Angelika dela Cruz, tuloy ang kasal – Gorgy’s Park

PAGKATAPOS MANGANAK NI Angelika dela Cruz, mahigit limang buwan na ang nakaraan, kaagad nakabalik ito sa trabaho dahil hinahanap daw talaga ng katawan niya.

Kaagad nagawa ni Angelika na magpapayat dahil gusto na raw talaga niyang makabalik sa trabaho.

Nakatsikahan na nga namin ito sa pictorial ng bagong sinenobela niya sa GMA- 7, ang Kaya Kong Abutin ang Langit na pagbibidahan ni Iza Calzado.

Dalawang araw sa loob ng isang linggo lang daw ang hiningi ni Angelika na mag-taping dahil hands-on talaga siya sa pag-aalaga sa anak nila ni Orion.

Kahit may yaya, silang mag-asawa talaga ang nag-aalaga sa baby at ang dami nga raw natutunan ni Angelika bilang ina.

Dito raw niya napagtanto kung ano talaga ang tunay na naramdaman ng isang ina at ngayon lang daw niya naintindihan ang naramdaman ng mommy niya.

Usapan daw nila ng asawa niyang si Orion, kapag nasa taping ito, absent sa trabaho ang asawa niya. Hindi raw nila iniiwan sa yaya lang ang kanilang anak kaya nu’ng nag-pictorial ito para sa Kaya Kong Abutin ang Langit, dala ito ni Angelika dahil nasa trabaho naman si Orion.

Bukod sa pag-aalaga sa kanilang anak, pinagkakaabalahan ngayon nina Angelika ang church wedding nila ni Orion.

Tuluy-tuloy na raw ito sa December 4 na gagawin sa Tagaytay.

Marami silang mga kaibigan sa showbiz ang may participation sa kasalan kaya tiyak na star-studded ito.

Pero ang isa sa nagpapa-excite sa kanila sa kanilang pagpapakasal sa simbahan ay ang kanilang anak na gagawin nilang ring bearer.

Kahit hindi pa raw ito nakakalakad, kesehodang ilagay lang daw nila ito sa stroller at lagyan nila ng maraming bulaklak. Basta bahagi ng kasalang iyun ang kanilang anak.

Pagkatapos ng kasal ay balik-trabaho raw muna si Angelika. Wala pa raw sa plano nila na mabuntis uli. Napagkasunduan na rin daw nila ni Orion na hanggang dalawang anak lang sila.

NU’NG FIRST DAY of showing ng In My Life ay kaagad na nanood kami sa Trinoma para mahusgahan kung maganda nga ba ang pelikula at kung blockbuster hit ito.

Dalawa ang sinehan sa Trinoma na pinagpapalabasan ng In My Life, pero isa lang ang punung-puno, ang isa hindi gaano.

Isa kami sa may malaking expectations sa pelikulang ito pero na-disappoint kami.

Hindi naman ito gaano kaganda dahil mukhang hindi na-handle nang mabuti ni direk Olivia Lamasan ang mga comedy scenes nito.

Drama talaga ng forte ni direk Lamasan kaya sa mga drama scene lang kami gaanong naantig.

Pagdating sa acting department, tanging si John Lloyd Cruz lang ang mapupuri namin dahil parang bumalik sa dating akting si Gov. Vi at si Luis Manzano naman ay nakukulangan pa kami at minsan parang si Gov. Vi ang style ng akting niya, minsan parang Edu Manzano rin.

Kung malakas  ang first day nito, ewan ko lang kung ma-maintain ito o magkaroon ng staying power sa takilya dahil tingin ko naman hindi naman makaka-relate sa pelikulang ito ang karamihan sa mga manonood.

By Gorgy’s Park

loading...

10 thoughts on “Angelika dela Cruz, tuloy ang kasal – Gorgy’s Park

  1. Most of the reviews ng In My Life ay hindi maganda kasi hindi naman talaga maganda ang movie na yan! 20 million sa opening?! Talagang ang laking mag padding ng SC! Hindi na nangilabot! Yung officemate ko na nanood, laking panghihinayang, sana daw KimmyDora na lang pinanood niya. The movie was boring, tinipid, just like what chuvanes said in her blog. There are shots that were obviously done here. Duh!

    • Most of the reviews of In My life ay mas maganda at mas kumita talaga ito kesa dun sa TAROT Flop ni Marimaw biruin mo nga naman ang total lang naman daw na kinita nung TAROTFLOP ay hindi pa umabot sa 17 million while this In My Life is 20 million for just an opening day can you imagine that!! bwahahaha ay mas lalong nakakahiya yong kinita ng TAROTFLOP talagang lugi ang Regal Films :P.

    • ahahaha mga bitter eh etong writer nto panay kapisot lang ang pinupuri nito naturmente. ang opinyon ng isang tao hnd opinyon ng nkkarami anyway matanong ko lang sa manunulat na ito bakit kayo walang write-ups sa tarot.. di ba fave mo isulat si marimaw…hmmm inggit sa star cinema kc khit yta flop ang movie nila mas flop ang local na katapat.nyahahhaaha…ang tarot ay floooppppp, ang tarot ay floooooppppp wag maghanap ng damay….

  2. Ang totoo nyan, itong writer na ito ay maka-GMA 7. At mas gusto nyang panoorin ang TAROT.

    Pero FLOP naman ang TAROT.

    Maaring bitter lang ang writer na ito dahil syempre kumita na naman ang movie ng Star Cinema.

    Sa society natin, accepted na ang Kapuso as BITTER and CRAB Mentallity. Dahil ito pinamulat ng GMA-7 sa mga manonood. I suggest read nyo lahat ng comments ng mga Kapuso dito, PSN at Pep.ph

  3. naku!!! d ko lam what taste mron ka? mga prof ko, even sa sub. nmen bukang bibig ang galing sa pagarte ng mga bida esp. JLC & Luis na nakakagulat esp. ung scne nila n ate vi iiyak ka tlga!!! ikaw lang ang kaisa isan na nagreact ng ganyan no!!!! isa lang ibig sabihin nyan hate mo ang mga bida hahahaha….movie of the year in my life :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.