Angelica Panganiban is so proud to perform in front of her American dad!

 

LAST YEAR, EKSKLUSIBO nating ibinalita sa The Buzz ang madamdaming pagkikita bago mag-Pasko ng mag-amang Angelica Panganiban at Mr. Mark Charlson sa LA. It was a long and arduous journey before Angel finally met her real dad.

Nagkasama silang mag-ama ng limang araw at sinabi ng aktres na ito raw ang pinakamasayang five days sa kanyang buhay. Pero hindi roon nagtatapos ang kanilang bonding dahil forever na silang magkakaroon ng ugnayan sa isa’t isa dahil sa matibay at espesyal na relasyong nagbibigkis sa kanilang dalawa.

Sa nakaraang Star Magic tour sa Amerika ay muling nagkita sina Angel at Daddy Mark. Nanood ang kanyang daddy ng show and this was his first time to watch his daughter perform onstage. “Nagpunta sila ng New York kasama iyong fiancée niya so nakapanood sila ng show namin, iyong Star Magic sa New York. Nakakatawa kasi iyong dance ko very conservative – nakabra lang ako [at] shorts pero okay naman… Alam naman niya kung ano iyong image ko rito. Sabi ko medyo malaki iyong difference na makikita niya. Kasi kapag magkasama kami medyo tahimik lang ako at medyo seryoso iyong mga pinag-uusapan namin. First time niya akong nakita bilang artista na live. Nakaka-proud siyempre na mag-perform sa harap ng daddy mo na never mong nagawa, ‘di ba? Memorable iyon sa akin at memorable iyon sa kanya,” kuwento ni Angel.

Alam ni Daddy Mark na isang sikat na aktres ang kanyang anak at napatunayan niya ito mula sa mga DVDs ng movies niya at sa first best actress trophy from Star Awards na ibinigay sa kanya noong isang taon ni Angel.

Angel introduced Daddy Mark to her friends bago ang concert at nag-dinner pa silang magkakasama. Nagpunta rin si Angel at ang kanyang adoptive mother na si Annabelle sa Iowa to visit her dad and his family. Nakita rin niya roon ang kanyang lolo, lola, mga tita at mga kapatid. Sabi ni Angel, “Ang dami ko nang na-check-an sa kung anong dapat kong gawin sa buhay ko.” Aminado si Angel na noong first time silang magkita ay siya ang emosyonal. Ngayon daw ay ang daddy naman niya ang naging emosyonal dahil nakita nito na magkakasama ang kanyang mga anak.

Masuwerteng nakausap ng The Buzz si Daddy Mark via phone patch. “She met her sister and her brothers – all three of them – and her grandparents. I think they hit it off just fine. I’m the happiest dad in the world. The last time I was this happy was when my boys were born,” sabi nito. Kuwento pa niya tungkol kay Angel, “We have the same front teeth, our feet are shaped the same. We both [have] a sense of humor, we like to laugh.”

He already misses Angel a lot. If given a chance ay gusto naman niyang makapunta rito sa Pilipinas. Ano naman ang kanyang masasabi tungkol sa boyfriend ni Angel na si Derek Ramsay? As a father, it is understandable na gusto niyang makilala nang personal si Derek. When asked for his comment kung sakaling gusto nang magpa-kasal ng dalawa, “I’m all for it. They make each other really happy.”

Pagbibida niya tungkol kay Angel. “She’s beautiful, talented, and very generous.” Binigyan daw siya ni Angel ng watch, camera, sunglasses, at mga damit.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

8 thoughts on “Angelica Panganiban is so proud to perform in front of her American dad!

  1. sya ba ung sa blind item na angelic face na may attitude problem? nagbabasa nga nman ksi sya ng magazine eh tapos iistorbohin ng mga fans para lng magpapicture.lol

  2. ang alam ko sabi niya sa akin ay band-aid lang suot niya ng parform siya sa harap ng father nya. Cool naman ako kaya ok lang

  3. kadiri kung mag three some sila with derek anyways adventurer naman si derek kaya derek would not mind at all

  4. ang bastos naman ng title parang incest ang dating, ano ba ang pineform ng walang pinagaralan ng starlet na ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.