Angelica Panganiban, nag-walkout sa isang commercial shoot?!

TOTOO BANG nagbakasyon sa Europe na mag-isa itong si Sarah Geronimo?

Ito raw bale ang Christmas gift niya para sa kanyang sarili dahil super work naman siya the whole year. Pero ang hiling niya, siya lamang ang magbabakasyon at walang kasamang pamilya.

Teka, hindi ba kasama ni Sarah ang kanyang mother dear na si Divine? Kung hindi, aba, parang nakawala siya sa kuwadra kung gano’n.

Actually, parang kasama ni Sarah si KC Concepcion sa kanyang bakasyon grande. Mine-mention kasi ni KC sa kanyang Instagram photos ang SG which is of course Sarah’s initials. May kuha kasing view sa hotel room nila.

We heard na naiinggit si Sarah sa kanyang ate dahil may boyfriend na ito samantalang siya ay zero pa rin ang love life.

Imagine nga naman, siya ang nagtatrabaho, ang kayod-kabayo samantalang ang kapatid niya ay nakikipagrelasyon na.

 

JESSICA SANCHEZ will have a Valentine  concert next year and this early ay parang pinagsasabong na sila ni Charice.

Iniintriga ang pananahimik ng kampo ni Charice ngayon. Tila wala kasing kabala-balita kung ano ang kanyang gagawing projects next year. Of course, inaabangan din kung manonood ba siya sa concert ni Jessica o kung narito ba siya sa bansa sa oras ng show nito. Puwede rin naman kasing umiwas si Charice na maintriga by not watching Jessica’s concert.

Nakatakda ang Valentine concert ni Jessica kasama ang American Idol finalist na si Colton Dixon February 14 next year sa Araneta Coliseum.

 

TRUE BANG naimbiyerna si Angelica Panganiban sa director ng kanyang commercial?

Super pagod daw ang inabot ni Angelica when the director asked her to do multiple retakes of one scene.

Talaga raw nawala na ang pasensiya ng aktres at bigla na lang daw itong nag-cut at nagtaray. Imagine nga naman, it took her 25 takes dahil perfectionist yata ang director. Pero ganoon naman talaga sa mundo ng commercial, paulit-ulit ang shot ng isang eksena.

But Angelica was pissed off. Naglitanya raw ito na she started in the business as a young actress at parang unfair naman sa kanya na gawin niyang paulit-ulit ang eksena.

Ayun, sa sobrang galit daw ni Angelica ay nag-walkout na lang ito.

True ba ito, Angelica? Pakisagot nga!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

11 thoughts on “Angelica Panganiban, nag-walkout sa isang commercial shoot?!

  1. iloveAngelicaPanganiban… alam kong professional na artista si Angelica, kaya sguro ang problema nasa direktor. baka naman bini bwesit nya si Angelica sa mga gusto nya. ang galing kayang artista ni Angelica kaya nakapagtataka if aabot sila nang 25 takes… grabi naman ka perfectionist ang direktor… kung gusto nya siya na lang ang pumalit kay Angelica… zehahaha…

  2. sana yang mga ganyang balita na nagbakasyon mag isa si sarah ay di na binabalita kasi wala na tayongpakialam kung gusto nya na magbakasyong magisa dahil pera naman niya ang ginagastos nya ang dami tuloy nag cocoment ng masasama at may mga mura pa . Itong reporter na ito basta makapagsulat lang eh napapasama tuloy si Sarah sa mga comment ng iba. Sana wag mo ng pakialaman ang personal na buhay ng tao.

    • o sheena sinong laos!  kaya pala  nandito kanaman kasi   nabangit ung name ni sarah!  natataw na lang ako sa katangahan mo day!

  3. Naku kapag kumalat sa mundo ng Advertising Agencies ang ganyang attititude ng isang talent tiyak wala ka ng susunod na endoresements. Its the same thing in the Fashion World kapag natsismis ng mga baklitang modista na maarte ang isang model “ay day”, say goodbye sa career!

      • S tagal n ni Angelica s pgmomodel for commercial eh kilala n xa ng mga advertisers kya nga xa kinukuha eh kc walang arte yan at marunong makisama never pxa nging pasaway kya bka un direktor ang wala ng kumuhang advertiser for them kc maaksaya sa oras at budget ng prod cost ng advertisement.

Leave a Reply

Your email address will not be published.