ANGELICA PANGANIBAN, NA-BAD TRIP SA ISANG CONDO!

NAGTATALAK SI ANGELICA Panganiban sa Twitter kamakailan. Nawala kasi ang driver’s license niya. “Disappointed with the security of serendra condominium palm tower. Nagpaiwan sila ng license sa ‘kin. Then nu’ng kukunin ko na, nawawala na,” tweet ni Angelica.

Ang ikinagalit ng aktres, ninakaw ang kanyang lisensiya. “Inamin ng head security na ninakaw ‘yung lisensya ko. Kasi daw expired na. Kailangan ko magpa-renew ng lisensya today,” sunod niyang tweet.

Nag-apologize naman daw ang security sa kanya. “We apologize na lang ang narinig ko. Eh, yung hassle na dulot nila sakin? Ibabalik naman daw ang license ko. Di na din ako aabot sa LTO.”

Sa galit ng aktres ay ito ang kanyang nasabi: “Lugar ng mayayaman ang serendra diba? Bakit may magnanakaw? Pati lisensya nanakawin.Baka wala ng mag invest sa inyo kung ganyan security nyo.”

Sumumpa ang aktres na hinding-hindi na uli siya babalik sa nasabing condo. “Lesson learned… Wag ng babalik sa palm tower serendra. Sirang sira na kayo sakin. Salamat sa hassle serendra!! Salamat din sa gastos. Salamat din sa offer na tulong. (wala naman)”

BONGGA SI JERICHO Rosales dahil bidang-bida siya sa isang international movie entitled Subject: I Love You. Ito ang unang international film ni Echo. Kuwento ito ng isang Pilipino na magaling sa computer na sinasabing responsible sa pagkalat ng “I love you” virus noong 2002.

“Nag-audition ako nu’ng Valentine’s Day. Kabadong kabado pa ako. I went there, nag-throw lines kami and then I got the part,” sabi ng dramatic actor.

Makakasama ni Echo ang mga kilalang celebrities sa Hollywood tulad nina Dean Cain, Dante Basco at Briana Evigan ng pelikulang Step Up. Kasama rin sa cast sina Gary Valenciano and Joel Torre.

Samantala, sinagot na rin ni Echo ang tsismis sa kanila ni Alessandra de Rossi.

“That’s very funny, dahil nu’ng araw na ‘yon na nasa presscon kami, I was joking. Lahat naman kami doon alam ‘yon, alam ‘yon, nakita ‘yon. But what they showed on The Buzz was that part where I said ‘I love Alessandra’ and it looked so serious, so sabi ko. Ay, naku! Barkada kami ni Alex. Binasted na niya ako. Pero I love you pa rin Alex,” patawang paliwanag ng actor sa isang interview.

NAGKASAMA PALA SA Bangkok, Thailand recently sina Rhian Ramos at DJ Mo Twister. Nagbakasyon ng ilang araw si DJ, at siyempre, hindi mawawala si Rhian sa kanyang tabi. Nang may mag-inquire sa GMA Artist Center para kay Rhian ay sinabihan ang nag-i-inquire na hindi puwedeng mag-guest sa isang programa ang dalaga dahil nasa Bangkok ito kasama ang kanyang ama.

Eh, that time ay nasa Bangkok din si DJ kaya naman nag-one-plus-one ang nag-inquire na magkasama nga ang magdyowa. Talagang hibang na hibang itong si Rhian kay DJ Mo. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig.


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

5 thoughts on “ANGELICA PANGANIBAN, NA-BAD TRIP SA ISANG CONDO!

  1. hay nako,,,bukod sa training ang mas kelangan ng MGA PULIS,,SECURITY GUEARD sa pinas,,kelangan din nila ng decency at proffesionalism,,yun lang!dapat tutukan ni PNOY mga iyan,,kakatakot,,,diba,,walang safety at security,,,ang bobobo nila,,tanga pa,,,kakainis nga naman,,,

    ito na nga ang ikinasira ni RHIAN RAMOS sa kanyang career gaya ng nangyari kay JNET MCBRIDE noon,,unti unti ng lalamunin ng kawalan si rhian nito,,lao na sira at nega ang image nitong si mo sa tao,,wish u luck at sana virgin kapa at di ka mabuntis jan,,wahahahahhahkalandian nila,,isama pa si SHAINA,,LOVEI POE,,,yuck,

  2. Ang dapat gawin ni Angelica ang magtanong sa lawyer kung ano ang right nya doon na puwede nyang makuha dahil sa kamalian ng mga guwardyang yan. She should bring a complain to the Serendra Condominium Palm Tower kasi ang kamalian sa mga empleyado nila is their responsibility.

  3. Pingback: ANGELICA PANGANIBAN, NA-BAD TRIP SA ISANG CONDO! | Spinner News

Leave a Reply

Your email address will not be published.