Angelica Panganiban, WALA SA SARILING DUMALO SA KASAL NI CAMILLE PRATS?!

SPECIAL GUEST NAMIN sa Startalk nu’ng kamakalawa si Pia Magalona kasama ang dalawang anak niyang sina Maxene at Saab Magalona dahil ginunita nu’ng araw na ‘yun ang 1st death anniversary ni Francis Magalona.

Mayroon ding inihanda ang Eat… Bulaga!, kung saan kumanta si Maxene kasama ang iba pa niyang kapatid na sina Elmo at Arkin.

Doon pa lang sa studio ng Bulaga! ikinukuwento na ni Pia at nina Maxene na nagpaparamdam palang madalas sa kanila si Francis.

Nu’ng gabi ng Biyernes pa lang, pumunta na raw sila sa Loyola Memorial Park para magdasal doon at kasama nga nila doon ang iba pang kaibigan gaya nitong sinusuportahang grupo ni Francis na Gloc9.

Nagkukuhaan daw sila ng picture doon at nagulat sila, meron silang kuhang may apat na figures na nakatayo sa isang lugar na wala namang katao-tao.

Tingin nila parang si Francis ‘yung isa na naka-shorts at malakas ang pakiramdam nilang sinamahan sila doon ng Master Rapper.

Ipinakita ito sa amin ni Pia pagdating nila sa Startalk at meron pa silang isang litratong kuha na tingin nila kasama pa ni Francis ang dalawang aso niyang namatay rin pagkatapos nitong pumanaw.

Sa interview namin kay Saab, ikinuwento rin nito na nagparamdam din ang Papa nito nang magpa-auditon daw siya sa MTV.

Nang isinalang na raw ito, biglang pumutok daw ang mga klieg lights kaya nagkabit na naman daw sila ng bagong ilaw, pero nang ibinalik uli si Saab, pumutok na naman daw ito. Kaya feeling daw niya, ayaw ng Papa niya na sumali sa MTV.

Kung magparamdam daw ito, laging nasa ilaw raw ito kaya naniniwala raw sila na si Francis talaga ‘yun.

Ipinaliwanag na rin pala ni Pia na kaya hindi pa ito pumapayag na i-release ang album na collaboration nina Ely Buendia at Francis dahil gusto nitong mapaghandaan nang husto ang album na ‘yun gaya nang paglabas ng mga pictures ni Francis na itinatago ni Pia.

Hindi pa raw kasi niya kayang ayusin ang mga pictures na ‘yun kaya hindi naman daw siya nagmamadali. Sa tamang panahon daw ay maaayos din daw at puwede nang i-release ang album na ‘yun. Siyempre, ayaw naman ni Pia na basta-basta i-release lang ‘yun, dahil gusto nitong mapaghandaan nang husto.

KUWENTO NG IBANG staff namin na nag-cover ng kasal nina Camille Prats at Anthony Linsangan, naloka raw sila sa ayos ni Angelica Panganiban na kasali sa entourage ng kasal na ‘yun.

Naka-gown daw kasi si Angelica, pero naka-rubber shoes. Ano ‘yun?

Tapos, hindi pa raw nakaayos ang buhok at parang siya lang daw ang nag-ayos ng mukha niya.

Parang hindi raw okay ang hitsura ni Angelica sa kasalang ‘yun na hindi nila alam kung lasing o bangag!

Hindi naman namin madalas na nakikita iyan, pero hindi naman daw ganu’n ang ayos niya kapag nakikita siya sa TV.

Tinanong nga raw ito ng isang reporter doon kung bakit naka-rubber shoes ito. Ang sagot daw niya, hindi raw siya kasi puwedeng mag-heels dahil maliit daw ang ka-partner niya sa entourage na ‘yun.

Parang hindi naman yata tama. Tuloy ang duda namin, baka hindi naman totoong okay na sila ni Derek Ramsay kahit sinasabi naman nilang nagkabalikan sila at nagkaayos na raw.

Ewan ko na lang. Tingnan na lang natin!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

17 thoughts on “Angelica Panganiban, WALA SA SARILING DUMALO SA KASAL NI CAMILLE PRATS?!

  1. infairness to Angelica…she still looks sexy on her gown…please wag na nating cyang intrigahin…we have right for whatever we desire to wear whichever occassions we attend….DIGA???????

  2. kaya daw naka rubber shoe si angelica kasi kapartner nya si john pratts.. para mag mukhang matangkad si john pratts sa kanya…

  3. Vivipinata…eh kung sapatusin kaya kita. Inggit ka. Baka upakan kita dyan ng ikaw ang matauhan. Ingit ka kay Angelica. At least sya naka rubber eh kaw mukhang rubber eh ha ha harrrrr….

  4. Parang free spirit si Angelica…pero since nasa Philippines siya…flat shoes na lang sana…hirap pa kasi matanggap ang rubber shoes in a wedding unless mga ‘marathoners’ ang bride and groom…pero no sweat…artista din kasi siya at saka galing pa siguro sa overnight shooting and antok na para mag make fuss. Benefit of the doubt, lang.

  5. na paka tanga naman itong si babae nato wedding ang pupuntahan naka gown at naka tinnes shoes oy nag mukha kang addik at lasing sa sout mo.

    • pwedeng ayusin mo ung choice of words mo?

      saka pwedeng pa-double check dahil mali-mali ang spelling mo?

      para sa aking it’s a fashion statement..

  6. ANG LAKING TANGA PALA NI ANGELICA NOH!..NAKAGOWN PERO RUBBER SHOES …LOL..feeling ERAP o FPJ….Sabagay ganun naman kaya flip yan eh PINDEHO na sya ng syota nya …iniputan ka na sa ulo..ANG LAKING MONG TANGA angelica kabit ng mga BAKLANG executives ng ABS yan syota mo….tsk tsk…PaGIMIK GIMIK pa kayo..pwe para magrate yang show mo o ano ba yan…comedy show?….PWEE!!!bulok na kaekekan..bulok na style ng ABS…GAMITIN NAMAN NINYO KUKUTE NYO kung meron pang utak…matatanda na mga yan puro mga LASPAG na mga yan…patweetums pa..YUCKKKK!!!

  7. ikaw nga walang ginawa sa buong buhay mo kundi magsuot nang tsinelas! TANGA ka na, PANGIT ka pa! bwahahahahaha!

    • really? ive been living in north america for a long time and i’ve never seen someone look so sloppy in a wedding – unless that person is really drunk, high or simply disrespectful. but im giving this girl the benefit of the doubt since Camille Prats might’ve said it’s fine that her friend show up like that. ~shrugs~

    • that’s her own wedding! this one, she attended a friend’s. unless Camille gave her the approval to wear rubber shoes with her gown, that’s a total disrespect to your friend and the ocassion.

      • nung kinasal ako, it was in a church and reception sa hotel.. strictly formal ung wedding ko.. pero meron na pumunta na naka-casual attire.. do i mind it? nope.. kasi mas importante na pumunta sila on that special day.

      • attendee yes pwede pa lalo’t hindi lahat ng mga friends mo eh hindi naman alam ang salitang formal attire baka sa kanila formal na yun, but for someone who’s part of the entourage, that’s totally GROSS!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.