Angelica Panganiban, madalas mahulog sa kama ni Derek Ramsay!

PINAGHAHANDAAN NA NI Derek Ramsay ang tour nila ng girlfriend niya na si Angelica Panganiban sa South Africa next year. Manonood si Derek for the first time ng World Cup with Angelica.

“We’re planning to stay there for more than a month. We’re planning to work there. Ah, ayaw naming magdala ng maraming masyadong pera. Gusto namin doon kami magtatrabaho para ‘yun ang gagastusin namin doon,” kuwento ni Derek sa presscon ng The Wedding na magsisimula na ngayong sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

“Pwede namang pumasok ka sa magagandang hotel. Pero ang gusto naming gawin, talagang adventure. Kasi marami kami, mga 15 kami. So, if we work on a farm or something, p’wede,” kuwento pa ni Derek

Kasama nila ni Angelica ang mga Frisbee friends ni Derek. Once in lifetime chance talaga ito para kay Derek. Dream daw talaga niya kasi to be a soccer player.

“Maghuhubad talaga ako roon. Magba-body paint ako. I’m gonna be going crazy. I’m very passionate about this. Na-experience na rin ni Angel ‘yun with my other sports na kapag natatalo, umiiyak ako, hagulgol talaga. Dressed up in my countries colors. Sayang wala roon ang Pilipinas. Kasi kung ‘andu’n ang Pilipinas  susuportahan ko rin sila pero, it’s not a priority. It’s not a main sport here in the Philippines.”

Samantala, gawa na ang bahay ni Derek sa Parañaque. Kapitbahay niya ang leading lady niya sa The Wedding na si Anne Curtis. Nakakasabay ni Drek si Anne na mag-jogging. Alam daw ito ni Angelica dahil kasama rin siya nina Derek at Anne na nagdyo-jogging. May balita nga kasi na nagli-live in na raw sina Derek at Angelica. Sa isang interview, ikinuwento pa ni Angelica na madalas siyang mahulog sa kama sa bahay ni Derek.

GAYA NG NAISULAT namin sa Pinoy Parazzi, hindi pumunta ng ibang bansa ang controversial Star Magic talent na si Maricar Reyes. Nagdadalawang-isip pa rin daw noon ang Star Magic talent kung lilitaw na ba siya in public or mananatili na lamang nakakulong sa kanyang kuwarto at tahanan.

Pero pagkatapos makatanggap ng mga magagandang payo sa kinauukulan, she finally decided na rumampa na rin sa special segment ng ASAP ‘09 para sa anniversary ng Star Magic.

Kaya naman todo-todo ang suporta ng Kapamilya network kay Maricar. Sa kabila ng kontrobersiya sa buhay, hindi siya pinabayaan ng ABS-CBN at Star Magic. Nanahimik lang ang kampo ni Maricar sa gitna ng kontrobersiya. Nirepesto naman ng ABS-CBN ang desisyon ng pamilya ni Maricar na mananatiling tahimik at hindi nagsasalita.

Bilang patunay ng pagmamahal sa kanya ng ABS-CBN, dalawang TV projects ang ibinigay nila kay Maricar. Unang napanood si Maricar sa I Love Betty  La Fea bilang si Candy, ang ex-girlfriend ni Armando na ginampanan ni John Lloyd Cruz.

Ngayon, special guest si Maricar sa number one primetime teleserye na May Bukas Pa bilang taong-grasa. At sa Linggo, July 5, isa siya sa mga bida kasama sina Jodi Sta. Maria at Sid Lucero sa bagong episode ng Your Song Presents: Gaano Kita Kamahal sa direksyon ni Erick Salud.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.