Angelica Panganiban, malabong pumunta sa kasal ni Melai Cantiveros

Angelica-Panganiban-Melai-CantiverosNAKAUSAP NAMIN sa nakaraang 27th Star Awards for TV si Angelica Panganiban bago pa man tanghaling as Best Gag Show ang Banana Split Extra Scoop ka-tie ang Bubble Gang. Hiningan namin siya ng reaksyon sa naging pahayag ni Melai Contiveros sa guesting nito sa Buzz ng Bayan na medyo masama ang loob niya sa kaibigan at sana ay naiintindihan nito ang sitwasyon niya.

Kung matatandaan, si Angelica ang unang pinaalaman ni Melai ng kanyang pagbubuntis, kung saan sa mga naging interview kay Angel ay nabanggit nito na nag-aalala siya na baka hindi kayanin, lalo na ni Jason, ang responsiblidad na papasukin ng mga ito bilang mga magulang. Ikinasama ng aktor ang naging pahayag na ito ni Angelica dahil pakiramdam daw niya ay minamaliit ang kakayahan niya bilang isang lalaki at bilang isang ama.

Ayon kay Angelica, ‘di niya napanood ang nasabing interview ni Melai, pero naiintindihan niya ang kaibigan. Umiwas na ring magbigay ng dagdag na pahayag ang aktres dahil para sa kanya, hindi nasira ang naging pagkakaibigan niya kay Melai at kung may isyu siya rito, diretso niya itong ipararating at hindi sa harap ng kamera. Kung magkikita man, sinigurado naman ni Angelica na magha-‘hi’ siya dahil hindi na naman sila mga bata para mag-iwasan.

Nang tanungin naman kung dadalo ba siya sa kasal ng kaibigan kung saka-sakaling magpahabol ito ng imbitasyon sa kanya, ipinaliwanag ng aktres na kung si Melai ay walang problema sa kanya. Pero dahil sa sitwasyon na may ‘di pagkakaintindihan sila ni Jason, mukhang malabo itong mangyari.

Melai-Cantiveros-Angelica-PanganibanSinagot ang ilan sa mga puna ng marami nang hindi mapasama ang pangalan ni Melai sa mga tinag niya para batiin sa pagkapanalao ng Banana Split, binigyang-linaw ni Angelica na matagal nang hindi lumalabas sa kanila si Melai at sanay ay ‘wag silang pagsabunging dahil mahal na mahal niya ito bilang kaibigan.

 

BILANG BAGONG Korean Tourism Ambassador dito sa Pilipinas, ang kasikatan ni Jessy Mendiola, ang magandang imahe nito at ang pagkakaroon ng maraming tagahanga at followers sa social media ang rason kung bakit siya ang napili ng Korea bilang bagong ambasaddress nito.

Sa nasabing presscon, nahingan namin ng reaksyon ang aktres kung gaano katotoo na nasabi niya lamang daw si Sam Milby sa mga nanliligaw sa kanya dahil hinahangaan niya ang pagiging vocal nito sa nararamdaman sa kanya.

Ayon sa aktres, baka na-misinterpret lang siya sa kanyang interview, pero ‘di niya itatago na bilib naman talaga siya sa mga lalaking proud na sabihin ang damdamin sa kanya sa publiko.

Tinanong namin na baka sila na ni Sam, pero tulad ng nangyari kay JM de Guzman na inamin lang niya noong break na sila ay aaminin na lang niya ang tungkol sa kanila ni Sam ‘pag nagkahiwalay na rin sila. Ipinaliwang naman ng aktres na iba ang sitwasyon nila noon ni JM dahil may mga tao siyang pinoprotektahan. Pero ngayon ‘pag pumasok siya sa panibagong pakikipagrelasyon, hindi niya na ito itatago.

Consitent pa rin sa pagsasabing hindi pa siyang handang pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon sa ngayon, pokus sa kanyang career si Jessy, kung saan isa siya sa pinu-push talaga ng ABS-CBN.

Masaya at excited rin na makakapareha si John Lloyd Cruz sa pelikulang pagsasamahan nila nila Richard Gomez at Gretchen Barretto, kung saan hanga siya sa galing umarte ng aktor. Siniguro lang na purong propesyonal lang kung anuman ang magiging relasyon nila ng aktor ngayong magkasama sila sa iisang pelikula. Alam kung gaano katatag ang relasyong John Lloyd-Angelica at nagsalita si Jessy na hindi niya gawaing manira ng kahit na kaninong relasyon.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

5 thoughts on “Angelica Panganiban, malabong pumunta sa kasal ni Melai Cantiveros

  1. TINGIN KO MALAPIT NA MAGHIWALAY SILA JLC AT ANGELICA DAHIL HALOS WALA NA SIALNG PIC SA IG NI ANGELICA AT WALA RIN SA BDAY CELEB NYA AT NI HINDI RIN NABANGGIT ANG NAME NI JLC! HALATANG ME PINAGDARAANAN SI ANGELICA SA MGA MENSAHE NYA KAGABI SA BANANA SPLIT! MUKHANG SLIPT NA RIN ATA SILA NI JLC O NAGKAKALABUAN NA

  2. Oa lng Yang goons na jason at pang it na melai nyn..e bkit k Kris di clas nagalet emas nauna ngsabi na ng-aalala dawza k melai dhil nabuntis e bred winner pa nman,..class nanga inaalala cla pa ngmamalake..lalu nyng panget na melai nyn nkitira pa dti k ap yn..

  3. Bakit cno ba cya,nagmamagaling kc.indi namn cya importante sa kasal nila…bka mas masaya pa nga c Melai sa inyo ngaun,komo me pera kayo ni Kris pede nyo na laitin yung tao..ay kungbtunay kau kaibigan tulungan nyo nlng.

  4. di ba si dawn zulueta dapat ang kasama sa pelikulang yan? bakit si gretchen??? naku magiging flop yan dahil mahahawaan ng kanegahan ni la greta hahaha

  5. Pingback: Angelica Panganiban, malabong pumunta sa kasal ni Melai CantiverosLatest Showbiz Scandal | Latest Showbiz Scandal

Leave a Reply

Your email address will not be published.