Angelica Panganiban, gustong tadtaran ng tattoo ang katawan?!

OLA CHIKKA! YES na yes talaga! Isa sa eskandalong nasulat noon lang nakaraan kay Angelica Pangiban ang pagiging ‘dukot queen’. Ngayon naman at ‘tattoo queen’ na! Naku, huh!

Nagpalagay ng isang malaking tattoo sa kanyang likod si Angelica (Ouch naman!) at sa may tadyang. Naku, huh! At nagbabalak pa raw itong magpalagay ng tattoo sa mga private parts ng kanyang katawan. Naku naman! Ang bidang-kontrabida talaga!

Ang mase-sey ko naman dito ay sinayang ni Angelica ang magandang kutis niya. ‘Yun na nga lang ang maganda sa kanya, sasayangin pa! O, baka naman naimpluwensiyahan na siya ni Papa Derek Ramsay, kasi magpapa-tattoo raw ito sa likod, ‘Rubi’ naman… ay ‘Angelica’ pala! Tama na, kasi sayang ang flawless na kutis ni Angelica, ‘di ba?

AT SUSUNOD NAMAN sa ating balitaktakan ang gaya na lang ng isinulat ko kahapon sa kolum ko para sa ating First Sister na si Kris Aquino, na aalis nga raw sa Pilipinas at iiwan ang career ‘pag nanalo ang kanyang kapatid. Kasi nga, taklesa at maldita raw ito at makasisira raw ito sa kanyang Kuya.

Huwag na! Dahil may K siyang mag-stay rito, at may K siyang magtaray, magmaldita at maging taklesa. Dapat huwag na lang siyang umalis sa ating bansa, kasi malaki ang maitutulong nito. Dahil sa pagiging taklesa niya, mabubulgar niya ang mga maling pamamalakad ng mga tao sa Malacañang! ‘Yun na!

At mamamatay kayo sa inggit. Kasi kahit ano’ng gawin n’yo, wala na tayong magagawa dahil win na at First Sister na talaga siya. Bonggang-bongga talaga ang Ate mo, kasi kahit ano pa ang sabihin n’yo, hindi talaga siya sumasagot sa mga paninira n’yo. Kasi nga, baka makasira lang ito sa soon-to-be our President.

Sa mga nagsasabing maka-Kris ako, nagkakamali kayo. Dahil nu’ng araw, pinupuna ko si Kris ‘pag mali sa aking panlasa. Wala pang taong nabubuhay para diktahan ako. Nasa tama lang ako, trabaho lang walang personalan!

Ang dapat palayasin at lumangoy sa dagat ng basura ni Villar ay si Willie Revillame. Dahil kung may prinsipyo siya, wala na siyang karapatang bumalik sa ABS-CBN, dahil ginagamit pa niya ang mga matatanda at ang mga tao, para makapaghugas-kamay siya. Ayan, para malaman ni Willie na ang nakasira sa kanya ay mga bayaran niyang writers na nakapaligid sa kanya.

Kaya para sa mga talunan, magtulungan na lang tayo para umunlad ang ating bansa! Hello at isa pang hello, isa na rin kayo sa mga dapat umalis. GOODBYE!

NAGULANTANG NAMAN AKO! Natapos ko na ang kolum kong ito, at nai-send ko na rin sa Pinoy Parazzi. Hinabol ko lang ang tawag ni Direk Buboy Tan na nakasama ko pa sa shooting ng Tarima na pinagbibidahan ni Fanny Serrano. Sabay kaming sinumpong at nahimatay.

Itong co-columnist ko rito sa Pinoy Parazzi na si Archie de Calma, passed away yesterday morning. Shocking talaga dahil mabait ito sa akin. Nakalagak po ang labi ni Archie sa kanilang bahay sa # 36 Pansol Ave., Brgy. Pansol, Quezon City, malapit sa Miriam College.

My heartfelt condolence sa mga naiwan ni Archie de Calma.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Ha-ha-ha! ‘Eto na naman, dahil isa naman itong para sa make-up artist, dahil isa ring itong host, kaya lang matanda na. Ayan, ha? Given na naman!

‘Pag minemeyk-apan daw at hindi maganda ang kinalabasan, nang-aaway ng make-up artist at nambabato raw. Naghihilamos nga raw ito at siya na ang nagme-make-up sa sarili.

Ay, naku! Kayo naman, dapat ‘di kayo ganyan. Kasi nagtatrabaho lang naman sila. Ayan tuloy, sa sobrang kaartehan niya, at dahil sa pagme-make-up sa kanyang sarili, nagmukha tuloy siyang lola sa TV! Ha-ha-ha! Given na given na!

Bad ‘yun! Dapat be professional, kasi nirerespeto kaa ng mga nanonood sa ‘yo, at matagal ka na sa industry. ‘Yan ang makasisira sa ‘yo.

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa [email protected]. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleAnne Curtis, 80% ang ibinibigay na chance sa bagong idine-date!
Next articleSam Milby & Maja Salvador: Precious Tandem!

No posts to display