Angelica Panganiban, nalusutan ni Erich Gonzales kay Derek Ramsay?!

HOW TRUE ANG chikang nasagap namin na minsan na umanong naimbitahan noon ng isa sa in-demand leading men ngayon na si Derek Ramsay ang young actress na si Erich Gonzales sa isang get together with his friends, but without his girlfriend Angelica Panganiban?

Ayon sa aming source, nagustuhan pa raw ng mga kaibigan ni Derek kung paano makisama si Erich sa kanila.

Kung totoo man ito, bakit wala si Angelica? Alam kaya ng aktres ang paglabas diumano ng boyfriend n’ya at mga kaibigan nito kasama si Erich? O baka naman may blessing ni Angelica ang paglabas nila at busy lang ang aktres, kaya hindi ito nakasama.

CERTIFIED KAPAMILYA NA nga ang baguhang young actor na si Benjamin de Guzman (dating JR de Guzman). Si Benjamin daw ang latest addition sa boy group na Gigger Boys composed of Enchong Dee, Robi Domingo, Sam Concepcion, Arron Villaflor, Dino Imperial, and AJ Perez.

Sa kaguwapuhan at talent, hindi rin naman talaga pahuhuli si Benjamin. Bukod sa mga TV commercials at print ads, sa GMA-7 unang napanood si JR, hanggang sa lumipat ito sa TV5 at napasama sa Sunday noontime variety/ game show na PO5.

At ngayon nga, mapapanood na raw natin si Benjamin sa ABS-CBN, sa ASAP XV every Sunday at sa bagong youth-oriented show na Shout Out na parang That’s Entertainment yata ang tema, mula Lunes hanggang Biyernes.

Makakasama ni Benjamin sa Shout Out sina Enchong Dee, Erich Gonzales, Empress Schuck, Sam Concepcion, Robi Domingo, Arron Villaflor, Enrique Gil at iba pang teen stars ngayon ng Dos na ang iba ay galing sa Pinoy Big Brother (PBB) Teen edition.

NAGULAT SI EJAY Falcon sa balitang may crush sa kanya si Kylie Padilla, kapatid ng kanyang ka-loveteam ngayon na si Queenie Padilla.

Napangiti lang si Ejay nang marinig ulit ang chikang ito. Pareho naman daw maganda ang magkapatid, pero nakakahiya naman daw dahil magka-loveteam nga sila ni Queenie.

Minsan na naming nakita sina Ejay at Queenie na magkasamang namamasyal sa Eastwood Mall kasama ang isang kaibigan nila.

Kasama ang dalawa sa pelikula nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez na kinunan pa sa India. Leading man daw ang tawag ng action superstar kay Ejay simula nang dumating ito sa India, dahil s’ya nga ang kapareha ng anak ng una na si Queenie.

HANGGANG NGAYON AY wala pa ring nanalo sa 6/55 Grand Lotto jackpot. Kaya naman tuloy pa rin ang pagtaya ng maraming tao maging ng ibang kilalang personalidad gaya nina Angel Locsin, Paul Cabral, Andrea Bautista-Ynares, Atom Araullo at Valerie Concepcion.

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Show biz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log onto www.DWIZ882.com. Maraming salamat po!

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

6 thoughts on “Angelica Panganiban, nalusutan ni Erich Gonzales kay Derek Ramsay?!

  1. nakita namin si Ejay at si Melissa Ricks na may kasamang bakla (siguro chaperone) last friday night sa eastwood!! Sila ata ang nagdedate eh

Leave a Reply

Your email address will not be published.