Angelica Panganiban, nakita na ang tunay na ama!

MASAYA AT KUNTENTO na sa kanyang buhay si Amanda Amores, kung saan ay nakapag-asawa ito ng businessman na malapit na kamag anak ni Mother Lily Monteverde. Ayon kay Amanda, wala na raw siyang balak pang bumalik sa showbiz world, pero hindi niya itinatangging nami-miss niya ang ingay ng showbizlandia.

“Nakaka-miss din siyempre, pero mas kuntento at masaya na ako sa pribadong buhay ko ngayon.” Pahayag ni Amanda na sinabi pa sa Pinoy Parazzi na kung anuman ang mga ginawa niya noon sa pelikula, matagal na niyang tinalikuran,

“Isang bagong Amanda na ako ngayon at nagpapasalamat ako dahil may isang lalaking nagmahal at nakaunawa sa aking kalagayan.”

Bilang ganti naman, sinusuklian daw ng dating aktres ng tapat na pagmamahal ang mga bagay na ibinigay at patuloy niyang natatanggap sa asawang Intsik.
Bukod kay Amanda, si Sabrina M din ay masaya na sa pribado nitong buhay ngayon, kung saan may tatlong anak siya sa isang taga-Customs.

“Gusto kong mag-artista, pero hindi pa ngayon dahil maliliit pa ang mga anak ko,” sabi ni Sabrina na ngayon ay nakatira sa isang subdivision sa Quezon City.
Sinabi ni Sabrina na kung siya ay babalik sa showbiz, hindi na siya magpapa-sexy. Mas gusto raw niyang maging character actress na lang.

“Kahit nanay okey lang sa akin, basta okey ang role.”
Sa kabuuan, sina Amanda at Sabrina M ay mga sexy actresses na gumawa ng pangalan sa showbizlandia noong panahon ng kanilang kasikatan, at ngayon ay may kanya-kanya nang buhay at maligaya sa mundong kanilang ginagalawan.

ANYTIME, IIWAN NA ni Rosanna Roces ang kanyang bahay sa Commonwealth, Quezon City dahil ang tsika ay naibenta na ito ng dating sexy actress. Hindi ganu’n kakumpirmado, pero kung paniniwalaan ang balita, kinakapos daw ngayon si Osang sa pang-araw-araw na pangangailangan, kung kaya’t kinailangan nitong magbenta ng mga ari-arian.
Sa kabilang banda, kumpirmadong hiwalay na si Osang sa dati niyang boyfriend na isang abogado at ang dahilan ay hindi kinaya ng dating sexy actress ang pagiging lasenggero ng live-in partner.
Samantala, pagkahiwaly na pagkahiwalay ni Osang sa isang abogado, agad siyang nakakuha ng mas bata at mas guwapong Papa, kung saan ayon sa aming soucre ay ito na raw ang bagong live-in parter ng aktres.

AT LONG LAST, nakita at nayakap na ni Angelica Panganiban ang tunay niyang ama, kung saan ay maluha-luha ang aktres na nagkuwento.

Ayon kay Angelica, noong bata siya ay inisip daw niyang totoo ang balita na siya ay isang ampon lang. Pero nang ipagtapat sa kanya ng ina na siya ay half-American, iba’t ibang emosyon ang kanyang naramdaman.
Matagal daw na kinimkim ni Angelica ang saloobin tungkol sa tunay niyang pagkatao, hanggang sa dumating ang pagkakataon na kaya na niyang harapin ang situwayon at nagdesisyon nga siyang makipagkita sa tunay na ama.
Walang kahulilip na kaligayahan ang naramdaman ni Angelica at sinabi niyang kumpleto na raw ang pagkatao niya ngayon, dahil at long last ay nakilala at nakayakap niya ang ama na matagal din niyang kinasabikan.
Kung meron mang isang tao na masaya sa pagkikita nina Angelica at ng kanyang ama, si Derek Ramsay iyon na walang ibang hangad kundi ang mabigyan ng masayang buhay ang kasintahan.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

7 thoughts on “Angelica Panganiban, nakita na ang tunay na ama!

  1. naiyak din ako nung nawatch q ang the buzz,cguro ang su2nod ay kasal n nila ni derek hehe tmang tma yng biological father ni angel maghatid s altar di ba? Bongga!

  2. ♪♪′ KAYA PALA IBA ANG BEAUTY NI ANGEL ,IBA TALA PAG HALF ANG BEAUTY...(*^_^*)ANG CUTE,CUTE…(・ω・)”hermoso”

  3. Naiyak ako sa The Buzz kanina, i like Angel maski ano pa ang sasabihin sa iba about her. I think she is very pretty, maski walang make up, baby face.

Leave a Reply

Your email address will not be published.