Angelica Panganiban, sinulit ang limang araw kasama ang Amerikanong ama

ISANG EARLY CHRISTMAS gift ang natanggap kamakailan ni Angelica Panganiban when she was finally reunited with her long-lost biological father, Mr. Mark Charlson, in LA. Sabi nga ni Angel, ito raw ang pinakapaborito niyang Pasko sa kanyang buhay. Nagkaroon ako ng isang mapusong interview with Angel sa The Buzz and she related to me her long and arduous journey toward finding her real father.

“After kong kausapin ‘yung mama ko, hindi siya sure kung ano talaga ‘yung name ng daddy ko. So ‘yung ibinigay niya po sa akin, walang first name, last name lang. Una kong pinuntahan ‘yung website ng US Navy and then nakita ko roon ‘yung pangalan niya. Pero walang phone number, walang kahit na ano. And nu’ng mga panahon po na ‘yun, wala akong plano na tawagan siya, makausap siya. Gusto ko lang makita ‘yung picture niya para lang mabuo ‘yung imagination ko.”

Pagpapatuloy niya, “Si-guro mga two weeks din, nahanap ko ‘yung isang fan page nu’ng ship na sinakyan nila. May isang tao du’n na nag-post na never daw niyang makakalimutan ‘yung experience niya noong Martial Law sa Philippines from 1984 to 1986. Ipinanganak po ako noong 1986. So nagbakasakali ako na baka kilala nga niya ‘yung Mr. Charlson na ‘yun. Nagpadala ako ng message sa kanya then sumagot naman siya. Tinanong ko kung may kilala siyang Mr. Charlson. Then sumagot siya. Sabi niya, ‘Yes, why?’ Noong nabasa ko palang yung ‘yes’ niya para akong nabunutan ng tinik. Hanggang after ng I think wala pang two weeks, nagkausap kami ng daddy ko.”

All these happened in March this year. Noong nakita pa lang daw ni Angel ang picture ng daddy niya ay nanginig na siya because she knew he is the father she was looking for. Naging mahirap noong una dahil para raw lulubog, lilitaw ang daddy niya. Dumating si Angel sa point na nagpadala siya ng message sa daddy niya telling him that she doesn’t need any support.

Hindi kayang tikisin ni Mr. Charlson si Angel kaya sinorpresa niya ito nang batiin niya ang anak noong nakaraang birthday nito. Nagpapasalamat si Angel sa kanyang kinagisnang pamilya dahil sa kanila nanggaling ang regalo. “Ang laking bagay na pinuntahan pa siya ng tita ko sa Iowa para lang makunan ng birthday greeting para sa akin. Nu’ng araw ng birthday ko, tinawagan niya ko. ‘Yun ang first time na nag-usap kami.”

Ang sarap daw ng pakiramdam na sa wakas ay nagkita na silang mag-ama at nagkasama ng five days. “Yun ang pinakamasayang five days ng buhay ko,” she said. Para raw magic at hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon. Her daddy learned that she is a famous actress in the Philippines at binigyan naman siya ni Angel ng mga DVDs ng movies niya. She also gave him her first best actress trophy from Star Awards.

Walang pagsidlan ang pasasalamat ni Angel sa kanyang pamilya. “Mahal na mahal ko po sila at kahit bali-baliktarin natin ang situwasyon, sila po ang pamilya ko. Sila lang.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.