Angelica Panganiban, kinapa ang harap ni Diether Ocampo!

INAMIN NI Angelica Pa-nganiban na may eksena sila ni Diether Ocampo na kinapa niya ang harapan ng actor.

Tinanong tuloy siya kung may nakapa ba siya nang hawakan niya ang harapan ni Diether?

“Kayo talaga. Hindi naman… actually, nu’ng kinapa ko ‘yung harapan niya, nakapantalon siya at makapal ang pantalon. Walang malisya ang pagkapa ko, kasi kailangan lang talaga,” natatawang pahayag ni Angelica.

Samantala, going strong pa rin daw ang relasyon nila ni John Lloyd Cruz.

 

MAY TSIKANG naglabasan na tatapusin na raw ang Kailangan Ko’y Ikaw nina Kris Aquino, Robin Padilla at Anne Curtis dahil daw diumano sa pagseselos ni Mariel Rodriquez  sa love scene nina Kris at Robin.

Pero ito ay itinanggi ni Kris nang makausap ng ilang press. Ang totoo raw, 12 weeks lang ito talaga, ayon na rin daw sa original plan.

“It’s really 12 weeks, honest to God, even the time that it was presented, 12 weeks lang talaga siya tatakbo,” say ni Kris.

Sabi pa ni Kris, hindi naman daw siya pabor na habaan pa ang istorya.

Nilinaw rin ni Kris na walang katotohanang ba-balik siya sa The Buzz. Basta may bago raw siyang show, pero hindi siya allowed na sabihin kung ano ito.

Ang totoo ay plano nilang mag-iina na bumili ng bahay na lilipatan dahil gusto raw ni Joshua ay sa isang subdivision para makakapag-bike ito at nakakakapag-jog.

Kuntento na rin daw si Kristeta na walang lovelife sa ngayon. Basta kung may dumating na lang daw. At sana daw kapag nakakita siya ng lalaki na magpapatibok ng puso ay talagang mamamahalin siya at kanyang dalawang anak.

 

MASAYANG IBINALITA ni Alden Richards na magsisimula na siya ng bagong niyang primetime series kung saan makakatambal niya ulit si Louise delos Reyes na may working title na  Mundo Ko’y Ikaw.

Kamakailan lang ay nagpa-screen test na ng ibang actress para maging ka-love triangle sa Alden-Louise tandem.

“Masayang-masaya po ako talaga ngayon dahil matutuloy na ang bagong series namin ni Louise. This time ay hindi na ako special guest, bida na ulit ako,”say ni Alden.

Matagal din siyang naghintay at nagbunga naman kaya nahanapan sila ng babagay na istorya para sa kanilang tandem.

“Hindi naman po ako nainip sa paghintay ng next project kasi marami naman po akong ginagawa rin. May mga regional show at mga personal appearances. Ginawa ko rin po ang summer campaign for Folded & Hung kung saan nakasama ko rin si Enrique Gil and Elmo Magalona,” say pa ni Alden.

Pinaghandaan talaga ni Alden ang bagong series nila ni Louise delos Reyes, tulad ng pagpapalaki ng katawan.

Hindi naman naitago ni Alden ang paghanga niya ngayon kay Louise, mas gumanda ito at mas sumeksi dahil malaki ang ipinayat.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Related Post

loading...

4 thoughts on “Angelica Panganiban, kinapa ang harap ni Diether Ocampo!

  1. HAHA DYUSKO KAKALOKAH ANG KAKISIGAN NI DIET HUH! IN FAIRNESS NAKITA KO YUNG EPISODE NA YON NA TALAGANG NAKABUKOL SI JUN JUN HAHA! ANG TANONG GAANO KAYA KALAKI ANG NAHAWAKAN NI ANGELICA? HMMM… SANA TINAGALAN NIYA NG ILANG MINUTO PARA SULIT

    • SANA NAG ALA ARNELL IGNACIO SYA SA PAGDAKMA NG PUTOTOY NI DIET. HAHAHA. PWEDE RING ATE VI KAY JOEY MARQUEZ O MISS RITA GOMEZ KAY AL TANTAY! KALOWKAH

  2. ITANONG MO KAYA KAY ANGELICA KUNG ANG NAKAPA NYA AY SANTOL O SINIGUELAS. HAHAHAHA. ANYWAY, NA SIGHT KO ANG EPISODE NA NAKA BOXER BRIEFS LANG SI DIET. HOMAYGASH! ANG HOT HOT NG PAPA! SI DIET HABANG RUMA WRANGLER, MAS LALONG NAGIGING GWAPO. KASO, UMUURONG DIN ANG ACTING. WA HAPPENED?

Leave a Reply

Your email address will not be published.