Angelica Panganiban, kinaiinggitan sa photo scandal!

Puspusan na ang paghahanda ng GMA-7 sa Party Pilipinas na magsisimula na sa darating na Linggo.

Nu’ng kamakalawa ng hapon ay naabutan ko sa rehearsal room ng bagong building ng GMA-7 ang mga stars na kasali sa Party Pilipinas at naloka kami. Ang dami pala nila!

Hindi nga sila mapagkasya sa isang rehearsal room kaya ini-schedule na lang sila para mas makapag-rehearse sila nang maayos.

Si Ogie Alcasid nga ang personal na nag-aayos ng mga production numbers na gagawin nila pati ang concept, katulong nito si Janno Gibbs na hindi pa rin nangangakong makararating siya on time. Basta pagdating naman niya ready na siya at puwede nang isalang agad.

Bukod kay Mark Bautista, meron pa kaming naririnig na ilang Kapamilya stars na kasali rin daw sa bagong musical-variety show na ito ng GMA-7. Kaya abangan n’yo na lang dahil hindi naman daw sila sabay-sabay na papasok.

Ang ilan sa mga Kapamilya stars na narinig naming papasok sa Party Pilipinas ay napanood pa namin sa ASAP nu’ng nakaraang Linggo.

Kaya dapat na mapaghandaan ito ng mga taga-ASAP dahil mukhang matindi ang laban dito ng Party Pilipinas.

Ang isa pang ikina-excite naming kasali rin dito ay ang anak nina Francis at Pia Magalona na si Elmo.

Magaling kumanta itong bagets ni Pia at may charm naman sa mga fans kaya tiyak na isa ito sa kakikiligan ng mga manonood. Abangan na lang ito sa Linggo dahil obvious na makikipaglaban ito nang pukpukan sa ASAP.

MAGSISIMULA NANG MAG-SHOOTING ang pelikulang pagsasamahan nina Richard Gutierrez, Claudine Barretto at Anne Curtis dahil ang target nila, kailangang matapos ito bago umalis si Richard para sa celebrity edition ng Survivor Philippines.

Lalong na-excite ang aktor dahil malapit na nga raw silang magsimula. At since mga celebrity ang kasali rito, marami nang mga kaibigan ni Richard ang nagpahayag na type nilang sumali. Pero kakayanin daw kaya nila ang mahigit na isang buwang pamamalagi sa isang isla?

Kahit nga si Richard ay minemenos ng ilan na tiyak na hindi raw nito kakayanin, kaya natatawa na lang ang aktor dahil lalo raw siyang natsa-challenge sa ganu’n.

“’Yan nga ang gusto ko eh, ‘yung mga nagtsa-challenge sa akin. Saka ‘yung mga challenging acts, ‘yung mga challenging shows, ‘yun talaga ang favorite ko, eh. I like challenging myself,” pahayag ng aktor.

Malaki na rin ang pasasalamat ni Richard na bago niya simulan itong mga malalaking project na napunta sa kanya, natapos na rin ang mga problema niya sa mga kasong hinarap niya.

Natapos na ang isyu nila ng PEP at ang recent nga ay ang pagkaka-dismiss ng kasong isinampa sa kanya ng pamilya ng nasirang PA nito na si Nomar Pardo.

Nu’ng nagpa-thanksgiving mass nga ito nu’ng nakaraang Biyernes, nagpahayag si Richard na willing pa rin siyang tumulong sa pamilya ni Nomar at kahit si Tita Annabelle ay nagparating na rin ng mensahe sa asawa ni Nomar na si Lorayne na “peace” na sila at tawagan lang daw sila, willing silang magbigay ng tulong sa mga anak nito para mapagtapos sila sa pag-aaral.

Alam naman daw ng lahat na aksidente itong nangyari at hindi kagustuhan ni Richard, kaya sana maayos na raw ito.

MARAMI NAMANG MGA babae’t kabadingan ang inggit na inggit kay Angelica Panganiban nang nakita nila ang kontrobersiyal na litrato nitong nakadukot sa harapan ni Derek Ramsay.

Hindi nagsalita si Angelica tungkol diyan at sa halip ay si Derek ang nagtanggol sa aktres, dahil ‘yun ay matagal na raw nakunan at pawang katuwaan lang daw ‘yun.

Ano nga naman ang masama kung nakatuwaan nitong dukutin si Derek, eh, boyfriend naman niya.

Kaya ang ending tuloy, maraming nairita kay Angelica sa sobrang inggit.

Pero ilan sa mga dating kaibigan ni Angelica ang nakatsikahan namin na ganu’n daw talaga ‘yun. Kaya raw gawin ‘yun ng aktres dahil ganu’n talaga siya ka-daring at kainit pagdating sa nobyong si Derek na ubod nga naman ng sexy.

May isa pa itong kaibigang nagbigay ng deskripsyon kung anong klaseng babae si Angelica. Pero hindi na lang namin isulat para hindi na lumaki ang isyu.

By Gorgy’s Park

Previous articleSam Milby at Anne Curtis, ‘di na kailangang magpanggap pa!
Next articleSino ang wish mong makatuluyan ni John Lloyd Cruz?

No posts to display