya kasama ang pagpapaganda noh. Ang maganda kay angeline kahit magbago man ang itsura nya kahit kailan di sya nagbago ng ugali at pakikitungo sa mga fans. Sobrang napaka down to earth nya at un ang importante.

  2. E kasi itong retokado na ito assumera kala nya may relasyon sila ni coco yun ang akala nya kaya yun asang asa nakupo, di ka magugustuhan ng lalaki para kang palengkera at di na nahiyang mag i love you sa lalaki sa tv turn off iwas tuloy maga lalaki sa yo lalo na siguro si coco takot mapikot mo inday retoke

Leave a Reply

Your email address will not be published.