Angelika dela Cruz, pinagtangkaang saksakin habang nangangampanya

Angelika-dela-CruzNAKAKALOKA NAMAN ‘yung kuwento ni Angelika dela Cruz na muntik na raw saksakin ng isang mama sa Malabon habang abala ito sa pagha-house-to-house sa pangangampanya.

Ito palang si Angelika ay tumatakbong barangay captain sa lugar nila sa Malabon at ang kalaban pala niya ay ang pinsang buo niya mismo.

Ang dinig namin, malakas doon si Angelika na matagal na palang gustong pasukin ang pulitika.

Nu’ng nag-iikot siya sa lugar nila nu’ng nakaraang Sabado ng gabi, biglang may sumugod daw sa kanya na mama na may dalang kutsilyo at inaambahan na siyang sasaksakin. Mabuti at mabilis na naiwas ito ng mga bodyguard niya kaya hindi natuloy.

Ang ending tuloy, nabugbog ng mga tao ang mamang ito. Kaya kung napanood n’yo sa GMA news, pinuntahan siya du’n ni Angelika sa hospital para i-identify na siya ang nagtangkang magsaksak sa kanya.

Pursigido si Angelika na i-file ang kaso laban sa mamang ‘yun, pero ang gusto sana talaga nilang malaman, kung sino ang nag-utos nito sa kanya.

Kasi nalaman daw nilang itong taong ‘yun ay pinsan pala ng isang tumatakbong kagawad sa ilalim ng partido ng pinsan niya na kalaban niya roon.

Angelika-dela-CruzMatagal na nilang kaalitan ang pinsan nito na kalaban niya sa pagtakbo  sa barangay. Nakalulungkot lang daw dahil kadugo niya mismo nagkakalaban sila sa pulitika, at barangay election lang ‘yan, ha?

Kaya laging may nakabantay ngayon kay Angelika na bodyguard at naasiwa raw siya dahil hindi naman daw siya sanay sa ganu’n.

Hay, naku! Pati pala barangay election may ganu’ng gulo. Barangay lang ‘yun, huh! Nakakaloka!

 

HANGGANG NGAYON pinag-uusapan pa rin ang break-up nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado.

Hindi pa rin nagsasalita ang dalawa, pero ang alam ko, nagpapalamig lang muna si Jennylyn at magsasalita rin daw ito.

Kaya lang sasabihin kaya niya ang dahilan nang hiwalayan?

Bakit matunog pa ring pinag-uusapan na si Dennis Trillo raw ang dahilan? Tapos, si Luis daw ang nakipag-break at sa text lang daw ito sinabi sa kanya?

Kaya iyak nang iyak daw si Jennylyn, na minsan nga, mugto raw ang mata nito sa kaiiyak sa taping ng Anak Ko ‘Yan.

Sobrang apektado raw ang aktres, kaya ayaw na nga raw muna niyang ma-in love uli. Pinapayuhan na raw itong huwag munang magka-lovelife at mag-focus muna sa anak niya, sa pamilya niya at sa trabaho siyempre.

Kaya lang, hindi kaya si Mark Herras din ang ending ni Jennylyn dahil magsasama sila uli sa isang bagong drama series na Madame X?

Ang dinig ko merong ibang pinopormahan si Mark, pero malay natin, magkadebelopan sila uli, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Angelika dela Cruz, pinagtangkaang saksakin habang nangangampanya

Leave a Reply

Your email address will not be published.