Angelica Panganiban, hindi na maitago ang pagkadismaya sa dos!

UMABOT NA ‘ata sa sukdulan ang pagpapasensya ni Angelica Panganiban sa nangyayari sa kanyang mga proyekto sa bakuran ng Dos, huh?

Marami ang nakakapansin sa madalas na pag-overtime ng programang Pinoy Big Brother tuwing Sabado ng gabi. Ang ending, halos Linggo na nang umaga napapalabas ang sexy-comedy show na Banana Split, ang nag-iisang existing show ni Angelica ngayon sa ABS-CBN.

Alam nyo ba kung ano ang meron pag saturday night? Hindi sunday morning ha :)”. Karamihan sa mga followers nito ay nakuha ang punto niya sa kanyang ‘sarcastic’ tweet.

May mga tagahanga rin ang sexy actress na dismayado sa biglaang pagkansela ng Alta, ang teleseryeng sana’y pagsasamahan nila nina Gretchen Barretto at KC Concepcion. Very vocal si Greta sa pagsabi na hindi niya nagustuhan ang biglaang pag-shelve sa proyekto, samantalang tikom lang ang bibig ni KC Concepcion.

Naku, baka biglang mag-Rubi mode itong si Angelica kung patuloy pa ang mga problema sa mga programang sinasamahan n’ya, huh?!

 

LJ Reyes, kering-keri ang titulong ‘Hot Momma’!

 

MULI NA namang nagbu-yangyang ng katawan ang Starstruck II graduate na si LJ Reyes para sa panlalaking magazine.

Matatandaan na una niyang ipinasilip ang kanyang alindog sa FHM Magazine ilang buwan bago nito ibinunyag na siya’y nagdadalang-tao sa anak nila ni Paulo Avelino. Ngayon ay sa Playboy Magazine naman ito nagpa-kitang-gilas at swak na swak na sa kanya ang titulong ‘hot momma’.

Ayon sa aktres, very flattered siya sa bagong bansag sa kanya. Ang ibig sabihin daw nito ay hindi siya ‘losyang’. Dapat nga naman na hindi gawing excuse ang pagiging ina para tamarin sa pag-aayos at pagpapa-seksi, ‘noh!

Ano kaya ang sey ni Paulo Avelino rito, na kinailangan ding magpakita ng ka-kisigan bago mapansin ng Kapamilya Network?

Mukhang determinado talaga sina Paulo at LJ na mairaos ang kanilang binuong pamilya, huh! ‘Yan ang mga dapat tularan! Mga seksi na, responsable pa! Pak!

Gwen Zamora, kinukuyog ng Dennis-Glaiza fans sa Twitter!

 

BIDA NGAYON sa horror movie na The Witness si Gwen Zamora, pero sandamakmak na horror tweets din pala ang natatanggap niya sa totoong buhay!

Kontrabida sa Biritera ang Kapuso beauty bilang Iris, ang die-hard fan turned possessive girlfriend ni Andrei, na ginagampanan ni Dennis Trillo. Marami ang natutuwa at naiinis sa love triangle nila sa programa bilang sina Andrei, Iris at Mikaela.

Imbes na magalit, may bahid ng pagkatuwa para kay Gwen sa tuwing nakakatanggap siya ng hate tweet. Ang ibig lang sabihin nito ay epektibo ang kanyang pagganap sa programa.
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

46 thoughts on “Angelica Panganiban, hindi na maitago ang pagkadismaya sa dos!

  1. hoy cnu ka man krissy ka bakit dapat lumayas c angelica sa dos?e cia na nga ang reyna ng star magic!d cia tutulad ky claudine walang utang na loob!!

  2. what do you mean si Kris A lang may karapatang maginarte? kahit gaano pa kasikat or kayaman ang isang tao hindi sapat na dahilan para mag-api at manginsulto ng kahit sino. Si FPJ nga na talagang legend na sa industriya nanatiling humble and marunong makipag kapwa tao kaya hangang ngayon mahal pa rin ng masa. I hate how people make it seem like having money and fame gives one the right to act like they have the license to treat others like trash.

    No respect or admiration for people like Kris A or anyone who abuses their power. Kaya ang hirap maghanap ng totoo at well deserved and admired celebrity sa industriya lalo na sa Hollywood at sa Pilipinas.

    As for Angelica, setting aside her rumoured ‘not so pleasant’ personality, I think she can act. She may not have the same charms to pull off leading lady material but she has all that it takes to make one fiesty character actress. Sayang ang ALTA. But of course KC is mum about it considering she’s among the main reasons for it being shelved.

  3. hey hinay hinay lang,versatile actress lang naman yan at dami ng awards yan ha,yan ang may napatunayan,yung iba jan puro pa cute lang buti pa si angelica kasi totoo…

  4. bastat kami d2 sa TARLAC CITY,,ANGELICA PANGANIBAN one of the best actress of her generation!! WE love YOU so mUCH MS. ANGELICA PANGANIBAN!!!

  5. go ANGELICA! super love kita. darating din ang mas magagangdang project sau. xcted nako para sa movie nyo ni papa piolo plus yung part ng here comes the bride!more projects to come !God Bless!

  6. ANO ANG SIGAW NG TAONG BAYAN?????????? ANGELICA KAMI! IKAW AY ISA SA MGA TUNAY NA MAHUSAY NA AKTRES NG IYONG HEHERASYON! IPINAGMAMALAKI KA NAMIN!!

  7. sana ayusin napo ang lahat ng PROYEKTO ni ANGELICA…talented siya.gusto namin siyang umarte!mapacomedy,drama,horror WAGING WAGI!! PAKKKKK!!

  8. tanggap kona na laos na laos nako.dko na kaya ibalik ang katawan ko.dko na kaya umarte gaya ng dati! pls help me!!

