Angelica Panganiban, secure na secure kay Derek Ramsay

SI DEREK RAMSAY ang nagsabing gusto niyang makilala nang personal ang tunay na ama ni Angelica Panganiban. “Sa phone pa lang kami nagkakausap, pero sana one day, magkita kami ng personal, sabi ni Derek sa amin. Idinagdag pa nitong wala siyang karapatang magsalita tungkol sa “tunay” na ina naman ni Angelica. “Kung me-ron mang dapat na magsalita tungkol du’n, si Angel… dahil personal na buhay niya iyon. Basta ako, nandito lang ako sa tabi niya.”

Last year sa Boracay inubos nina Angelica at Derek ang kanilang bakasyon. “Ngayon heto uli kami ni Angel back to work uli.”Pero hindi pa raw tiyak nang aktor kung tuloy na ang proyektong pagsasamahan nila nina Angelica at Gretchen Barretto. “May mga naririnig akong ganu’ng kuwento, pero wala pa talagang confirmation.”

Sa kabuuan, sinabi ni Derek na wala siyang nakikitang masama kung saka-ling makatrabaho niya sooner ang dating katipan na si Solenn Heussaff. “Last Christmas, nagkausap kami sa phone, at wala namang problema iyon kay Angel dahil hindi naman siya selosa. At alam niyang secure siya sa pagmamahal ko sa kanya.”

NASAAN NA SI Rene Imperial? Si Rene ay sumikat noong 80s at bigla na lang nawala nang ito ay masangkot sa malawakang eskandalo ng gambling, kung saan ay isang bukas na aklat kung paano niyang hinarap ang kabi-kabilang kaso na napagwagian niya at the end.

Isang simpleng tao na lang ngayon si Rene na nagmamay-ari ng isang bar sa Rizal. “Simple lang ang takbo ng buhay ko ngayon, masaya sa  piling ng aking mga anak at may maliit na negosyo,” sabi ni Rene nang puntahan namin siya sa Baras, Rizal.

Ayon kay Rene, miss na niya ang showbiz pero hindi raw siya nagmamadali na magkaroon ng proyekto. “Ako naman kasi, kahit hindi na bumalik, kuntento at masaya naman ako sa takbo ng aking buhay. Pero sabi ko nga sa iyo, Morly, matagal din ako sa industriya kaya siyempre hinahanap din ng katawan ko ‘yung pag-aartista.”

Sa ngayon, napatapos na ni Rene sa pag-aaral ang tatlo niyang anak. “’Yun ang sinikap ko Morly, gusto kong magkaroon sila ng magandang kapalaran. May isa akong anak na gustong mag-artista, ‘yung junior ko, kaya lang medyo mahiyain pa siya ngayon,” pagwawakas ni Rene sa Pinoy Parazzi.

MARAMI ANG NALOLOKA kay Charice dahil feeling nito ay isa na siyang malaking artista since nang makilala siya sa ibang bansa. Nagsipagtaasan ng kilay ang maraming kaibigan namin sa showbizlandia nang mag-one-liner ang ina at alalay ng singer na hindi siya puwedeng interbyuhin ng mga Pinoy.

Teka, at isa pang teka. Alam kaya ni Charice na Pinay siya? Nakakaloka ang babaeng pisngi na ito na kung umasta ay para namang hindi siya “kinaiinisan” ng pamilya ng kanyang ama.

Balita namin, mula noon hanggang nga-yon ay “deadma” kay Charice ang kamag-anak sa father side niya, na siyang unang tumulong sa kanya kung bakit naririyan siya ngayon sa kanyang kinalalagyan.

Teka uli. Kailan ba huling dinalaw ni Charice ang lola niyang si Lola Thess? Ewan lang, ha? Pero kung paniniwalaan ang balita, nangungupahan na lang daw uli ngayon si Nanay Thess sa isang maliit na bahay sa Laguna?

More Luck
by Morly Alinio

loading...

