Angelina kay Willie Revillame: You’re such a loser! by Ronnie Carasco

PINAGDISKITAHAN NI ANNABELLE Rama ang aniya’y pagkahaba-haba raw na VTR intro ng Startalk bago siya isalang sa mga mag-iinterbyung sina Butch Francisco, Lolit Solis, Ricky Lo at Joey de Leon nitong Sabado.

Partikular na ikinairita ni Tita Annabelle ang paliwanag ng abogado ng kanyang kalabang si Mrs. Wilma Galvante. “Ang dami niya kasing satsat, hayan tuloy, sinabi ko nang lahat ang gusto kong sabihin, “ may “hangover” pa ng galit na sey ni Bisaya pagkatapos ng kanyang guesting.

Pero kung si Ma’am Wilma ang tatanungin, and this she expressed via a phone patch interview, wala naman daw bago sa mga sinabi ng kanyang kaaway as those were the very allegations stated in the court documents.

Ngunit hindi raw porke ibinasura ng korte ang isinampang kaso (grave oral defamation) ng lady executive due to lack of probable cause ay period na ito. Kahapon naghain ng motion for reconsideration si Tita Annabelle para rebyuhin ang kaso. At habang patuloy ang laban, may panawagan ang feisty manager sa lady boss: magbitiw ito sa posisyon.

Kung napupulsuhan ko si Ma’am Wilma, this is the last thing on her mind as she stands to lose more than her enemy. Puwedeng hakutin ni Tita Annabelle ang lahat ng kanyang alaga papuntang ABS-CBN, and life goes on.

BILIB NA SANA ako kay Senator Manny Villar na lantarang tatakbo bilang pagkapangulo what with his self-made success from rags to riches. Hindi ko na sana papansinin ang mga batikos sa kanya ng kanyang kapwa mambabatas na si Senator Jamby Madrigal na kumukwestiyon sa umano’y double insertion ng kanyang C-5 project.

Hindi ko rin nais maliitin ang presidential ambition ni Makati City Mayor Jejomar Binay who thinks that Makati City is the entire Philippines, gayong nasa bansa lang naman ang lungsod na kanyang nasasakupan. Hindi rin ang ilusyon ni MMDA Chairman Bayani Fernando who, by his name, believes he can pass for a presidential hero.

NOT EVEN Senator Mar Roxas, kundi si Vice President Noli de Castro ang sa tingin ko ang mahigpit na makakalaban ni Villar: this on the assumption na hindi tatakbo si dating Presidente Erap Estrada.

But it appears that all that Villar has vigorously worked hard for ay mababantilawan lang ng kanyang pahayag, this being na kung tatakbo raw si Willie Revillame bilang senador ay meron siyang ilalaang slot para sa TV host-comedian sa kanyang partido.

Nakahanda akong i-crucify ng mga tagasuporta ni Willie, pero hindi na kailangan pang maging automated ang halalan dahil kahit manu-mano ang bilangan, tiyak na dadayolagan lang siya ni Angelina na, “You’re such a loser!”

At kung si Willie ang pilit na isusulong ni Villar sa kanyang ticket, his Sipag at Tiyaga, God forbid, turn out to be Silat at Tigok! Senator Mar Roxas, kundi si Vice President Noli de Castro ang sa tingin ko ang mahigpit na makakalaban ni Villar: this on the assumption na hindi tatakbo si dating Presidente Erap Estrada.

But it appears that all that Villar has vigorously worked hard for ay mababantilawan lang ng kanyang pahayag, this being na kung tatakbo raw si Willie Revillame bilang senador ay meron siyang ilalaang slot para sa TV host-comedian sa kanyang partido.

Nakahanda akong i-crucify ng mga tagasuporta ni Willie, pero hindi na kailangan pang maging automated ang halalan dahil kahit manu-mano ang bilangan, tiyak na dadayolagan lang siya ni Angelina na, “You’re such a loser!”

At kung si Willie ang pilit na isusulong ni Villar sa kanyang ticket, his Sipag at Tiyaga, God forbid, turn out to be Silat at Tigok!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Related Post

loading...

10 thoughts on “Angelina kay Willie Revillame: You’re such a loser! by Ronnie Carasco

  1. Alam mo si bisaya ,yan ang langaw na natungtong sa kalabaw na katulad ni willie revillame, sobrang yabang at topak sa ulo, dapat dyan hindi pinapansin talaga, malas ang ABS CBN kung magdadagdag sila ng katulad ni annabelle at dalhin ang mga artista nya. gusto ba nilang madagdagan ang prublema nila na dala ni willie. Baka hindi rin nila eto mapigilan sa kaadaldal na walang sense. Dapat sila ang magsama ni willie at magpatayo si willie na sarili nyang studio at kunin niya si annabelle at mga artista nitop. duon sila maglabas ng katangahan nila.

  2. hoy ano naman kayo…si Villar ata ang pinaka the best…
    at ok naman si Wellie ah, pangmasa hindi pareha sa iba
    d malapitan.Wake up!!!

  3. sige lipat na Bisaya at uyan ang matagal na naming hinihintay. Panay satsat at ilang taon na ring naririnig na lilipay au hindi naman nalipat. Ikaw ang anay at malas sa GNA

  4. tama ka silat na kaagad si villar pag inilagay si willie na kapit tuko sa wowowee, kaya hakot ng miron para mag rally para sa kanya, palagay mo ba lulusot si villar? miski ubusin nya yung bilyon nya, milya milya ahead ang kalaban nya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.