Angelica Panganiban, hindi napigilang ilabas ang pagka-Rubi!

Hindi na nga napigilan ni Angelica Panganiban ang sarili na mag-react sa inaasta ni Gretchen Barretto tuwing kasama si Derek Ramsay. Magkasama ngayon sa isang proyekto sina Gretchen at Derek, pero kahit sa mga interviews ay ipinapakita ni La Greta na may gusto ito sa hunk actor. Naimbyerna si Angelica nang magkomento si Greta tungkol sa African trip ng magdyowa. Aniya, sana raw ay magdala ng solo pictures ang aktor, na agad namang ikinaloka ng tunay na girlfriend.

Sa Twitter, hindi na napigilan ni Rubi… este, ni Angelica na magparinig. Kahit sa interview nga nito sa The Buzz ay walang takot nitong ipinakita ang kanyang pagkadismaya sa inaasal ni Gretchen, na para bang hindi ito committed sa isang tao. Saan kaya hahantong ang tunay na labang ito? Kayo, kanino kayo kampi? Kay Angelica o kay Gretchen? Kay Rubi o kay Victoria?

By Mica Rodriguez

Photos By Allan Sancon, Fernan Sucalit ,Luz Candaba and Yomen

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Previous articleKim Chiu: Career Umaangat… Katawan Pumapayat!
Next articleMaureen Larrazabal: Negosyanteng Bombshell!

No posts to display