Angeline Quinto, isa-isa nang natutupad ang mga pangarap

NATUTUWA AKO para kay Angeline Quinto dahil unti-unti na niyang natutupad ang mga pangarap sa buhay. Lakip ang pangarap na guminhawa sa buhay, siya ay nagsumikap hanggang sa marating ang hinahangad na tagumpay.

Angeline’s life story is inspiring. Kung noon ay isa lamang siya sa mga libu-libong nangangarap na maging sikat na singer ay isa na siya ngayon sa mga certified hitmakers.

Bukas na libro sa publiko kung paano sinimulan ni Angeline hubugin ang kanyang pangarap na maging singer. She joined amateur singing contests around Metro Manila when she was a young girl. In 2003, naging finalist si Angeline sa Star for a Night where she competed with Sarah Geronimo na siyang nanalo sa nasabing singing competition.

Naging mailap man noon ang suwerte ay hindi nawalan ng pag-asa si Angeline that one day, she will also become famous. She was bent to do whatever it took to become a star. At natupad naman ito when she emerged as the champion of Star Power in 2011. Dito na nagsimula ang patuloy na pagbaha ng mga blessings sa buhay ni Angeline.

Pinatunayan ni Angeline na hindi lang niya kayang makipagsabayan sa kantahan kundi may kakayahan din siya maging sa pag-arte. Nagkaroon ng pelikula si Angeline opposite Coco Martin, ang Born to Love You. She also topbilled the afternoon series Kahit Konting Pagtingin kasama sina Sam Milby at Paulo Avelino.

Angeline recently guested on KrisTV and she revealed na ipinatatayo na niya ang kanyang dream house sa isang exclusive subdivision sa Quezon City. The lot size is around 500 sq.m. while the two-storey house has a floor area of around 300 sq.m. Mayroon din itong swimming pool na matagal na raw pangarap ni Angeline.

House construction began in January at lilipat sila sa bagong bahay sa November kung sakaling matapos na ito.

Talagang masarap matupad ang mga pangarap sa buhay lalo pa’t sipag, tiyaga at walang patid na dasal sa Diyos ang iyong mga ginamit na puhunan para makamtan ito.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.