Angelica Panganiban, nasisira ang relasyon dahil sa isyu ng kasal?

Angelica Panganiban, nasisira ang relasyon dahil sa isyu ng kasal?Sabi nila, kapag nabuburyong ang isang babae dahil sa kanyang lovelife, kadalasan, nagbabago siya ng hairstyle. Kung hindi magpapakulot, magpapagupit ito sa hairstyle na hindi pangkaraniwan.

Parang si Angelica Panganiban, na recently sa isang Instagram posting niya, super ikli ng bagong hairstyle ng aktres. Pero sexy, huh!

Kaya nga nang magbakasyon recently si Angelica Panganiban sa Bali (Indonesia) with her friends at kabilang ang kanyang “BFF” na si Jai Ho aka ang manghuhula na si Coring ng teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo” and at the same time ay showbiz reporter ng MOR 101. 9, bonggang-bonggang Madam Claudia ang bumulaga sa IG ng aktres.

Bago ang hairstyle ng Angelica. Very short, very sexy, at daring. May itinatawid na mensahe.

Sa isang IG posting niya ay super sexy si Angelica na sakay ng isang motorbike na ang suot pang-itaas ay sexy strapless na black tube top na kita ang kanyang seksing likuran at mga braso.

Mula nang mag-split sila ng boyfriend na si John Lloyd Cruz, hindi pa nagsasalita ang aktres at nabibigay ng kanyang side tungkol sa hiwalayan. Even ang boyfriend niyang si Lloydie, wala pa ring paliwanag kung ano ang dahilan ng hiwalayan nilang dalawa.

Pero may nakapagbulong sa amin, sa mga relasyon ni Angelica tulad ng sa kanila ni Derek Ramsay noon, ang isyung kasal ang tunay na dahilan.

Kaya nag-split sila ni Derek ay sa dahilang hindi puwedeng pakasalan nito ang aktres at inilihim nito na nakasal na pala ito in the past sa nanay ng anak ni Derek.

Ang kuwento na nasagap namin, kaya nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ni Lloydie ay same issue rin (tulad ng kay Derek) na gusto ni Angelica na lumagay na sa tahimik, pero si John Lloyd, wala pa sa priority niya ang kasal and he is still enjoying na paganu-ganun lang ang sa kanila ng girlfriend.

Kung ikaw ang babae, iisipin mo rin ang future mo. Gusto mo rin na habang maaga pa ay hindi ka magkakaproblema sa pagbubuntis mo kung sakali, lalo pa’t hindi na naman bata si Angelica.

Assessment nga ng kausapan namin, after Derek and now comes Lloydie, si Angelica ang naiwanan at ang kawawa. “After two failed relationships na akala natin ay mauuwi na sa kasalan, sino ang talo? Siyempre ang babae. Sa tagal ng paghihintay ni Angelica na makasal siya, bumababa ang market value niya. Tumatanda na siya, na ang goals niya na maging wife and mother ay nalalagay sa alanganin,” paiwanag ng kausap namin.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleJose Manalo, pinag-init ang ulo ng netizens dahil sa joke sa patay
Next articleLiza Soberano, may mga offer para mag-model sa ibang bansa

No posts to display