Angelica Panganiban, raises eyebros on Derek-Anne issue

MAYROON DAW CHIKANG nililigawan ni Derek Ramsay si Anne Curtis. Medyo napataas nang bahagya ang kilay ni Angelica Panganiban. Wala raw siyang alam sa ganoong chika.

“Alam kong hindi totoo. Kung totoo, and so?” Sabi pa ni Angelica. “Hindi lang si Anne, kahit any other girl, ang iniisip ko na lang, kung totoo na may ganoon, it’s not my loss.”

Pati ‘yung sinasabi ni Derek na hindi siya ang marrying type, binibigyan ng maling palagay. Samantalang malinaw na kinlaro ni Derek na hindi man siya naniniwala sa marriage, kung ang babae ay mahal niya at gusto niyang pakasalan, by all means, gagawin niya. Hindi naman daw magiging problema ‘yun.

“Sinasabi ni Derek na gusto muna niyang magkaanak, pero hindi ‘yun ang gusto ko,” sabi ni Angelica. “Kaya sa point na ‘yan, alam kong ako ang masusunod.”

Kinonsidera rin pala si Derek para mag-endorse ng The Bar, ang alcoholic drink na ini-endorse ni Angelica, kasama si Jake Cuenca. Kaya lang, si Jake na nga ang napili para roon, at may iba na rin kasing ini-endorse na products si Derek.

Anyway, ang level ng ugnayan nina Derek at Angelica ay hindi naman kasama pati ang trabaho nila at ang mga karaketan na gaya ng endorsements. Kung paano nagsimula ang relasyon nina Derek at Angelica, ganoon pa rin sila hanggang ngayon.

Nilinaw ni Angelica na committed sila sa isa’t isa ni Derek, hindi nga lang sila kasal. ‘Yun ang malinaw na status ng kanilang relasyon.

Calm Ever
Archie de Calma

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.