Angelika dela Cruz, may death threats

Angelika-dela-CruzPAGKATAPOS NG pagbabanta sa buhay ni Angelika dela Cruz nu’ng kasagsagan ng nakaraang eleksyon, kung saan nanalo siya bilang barangay captain sa Malabon, hanggang sa ngayon pala ay may bodyguard pa ring kasama ang actress/ politician kung saan man ang lakad at aktibidades niya.

Tuloy pa rin ang kaso laban sa lalaking nagtangkang saksakin siya noon pero hanggang sa ngayon ay wala pa ring desisyon na lumalabas ang husgado. Marami ring death threats na natatanggap sa ngayon si Angelika, dahil sa pagiging diretso nga nito bilang isang public servant.

Sa kabila nito, tuloy pa rin sa kanyang pag-aartista. Sa ngayon ay napapanood ang aktres sa pantaseryeng Kambal Sirena, kung saan siya gumaganap bilang Reyna ng Karagatan. Hiningan din namin ng reaksyon sa pagkukumpara ng maraming tao sa Kambal Sirena at Dyesebel na pinagbibidahan naman ni Anne Curtis sa ABS-CBN, para kay Angelika ay hindi sila nagpopokus sa sinasabi at pagkukumpara ng ibang tao, kundi nakapokus lang sila kung paano pa higit na pagagandahin at kapana-panabik ang bawat eksena sa Kambal Sirena.

Isang araw lang pala ang taping niya sa nasabing pantaserye kung kaya’t nahahati ni Angelika ang kanyang oras nang maayos at walang aberya bilang isang artista, public servant, asawa at ina. Para nga sa aktres, walang mahirap kapag gusto at mahal mo ang ginagawa mo at nasa sa tao na lang kung paano ba niya hahatiin nang tama ang kanyang oras at panahon tulad ng ginagawa niya.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.