Angelica Panganiban, lead for new teleserye ‘Bandida’

Mere or Less
by Nitz Miralles

MUKHANG MALALIM ANG pinag-awayan nina Jean Garcia at Polo Ravales dahil kung kumustahin sa actress ang ex sa presscon ng All About Eve ng GMA-7, malutong na “He doesn’t exist” ang sagot ng actress at sinundan ng tawa. Pagkatapos noon, nag-request na ‘wag nang pag-usapan ang actor.

On the other hand, hindi galit si Jean kay Mart Escudero, ex-boyfriend ng anak niyang si Jennica Garcia kahit sinasabing kaya nakipag-break dito ang anak ay dahil sa babae. Never daw siyang nakialam sa problema ng mga bagets at wala siyang karapatang magalit sa young actor. In fact, nagbabatian sila tuwing nagkikita.

Samantala, mag-ina ang role nina Jean at Sunshine Dizon sa AAE na sabi ng press, ang ex at present girlfriend ni Jojo Manlongat. Walang isyu sa dalawang babae’t sabi ng una, friend lang niya ang lalaki at ayaw rin siyang pag-usapan ng huli’t matagal nang tapos ang kanilang relasyon. Hindi rin siya pinag-uusapan nina Jean at Sunshine ‘pag nagkikita sa taping.

MAY KAPALIT NA si Cristine Reyes sa Bandida, kaya wala nang sagabal para simulan ng ABS-CBN ang taping ng afternoon soap ng ABS-CBN na ipapalit sa Pieta. Si Angelica Panganiban daw ang ipinalit ng network kay Cristine na ni-reject ang project dahil panghapon at nag-primetime na raw siya via Eva Fonda.

May mga nag-react sa ginawi ni Cristine lalo na ang matatagal ng artista. Hindi raw alam ng kapatid ni Ara Mina na walang ipinagkaiba ang acting sa panghapon at pang-primetime at sa mga tunay at totoong artista, hindi namimili ng oras ang husay.

In fairness, bagay na bagay kay Angelica ang katangian ng isang bandida na nakasulat sa e-mail na ipinadala ng network sa press. Ang magiging Bandida raw ay “maganda, sexy, at matapang” na swak na swak lahat kay Angelica.

PINAG-UUSAPAN ANG PAGPI-FEELING close ng isang actor kay Francis Magalona nang magpa-interview ito habang naka-burol ang Master Rapper. Sabi ng actor, close siya hindi lang sa pumanaw na rapper-actor-TV host, kundi sa buong pamilya nito at nagla-lunch ang kani-kanilang pamilya sa kani-kanyang mga bahay.

Napanood ng mga anak ni Francis ang interview sa actor at gulat na gulat sila sa narinig. Oo nga’t kaibigan ng ama nila ang actor, pero hindi sila close rito at sa pamilya nito. Hindi pa rin daw sila nakapupunta sa bahay ng actor at ‘di nga nila alam kung saan ang bahay nito.
Hindi na lang nag-react ang mga anak ni Francis at pinabayaan ang actor, pero sana raw hindi na nito dagdagan ang mali-maling kuwento.

MASAYA NA SANA si Sunshine Dizon na pumayat siya after magpa-lipo kay Dr. Manny Calayan at tuluy-tuloy na pagda-diet. As in, apat na kutsara lang ng kanin ang kanyang kinakain at bumabawi na lang siya sa pagkain ng gulay at prutas.

Ang inirereklamo lang ng actress, sabay nang pagpayat niya ang pagliit ng kanyang boobs. Nahiya nga itong sabihin ang measurement ng kanyang boobs at nag-lecture na lang na nalalaman ang laki ng boobs ng isang babae sa cup at hindi sa measurement.

Anyway, masaya si Sunshine dahil bukod sa All About Eve, kasama rin siya sa pelikulang Sundo na showing na sa March 18, after the Mar. 17 premiere night sa SM Megamall. Balik-pelikula niya ito’t Mulawin The Movie pa ang last movie niya and that was three years ago.

At least, ang comeback movie niya is with GMA Films, with Robin Padilla at sa direksyon ni Topel Lee. Sa pelikula sila naging close ni Katrina Halili na best friend niya ngayon.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.