Angelica Panganiban, hinahamon si Jinkee Pacquiao?!

NAGAWANG KLARUHIN NI Angelica Panganiban during Boy Abunda’s live interview with her na hindi siya nagseselos at naaapektuhan sa pagkaka-link ng boyfriend niyang si Derek Ramsey kay Jinkee Pacquiao. Pero hindi niya nabigyang-linaw kung ano ba talaga ang ibig niyang sabihin sa nasabi rin niya sa presscon naman ng bagong teleserye niyang Rubi kung ano ba talaga ang nais tumbukin ng statement niya for Jinkee na “I-try niya!”

Kaya nga after ng pagsalang niya nang live sa The Buzz ay inabangan namin siya for a one-on-one interview.

“Hindi talaga ako naba-bother, eh. Kaya lang, tanong lang kasi nang tanong ‘yong mga tao, so… hindi mo na alam kung ano. Kasi nga parang hindi sila masaya sa sagot ko na friends lang talaga sila.

“’Yong nasabi kong ‘i-try niya’… that was not meant to challenge Jinkee. Hindi. Baka awayin ako ni Pacquiao! Ha-ha-ha!”

No’ng unang lumabas ang isyu tungkol kina Derek at Jinkee, nagulat ba siya?

“Ah, hindi! Wala akong pakialam do’n. Ha-ha-ha! Gusto nila ‘yon , eh. Eh, ‘di… go!”

Hindi malinaw sa amin ‘yong sinasabi niyang ‘i-try’ ni Jinkee. Ano ba talaga ang ibig niyang sabihin du’n? I-try niya, sasabunutan ko siya? I-try niya,liligaya siya? I-try niya, okey lang sa akin? Ano?

“Basta, try niya! Dugtungan niya (Jinkee) na lang. Try niya… fill in the blank! Ha-ha-ha-ha! O, at least may options.”

Honestly, natsa-challenge ba siya na nali-link si Derek kay Jinkee?

“Hindi! Uhm… nakakatawa talaga ‘yong isyung gano’n sa kanila. Ate na ‘yon, eh!” Patungkol niya kay Jinkee. “At ate talaga ang tawag ni Derek sa kanya, eh.”

Nag-iilusyon nga raw yata itong si Jinkee na puwede ring mag-artista kaya buong-nining na sinasabing si Derek daw ang gusto niyang maging leading man. Payag ba siya sakaling ipag-produce ito ni Manny ng movie at ang boyfriend nga niya ang aluking maging katambal nito?

“Eh, ‘di magtrabaho sila. Payag ako. Oo. Wala akong insecurity sa katawan, eh. Etchos! Ha-ha-ha!”

Kung sabagay, kung pagtatabihin sila ni Jinkee, hindi lang sila mukhang mag-ate. Puwede na rin silang maging mag-ina, huh!

Bukod sa ganda, ang seksi talaga nitong si Angelica kaya nga kinababaliwang pagpantasyahan ngayon ng mga kalalakihan.

Sa ASAP recently nga pala, kapuna-puna ang pagiging sobrang daring ng kanyang costume sa isang dance number na ginawa niya kaugnay ng promo ng bago niyang teleseryeng Rubi. Halos naka-two piece na lang.

“Gano’n lang talaga. Namnamin n’yo na. Sa promo lang iyon. Ha-ha-ha!”

Pero kinaya ng powers niya, huh!

“Oo! Kumakabog nga ang dibdib ko, eh!  Ha-ha-ha!

Sa internet, kamakailan ay may mga nag-post ng matataray na comments against Angelica. Pera lang daw naman ang habol niya kaya siya nakipagrelasyon sa aktor. Produkto kasi ng isang de-buena familia itong si Derek.

Siyempre, medyo hurt si Angelica. Pero hindi siya apektado dahil totoo daw talaga ang pagmamahal niya kay Derek.  Hindi dahil sa pera o anupaman.

So far, okey naman din daw sila ng pamilya ni Derek. Kaya lang daw siyempre, iniingatan rin niya ‘yong anumang puwedeng masabi ng mga ito sa kanya.

“Hindi naman sila lumaki sa industriyang ito katulad ko. ‘Di ba?”

Pero wala naman siyang naririnig na hindi sila boto sa kanya or something like that?

“Wala naman.”

Gaano nga ba kayaman ang family ni Derek para sabihin ng ibang alangan siya sa aktor?

“Tanungin n’yo siya! Ha-ha-ha!”

Gaano na ba sila ka-close ng family ni Derek?

“Lumalabas kami kapag weekends. Kagaya no’ng New Year, sila ang kasama ko.”

Nag-e-effort naman siya na mapalapit pang lalo sa family ng aktor?

“Oo naman. And I’m glad, okey naman kami. Okey rin kami ni Derek. Okey rin ang career ko. Kaya happy ako sa buhay ko.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.