Angelica Panganiban, natapilok dahil sa kaartehan – Morly Alinio

INAMIN NI ANGELICA Panganiban na maarte siya kung kaya nadisgrasya siya sa nakaraang taping ng bago niyang programang Rubi. Natapilok siya na siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos ang kanyang paglalakad.

“Luka-luka kasi ako at sobrang arte kaya hayun, hanggang ngayon masakit pa rin ang paa ko,” tsika ni Angelica na nagsabi ring hindi apektado ang kasintahan niyang si Derek Ramsey  dahil sanay na ito sa mga ganitong aksidente.

“Sabi niya sa akin, ngayon ay alam na niya ang nararamdaman ko ‘pag naaaksidente ako,” dagdag ni Angelica na umaming  habang tumatagal ay lalo siyang nakararamdam ng matinding pagmamahal para kay Derek.

UMIYAK NANG TODO si Vilma Santos sa burol ni Atty. Esperidion Laxa. Sinabi ng Star For All Seasons na kung wala sa kanyang tabi si Atty. Laxa noong mga panahong bagsak na bagsak ang kanyang financial status ay baka matagal na ring wala siya sa showbiz.

Ikinuwento ni Ate Vi na 21 siya noong nang dumaan siya sa matinding pagsubok, nagkabaun-baon siya sa utang at nailit ng bangko ang marami niyang ari-arian.

“Buti na lang at nandiyan si Atty. Laxa at siya ang naging ikalawang ama ko sa showbiz kaya ang laki-laki ng utang na loob ko sa kanya,” sabi ni Ate Vi.

Samantala, walang nakikitang masama si Ate Vi kung sinasabing hindi magandang comeback movie niya ang In My Life dahil mas napansin ang acting ni John Lloyd Cruz kaysa sa kanya.

“Wala sa akin iyon. Ang importante ay maganda ang pelikula at tinangkilik ng ating kababayan. Iyon lang ay masayang-masaya na ako. Saka si John Lloyd, anak ko na rin iyan dahil napakabait ng batang iyan.”

Excited din si Ate Vi kung sakaling matuloy ang pelikulang pagsasamahan nila nina Edu Manzano at Luis Manzano.

“Dapat ay kasama namin dito sa In My Life si Eduardo, pero sabi ng Star Cinema ay sayang naman ang pagkakataon kaya open ako kung sakaling magkaroon kaming tatlo ng movie.”

HINDI MAGPAPATALBOG ANG sa isa’t isa sina Maja Salvador, Erich Gonzales at Kim Chiu.

Unang nakipaglaplapan si Erich sa kanyang mga leading men sa Katorse at sinundan ito ni Kim Chui nang kunan ang kissing scenes nila ni Gerald Anderson para sa last episode ng Tayong Dalawa.

“Mga three minutes ang kissing scene namin at may background music pa habang kinukunan iyon,” kuwento ni Kim na naka-nighties lang nang kunan ang nasabing eksena. “Nakakailang pero ginawa ko kasi alam kong iyon ang makagaganda ng istorya.”

Samantala, tuloy na tuloy na ang pelikulang pagsasamahan nina Gerard Anderson at Sarah Geronimo. Okay lang kay Kim kung ipareha si Gerard sa ibang artista dahil maging siya man ay nakatakda na ring itambal sa ibang leading man.

Sinabi ni Joem Bascon na mahal na mahal niya si Meryll Soriano at handa niya itong pakasalan any time.

“Walang problema sa akin kung anuman ang nakaraan dahil ang importante ay nagmamahalan kami,” tsika ni Joem na nagsabing willing siyang maging instant daddy ng anak ni Meryll.

Inamin ni Joem na nagkausap na sila ni Willie Reilame at wala namang naging problema sa kanilang pagkikita dahil hindi naman daw sila nagkuwentuhan ng matagal.

“Sa pagkakaalam ko ay parang tinanguan lang niya ako at sinabi niyang, ‘Kumusta?’ Ganu’n lang.

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5296 stories on this site.

loading...

One thought on “Angelica Panganiban, natapilok dahil sa kaartehan – Morly Alinio

Leave a Reply

Your email address will not be published.