Angelica Panganiban, walang takot na naghubad! – Pilar Mateo

WALA ‘ata ni katiting na selos sa katawan si Angelica Panganiban. Dahil kahit na ano’ng intriga ang ibalita sa kanyang Papa Derek Ramsay, lalo na’t inili-link ito sa ibang babae, eh, deadma lang siya.

Gaya nang tumungo si Derek sa GenSan at nakipag-dinner ito sa misis ng Pambansang Kamao. At nang magkasakit si Derek, eh, pinadalhan pa ito ng mga prutas ni Jinkee.

Sabi nga ni Angelica sa tsikahan namin with her para sa I Love You, Goodbye, naniniwala siyang ang mas nagdadala ng isang relasyon, eh, ang babae. Kung bawat kibot naman daw, eh, gagawan niya ng isyu, wala nga talagang mangyayari sa kanila kundi walang katapusang awayan.

Marami na nga raw ang nagsasabing suwerte si Angelica sa Papa Derek niya. Sobrang cheesy nga, at ang mga inireregalo, eh, bonggang-bongga.

Ang say naman ni Angelica, more than the Cooper and the Hermes bag, it’s the little things that really count. Suwerte rin naman daw sa kanya si Papa Derek dahil kumbaga, wala nang hahanapin pa ito sa kanya. ‘All in’ ang term ni Angelica sa buhay niya kay Papa Derek.

Nung una lang daw sila nagkailangan sa love scenes nila. Parang weird lang daw kasi ang feeling. Pero nu’ng maulit na raw, na wala na silang hino-hold back, ayos na.

“Para naman kasing hindi kami nagki-kiss, ‘di ba?”

Sa pagsisimula na ng pagiging daring ni Angelica, wala na raw siyang kailangan pang iwasan. Dahil kelan pa raw ba niya ito dapat na gawin kundi ngayon na nagsusunud-sunod ang magagandang projects na dumarating (gaya ng teleseryeng Rubi).

Meron na raw bang nasabihan ng linyang “I love you, goodbye” si Angelica in real life?

“Goodbye lang.”

Sino ito?

“Ano ba? Si Carlo (Aquino) kaya.”

Abangan that time na sumalang si Angelica sa pagpu-frontal. And she’ll only do that lang daw kung ang ina-inahan niyang si Laurice Guillen at ang mga nakasama na niya sa trabaho ang mai-involve sa pagkuha ng nasabing eksena.

Kunsabagay, shower scene pa lang ni Angelica sa nasabing pelikula, ikinalat na sa internet. Any reaction?

“Hindi ko alam kung paano kumalat. Eh, ‘di ikalat nila. Ha-ha-ha! May mga pinapatakpan si Direk (Laurice) kasi. Mas naasiwa ako kaya tinanggal ko na lang.”

SUNUD-SUNOD NA ANG taping ni Kris para sa kanyang teleseryeng Kung Tayo’y Magkakalayo, kung saan magkakaroon ng special participation ang kanyang anak na si Baby James.

After nitong sumakay sa Mano Po 6: A Mother’s Love sa darating na Metro Manila Film Festival, aalis sila ng pamilya niya pa-Bangkok, Thailand para du’n mag-New Year.

Pinupulaan si Kris ngayon dahil sa pagbili niya ng bus para sa personal niyang gamit. Sabi ng sumulat, sinasabi raw noon ni Kris na wala siyang pera pero bakit ito bumili ng pagkamahal-mahal na sasakyan.

Personal na kakilala raw ni Kris ang binilhan niya ng nasabing sasakyan at nag-customize rito at huge disount daw ang ibinigay sa kanya. Kaya nga sa halip na brand new Road Trek ang bilhin niya, ‘yun ang kinuha n’ya.

Sino naman daw ba ang maniniwalang wala siyang pera, eh, ‘eto nga’t marami na namang paparating na endorsements sa palad niya?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

One thought on “Angelica Panganiban, walang takot na naghubad! – Pilar Mateo

  1. kahit naman siguro ako hindi magseselos sa asawa ni pacquio noh.. shonget naman un noh.. mas maganda pa yata pwet ko doon hahaha.. at isa pa ung pera Lang naman niya ung nagpapaganda kay jinkee noh..

Leave a Reply

Your email address will not be published.