Angelika dela Cruz, ‘di makapaniwala sa maagang pagkamatay ng kapatid!

BLIND ITEM: “Kup-l” kung tawagin ng isang TV host ang kanyang co-host. Inis na inis siya rito, dahil bastos at walang respeto sa babae. Ni minsan, hindi niya naramdamang naging gentleman sa kanya, kaya ang tawag niya rito sa talikuran ay kup-l”!

‘Wag na kayong manghingi ng clue dahil hindi ko kayo bibigyan. Nagdamot? Ha-ha-ha!

‘Eto na lang: Merong isang letra sa “kup-l” ang letra ng pangalan ni Mr. Kups.

KAHIT LAUNCHING MOVIE na ni Vice Ganda ang Petrang Kabayo at nakapag-shooting na rin siya ay hindi pa rin siya makapaniwala. Kulang din sa self-confidence ang bakla, kaya siya na mismo ang nag-request kay Direk Wenn Deramas na mag-undergo siya ng acting workshop.

Kaya kahapon, nagkita na sina Vice at ang mahusay na character actor na si Pen Medina para manamnam nang husto ni Vice ang character niya sa Petrang Kabayo. Ang hindi lang namin naitanong ay kung pati ba ‘yung kabayong gagamitin ay mag-a-acting workshop din.

“NAKAKA-SHOCK NAMAN, MARE! Hindi ko talaga maimadyin, ang bata-bata pa ng kapatid ko, tapos ganu’n lang ang nangyari sa kanya?”

‘Yan ang mensahe sa amin ni Angelika dela Cruz kahapon. Si Edward, ang younger brother ni Shine, ay nagwagi bilang konsehal at namatay nu’ng mahagip ng isang truck along NLEX nu’ng ma-flat-an ng gulong ang kanyang sasakyan.

Sa mga gustong magbigay ng huling respeto, the remains of Edward dela Cruz will be laid to rest at Floresco Heritage Funeral sa Dagat-dagatan Avenue (C-3), Malabon City, near Pagamutang Bayan ng Malabon.

Ang bait-bait pa naman ng batang ito. Kahit saan kami magkita, laging nakangiting babati sa amin. Sa dela Cruz family, ang aming taos-pusong pakikiramay.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

16 thoughts on “Angelika dela Cruz, ‘di makapaniwala sa maagang pagkamatay ng kapatid!

  1. I watched asap live 3 weeks ago and I saw Willie’s dressing room and on the up right corner of his name there was this ESIGN tag in which the letter R was intentionally removed to make it more obvious haha

  2. willie revillame -kup_l — a as in apple. nawawala ang letter a sa kupal kase nasa apelyido ni revillAme

  3. B.I willie revillame

    isang letter a ang hinahanap right

    at isa pa sabi ni pokwang kay robin lang sila nakaramdam na babae pala cla

    so ibig sabihin kay willie binabastos cla.ok!

    • Puro babae ang mga katrabaho ni Luis sa E-Live tanga, kung ganon sya, wala na sya dapat sa show ngayon!

      • tanga ka dyan? you don’t have the fucking right to say that to me! It’s a blind fucking item… no one is sure who it is! that is why people guess differently Son of a BITCH!

    • —‘Eto na lang: Merong isang letra sa “kup-l” ang letra ng pangalan ni Mr. Kups.—

      isang letra daw mula sa “kup-l”.. hindi sinabing nawawalang letra sa kup-l.

      • sino ba host may letter K? ALLAN K? hindi siguro…
        sino host may letter U? ???
        sino host may letter P? ???
        sino host may letter L? willie?– di na pang blind item ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.