  9. @hahahha d naman po inaway ni ms. angelica panganiban ang azkals.c gretchen ang talagang nakaaway nya pero tingnan mo naman ang ganda ng friendship meron sila ngaun.kasi nakilala ni grech ang pagkatao ni angel.kaya po ikaw wag muna manghusga ng kapwa.c erich naman hindi rin nya inaway my mga tao lang talaga na sadyang gusto syang galitin para makapagsalita sya ng ganun.tao lang sya marunong din masaktan at ngaun ok na sila ni erich.ganyan talaga sa dos..maauz sila.pamilya sila.yun lang po.

  10. anooooo daw?c kris lang my karapatan mag inarte?hoy!!!!! mukha mo punasan mo!!c kris nga proud na proud sa panggagaya ni angelica sakanya!!!ganyan talaga sa dos sharing.unique sila on their own pero di mo maiiaaliz ang pagtutulungan at suporta sa isat isa.di tulad sa GMA..kanya kanya!!!

  11. korek! tumama ka jan mayumi! napakasama un mga dila talaga ng mga nagtatangol ky claudine laos.tgnan nio muna kung asan ung idolo nio ngaun?puro extra,manas ang katawan.trying hard manamit,pangit na umarte.d magaling maghost halata kinakabahan..anu ba yan!c derek dnamay nio pa!wala talaga kaung magawa sa buhay nio.mga sikat na mga tinitira nio.tgnan mu nga c claudine mas grabe naman cia inaway nia c kristine hermosa,angel locsin,angelica,carmina cnu cnu pa?too long to write here………

  12. comment kau ng comment d nio alam pinagsasabi nio!walang nagflop sa mga movie ni angelica.lahat pa my best actress awards both movies and teleserye.namamayagpag pa cia sa mga endorsement.kung napansin mo na ginagaya nia c kris sa isang commercial nia it means magaling talaga cia effective!inggit ka lang kc sobrang laos na c claudine mo!!wahahahahahahahahahahaha

  13. hindi sya laos no! sikat pa rin yan! kung LAOS yan eh di sana wala nang 1 million followers sya sa twitter!

    Pwes! wag mo itulad si Angelica sa GMA starlets nyo! Mas magaling si ANGELICA kaysa sa mga starlet ng GMA 7!

    Ang dami na nyang napatunayan! Baka yung artist nyo na lang na starlet ang hindi pa!

    Wag kayong mag alala! Pag natuloy yang ALTA na yan siguradong lalampasugin ni Angelica ang mga artist sa GMEWWWWW, TV5 and ABS-CBN! Best actress eh! Go!

  14. kawawa naman  si angelica ngkanda malas malas ang  career,yan masyadong  feeling awayin ba ang askals,gretchen,erich,at ang reyna talaga ng drama  na si claudine barretto,i remember may nasabi siya na di man direkta sinabi niya na laos na si claudine eh ano yawag sa kanya di pa man sumisikat nalaos na.hahahaa

  15. Oi Vona hindi ko pa kailangang hiramin yung pustiso ni Derek buo pa naman ang teeth ko, pero yang si Derek hndi nya made-deny kasi habang nagsasalita sya nahulog. hahaha

  16. ay na sa sad ako…ahhahha!  anu kaba kukay….knows mo pala yung pustiso ni derek ha…. siguro hiniram mo na yun dati…hahahaha… na sa sad tuloy ako…bwahhahah… kasi naman tanggalin na ang pustiso para makita nag talagang age…hahaha ayyy na sa sad tuloy ako…

  17. Bakit may napatunayan na ba yang Angelica bruha na yan sa movie or serye man lang? lahat Flop pati boobs flop. sumama ka na lang sa jowa mong kulang na lang malaglag ang pustiso sa kaartehan. punta na kayo sa singko para lalo kayong walang career. tse

  18. Sana naman ABS-CBN will pay more attention to Angelica. She’s a lot more talented and versatile than the other female stars in Ch2.

  19. walang pantostos and dos sa alta, di pa raw naaprubahan ng bangko ang bagong loan na inapply nila kaya cancel muna ang alta… tiis tiis lang mga bekimilya!!!

  20. nakakainis din dahil na-cancel yung Alta ganda pa man din ng teaser trailer na inupload dati sa internet! how true kaya na si KC daw ang dahilan kung bakit hindi tuloy ang Alta? Hmp porket naheartbroken pati career ng iba madadamay! Di bale Angelica we love you and we will support you saang network ka man mapadpad!

  21. dont worry Angelica…if your not happy w/ dos,pls come to me ur PAPA….buburutchahin kita oras oras sa sarap!

  22. lumayas ka na rin kaya angelica? tutal hindi ka naman na kailangan ng dos, lumipat ka sa gma para mabuhay naman ang kapuso network o mag inarte ka rin tulad ng jowa mong si tandang ramsay at magpapresscon at kung anu ano para mapansin. 

  23. ay nasa sad ako for angelika..hahahaha kasi naman..masyadong feeling ang vavaeng ito… kaya ayan …wala na …hay na sa sad talaga ako…ha ha ha!

  24. Tama lang yan ke angelica.Arte arte kasi kahit s commercial ng isang shampoo brand nag aala Krissy pa rin.Si Ms. Kris lang ang my krapatan maginarte s pagsasalita pag c angelica na prng gnugupit n yero nakakatulig masakit s tenga.Feeling p nya sobrng gnda nya na,ordinaryong mestiza, feelinggera

  25. Cristine Reyes on getting to know Piolo Pascual: “Parang nasa kanya na lahat. Perfect siya na tao!”

    Bakla nga lang!

Leave a Reply

Your email address will not be published.