9 thoughts on “Angelica Panganiban, secure na secure kay Derek Ramsay

  1. KAWAWANG ANGELICA, ISA PALANG DAKILANG KABET NI GURANG NA SAKANG NA DEREK RAMSAY. SOBRA KCNG YABANG YAN TULOY NABULGAR NA KABET KA LNG NG LIVE IN PARTNER MO. C CHARICE NMAN FEELINGERANG SIKAT KUNO.UMAKYAT NA SA BUNGO NYA YUNG KONTING NATATAMASA NYANG KASIKATAN. TUMINGIN MUNA CYA SA SALAMIN NG MAKITA NYA YUNG MUKHA NYANG KORTENG SAPAD NA TAE. BWAHAHAHAHAHAHAHAHAH

  2. wii:) kinikilig naman ako kay Derek.. Sana naman ako na lang ang Angel nya :P hays, super hot derek!!!

  3. Charice has always shown her down to earth stature sa kabila ng suceess na meron xa ngayon.. She has people around her who manage her career so it's normal na may mga protocol xa sinusunod and not becauseayaw nya magpa interview. I like charice, she's very talented yet down to earth person:)

  4. KASI YUNG MGA REPORTER NA TULAD MO EH NAKAKATAKOT KATULAD KA NI LUCY FERMEAN ATTACK AND COLLECT DEPEND AND COLLECT KA KA!!!!! PERA MUNA BAGO WRITE UP NG MAGANDA AT KUNG WALA BIBIRAHINAT SISIRAAN NYO!!1 PAREHONG PAREHO KAYO NI LUCY FERMEAN PAG ALAM NA MAGAKAKPERA AT MAPAPAKINABANGAN ANK ANAKAN ANG TAWAG PAG WALA NA PIPITIKIN KUNO PERO YUNG PITIK AKALA MO ISINUMPA NA KUNG MAKAPANGLAIT… AT SA ITSURA AT MUKHA MO PALANG MUKHA KANG BALAHURANG REPORTER NA CHEAP! UTAK MO UTAK TALANGKA!!!! BUTI NGA HINDI KAYO NAKAKUHA NG INTERVIEW!!!! MGA EPAL AT MUKHA KASI KAYONG PERA!!!! GINAGAMIT NYO TRABAHO NYO PARA MAKAPANGHARBAT AT AMOT NG PERA! AT BAKIT NYA KAYO PAGBIBIGYANG INTERBYUHIN SYA EH NILALAITLAIT NYO SYA DATI AT MASASAMA ANG SINASABI NYO TUNGKOL SA KANYA AT SA INA NAY??? NGAYON AANAGL KAYO KUNG BAKIT AWAY NYA MAGPA INTERVIEW??? ANG BOBO MONG EPAL NA WRITER KA!!!!!! SABAGAY HINDI KA TAPOS NG JOURNALISM TAGA PALENGKE KA ALNG NAMAN DIBA????

  5. Ang mga writers na hindi napagbigyan ng artists, tingin ko mag sourgraping kaagad. I agree na ang pagsikat ng artists ay depende yon sometimes sa mga writers/reporters based on how they write the stories or how much they are paid kung baga?? Pero kung wala naman ang mga artists wala namang trabaho ang mga writers na ito kaya it is a two way relationship.

  6. Pingback: Tweets that mention Angelica Panganiban, secure na secure kay Derek Ramsay « Pinoy Parazzi -- Topsy.com

  7. ayan na naman, umiral na naman ang pagkakitid ng mga jutaks ng mga gugo writers na toh, pag mga hindi napagbigyan ng interview titirahin ang physical na anyo, kunsabagay kaya nga siya hindi pinapansin noon maging ninyong mga plastikadang tabloid writers kayo dahil sa hindi siya maganda, isa siyang bansot at hindi mestisa? tapos ngayong may isang Oprah na nagmalasakit at nagpapa ningning ng mga bituin niya tsaka kayo nagkukumahog pumapel? huwag niyong kwestyonin ang pagiging pinoy niya noh? ilang beses na siyang nagbibigay ng mga libreng concert tuwing umuuwi siya to make sure na masisiyahan ang mga kapwa pinoy niya na totoong sumusuporta sa kaniya, ngayon kung kayong mga tabloid writers lang naman ang mag eemotera diyan, labas na siya doon, syempre mas susundin niya ang UTOS ni OPRAH na siyang nagbigay ng chance sa kaniya kaysa sa inyong mga walang ginawa kundi manira ng mga artista, kaya lang kayo todo-puri pag may nalalahid kayong grasya.. naku hindi naman kayo kawalan sa kaniya kung tutuusin sumikat si charice hindi dahil sa pagsusulat niyo noh? tumigil nga kayong mga EPAL kayo!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.