Angelica Panganiban, umaalma sa ‘panggagamit’ sa kanya!

AYAW PAAWAT talaga nitong si Angelica Pa- nganiban, huh?!

Kung noong nakaraang Sabado ay nagpasaring ito sa kanyang Twitter account tungkol sa delayed airing ng Banana Split, ngayon naman ay may bago na naman itong pinapatamaan.

“Pag d kasali sa movie… Wag idamay sa promo…. Simple lang naman yun…. D ko nakita ang name ko sa poster. So,, wala ako dun. “

Obviously, patungkol ito sa promo ng pelikulang Corazon: Ang Unang Aswang na pinagbibidahan ng dyowa niyang si Derek Ramsay at ang diumano’y nakaalitan noon ni Angelica na si Erich Gonzales.

Hindi naman maiwasan na magtanong ang press kina Erich at Derek tungkol sa naging problema nila noon. In fairness naman sa dalawang lead stars ng horror flick, pinipilit nilang sagutin ang mga maintrigang tanong ng press as safe as possible.

Ilang isyu na rin ang kinasangkutan ni Angelica dahil sa mga tweets niya. Well, effective naman dahil may exposure siya ngayon sa munting espasyo sa ating diyaryo! At least napapansin pa rin siya kahit walang pino-promote, ‘di ba? PAK!

 

Jake Cuenca, patuloy pa rin sa pagsubaybay kay Lovi Poe!

 

WALA NANG pelikulang dapat i-promote sina Jake Cuenca at Lovi Poe, pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang ‘special friendship’ sa likod ng camera.

Noong nakaraang Linggo ay muli na namang nagpakita ng magandang performance si Lovi sa programang Legacy. Kahit pa certified Kapamilya, walang kiyemeng nag-tweet si Jake Cuenca sa Kapuso actress ng: “@lovipoe caught legacy today great episode more power to you! :) #amazingactress congrats… :)”.

Marami ang kinilig sa Twitter at sinagot naman ito ni Lovi ng pasasalamat sabay lagay ng heart-shaped icon. Nag-umpisa man sa isang promo ng pelikula, mukha ngang nauwi sa totohanan ang dalawang ito! Kaloka!

Paul Jake Castillo, umamin na sa tunay na relasyon nila ni Melissa Ricks!

MUKHANG HANDANG-HANDA na muling magmahal si Melissa Ricks! Kung noong nakaraang taon ay heartbroken lady ang peg ng Walang Hanggan star, ngayon ay nakahanap na ito ng bagong potential boyfriend at ito ay walang iba kundi ang ex-PBB housemate na si Paul Jake Castillo.

Inamin ng binatang Cebuano sa isang episode ng KrisTV na nagde-date na sila ni Melissa simula noong Enero. Sa katunayan nga, silang dalawa ang magkasama noong Valentines Day! Hindi man kumportable na magkuwento tungkol sa kanyang personal life, nagbigay pa rin ng konting patikim si Paul Jake.

In fairness, bagay sila! Move on and you will find someone better, ‘ika nga.
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

11 thoughts on “Angelica Panganiban, umaalma sa ‘panggagamit’ sa kanya!

  1. ay nako kung nanood kau ng banana split nung nakaraang saturday binanggit pa ni angel na suportahan ang corazon na pinagbibidahan nila erich at derek!!so it means wala ng issue ok!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.