Angelica Panganiban, nagwala sa airport?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Yes na yes…! Mapapa-yes ka kaya sa mga ichi-chika ko o mapapa-no ka?

Windang na windang kasi talaga ako at lokang-loka ako nang makita ko itong picture ni Piolo Pascual na kumakalat sa internet. Naku at may ganitong eksena na kinokoronahan pa ni BB Gandanghari!

Dapat bigyan na ng aksyon ni Piolo ang bantang siya ay isang bakla, dahil hindi na nakakatuwa ang mga kumakalat na intriga sa kanya.

Kaya kung ako kay Papa Piolo, hindi ko na hahayaang humantong pa sa mga ganitong eksena, dahil hindi na tama at hindi ako natutuwa, dahil isa rin akong bakla.

Kung ako sa mga haters ni Piolo, respetuhin naman natin ang pakabading niya, kung totoo itey, dahil naging maganda naman ang mga eksena niya sa showbiz industry, ‘di ba? Hahaha!

Basta ayan ang chikka ko at naloka talaga ako. At hanggang ngayon, habang isinusulat ko ito ay hindi pa rin ako maka-move on.

AT HETO pa ang isa sa mga chikang bonggang-bonggang eksena na nagwala raw itong si Angelica Panganiban sa airport dahil sa kanyang dalawang Hermes bag na bigay raw sa kanya, at hinihingan ito ng tax!

Nakakaloka! Hindi na ako magtataka kung bakit naging ganyan ang attitude niya dahil naging classmate ito ng anak ko, at sobra-sobra pa ang attitude niyan sa school.

At hindi lang ‘yun, napaka-bobita raw niya, kaya hindi na ako magtataka na hindi niya talaga alam ang rules and regulations sa airport.

Kung ako sa kanya, ang ginawa na lang niya ay nagbayad na lang ako at umalis after. Kung may pambayad naman, ‘di ba? Kesa magwawala pa ako sa isang public place. Hahaha!

Nakakawindang ang Monday ko, kaya don’t make ur Monday a blue Monday. Pak!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleAnne Curtis, Tuloy na ang concert sa Big Dome!
Next articleJohn Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, kumpirmadong nagkabalikan na!

No posts to display